Share

CHAPTER 13

GABRIEL

Dumating siya sa mismong club na pinuntahan niya noong nakaraan. Sa totoo lang, naguguluhan siya sa sinasabi ni Miss Beth kanina. Sasabihin lamang niya sa staff na E, at alam na ng mga ito kung saan siya ihahatid. Bakit kailangan pa niyang magbigay ng code o baka pina-prank siya ni Miss Beth? Walang ibang sinabi kung ‘di E lang. Tumungo siya sa bar counter, at kinuha niya ang atensyon ng isang bartender.

“Alam mo ba kung saan hahanapin ang E?”

Nakita niyang nagkatinginan ang dalawang bartender, at may pinindot itong isang gold button na malapit sa wine bar.

“Sir, maghintay lamang kayo ng ilang minuto dahil may hahatid sa’yo sa itaas.”

Kahit na naguguluhan siya ay naghintay lang siya, at hindi na nagtanong pa. Wala talaga siyang alam kung anong ibig sabihin ng E. Lugar ba iyon o code?

“Sir, ako nga pala si Rafael. Ihahatid kita sa itaas.”

May isang lalaki na bumungad sa kanyang harapan. Sumunod siya rito. Tumungo sila sa ikalawang palapag. Kailan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status