Share

Chapter 26

 

 

MAAGA pa lang ay abala na sila ni Ate Toyang. Ala-sais pa ng gabi ang oras ng rosaryo at pagkatapos nito ay ang kaunting salo-salo. Pero dahil mga senior citizen ang bisita nila, kailangang maghanda ng mas maaga dahil madalas ang matatanda ay conscious sa oras at laging mas maaga ang dating kaysa sa napag-usapan.

Sa tantiya niya'y dapat alas-singko ng hapon ay nakahanda na ang lahat upang makasabay sila ni Ate Toyang sa rosaryo.

Hindi nga siya nagkamali at bandang alas-singko ng hapon ay nagsidatingan na ang mga inimbeta.

Naihandan na rin niya ang altar at nakalatag na ang banig at carpet para sa pagrorosaryo.

Nakikipag-usap siya sa iilang mga bisita pero hindi maiwasang tapunan ng tingin ang labas. Kinakabahan siya sa pagdating ni Lola Pressy.

Namuo ang pawis sa kanyang noo nang pumarada ang isang metallic silver na SUV sa labas. Kahit hindi pa niya nakikita ang sakay nito pero base sa pagtibok ng kanyang puso'y kilala na niya ang dumating.

Kinakapos siya ng hang
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status