Share

Chapter 24

INILAPAG niya sa lababo ang basong ginamit at naglakad palabas ng kusina. Lalagpasan na sana niya si Martin ngunit nagsalita ito.

"Kumusta ang sugat sa tuhod mo?" tanong nito sa mababang boses.

Kinilabutan siya nang marinig ang tinig nito. Samahan pa ng pabangong nanunuot sa kanyang ilong.

"Ayos na," simpleng sagot niya at humakbang na palayo sa lalaki. Ngunit hindi natuloy dahil maagap nitong nahawakan ang kanyang siko.

"Gie. . ."

Tila napapaso siya sa mainit nitong palad. Napako ang mata niya roon. Dahan-dahan naman itong bumitaw.

Nang lumuwag ang pagkakahawak sa kanya’y nagmamadali siyang lumayo. Tila may humahabol sa kanya sa bilis ng paglalakad. Halatang kabado ang mukha nang umupo ulit.

Kinagat niya ang labi upang hindi mahalata ang panginginig. Hindi niya kayang mapalapit kay Martin. Kung dahil ba sa saya, sakit, pagkasabik, ilang, hiya ay hindi niya mapangalanan.

Hindi na niya masundan ang mga nangyayari. Lutang na siya hanggang sa isa-isang nagpaalam ang mga bisi
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status