Share

CHAPTER 19

Dahil wala naman akong ginawa halos buong araw sa terrace, naisipan kong magpaabot nang gabi. Tulad nga nang inaasahan mas lumitaw ang ganda ng penthouse, pakiramdam ko ay abot ko na ang langit dahil sa taas nang lugar na ito kapag dudungaw naman ako ay nalulula ako sa taas at pakiramdam ko parang humihiwalay sa aking katawang lupa ang kaluluwa ko.

Nang magsawa ako sa katatambay sa terrace napagdesisyonan kong bumalik na sa loob dahil na rin sa lakas nang hangin.

Naabutan kong mag isang kumakain si Caden sa dining table, nang tingnan ko kung ano iyon, iyon pala ang pagkain na tinabi ko kanina pang umaga.

“Gutom ako kaya ko kinain ang luto mo, hindi ako kumain dahil nakikipagbati ako sa’yo.” pagkatapos ay tumayo dala ang kanyang pinagkainan at dinala sa lababo.

“Ikaw din ba ang maghuhugas nyan?” tanong ko habang sinusundan ang bawat galaw nya.

“Hindi.” tipid nyang sagot, hindi tumitingin sa akin at nilagpasan lang ako palabas ng kusina.

Hindi na ako nagpumulit pa na kausapin o makipag
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status