Share

Chapter 28

 

 

MARAMI na ang nainom ni Gieselle at medyo lumalabo na ang paningin. May inilapag na isang kaha ng sigarilyo si Aaron sa mesa at kumuha ng isang stick si Adrian.

Nagpaalam siyang hihingi ng isa at nagulat si Aaron pero tumango rin. Mabilis siyang kumuha ng isang piraso at inipit sa kanya labi bago sinindihan.

Nakatitig lang ang mga kasama nila sa kanya pero inignora iyon. Nagbuga siya ng manipis na usok at tinapunan ng tingin si Martin na katapat niya. Gumalaw ang panga nito at nanliit ang mata.

Kahit naka-dim ang mga ilaw, iwan kung bakit naaaninag niya pa rin ang mukha nito, maging kay Mari na katabi niya.

Halos masamid naman si Joy sa iniinom habang nakamata lang sa kanya. Si Paul naman ay may mapaglarong ngiti at tinitingnan ang reaksiyon ni Martin.

"See that guy over there?" Ngumuso si Joy sa lalaking tinutukoy na nasa kabilang mesa at sinundan niya naman 'yon ng tingin. "Kursunada ka yata. In fairness ang hot niya rin. Huwag kang maingay kay Paul baka magal
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status