"WHAT a wonderful couple you two make. Congratulations!" Tumingin si Sofia sa kaniya, saka makahulugan nitong binalingan si Dwight na biglang nag-iba ang timplada ng mukha.
Tumiim ang bagang ng binata, pero dagli ring nawala. Seryoso ang mukhang bumaling ito kay Dwayne. "Mauunahan niyo pa yata kami ni Maitha."Bahagyang napakunot-noo si Syrellie. Maitha? Parang pamilyar. Tila narinig na niya ang pangalang iyon. Saglit siyang nag-isip. Mayamaya pa'y naalala na niya. Si Maitha ang babaeng nakatakda nitong pakasalan dati. Hanggang ngayon pala ay may relasyon ang dalawa? Sobra nga yata ang pagmamahalan ng mga ito. Dahil kung hindi, tiyak niyang hiwalay na ang mga ito ngayon.Pero kaano-ano nito si Sofia? Bakit ito ang kasama ng binata sa engagement party nila ni Dwayne? Nasaan si Maitha? Ah, ewan. Bakit ba niya pag-aaksayahang isipin iyon? Narito siya para sa engagement party nila ni Dwayne, at hindi para pagkaabalahan ang ibang bagay."You two are inNAGPAALAM si Syrellie kay Dwayne na pupunta lang ng restroom. She wanted to pee. Marami-rami kasi siyang nainom na cocktail drinks, pero hindi naman siya lasing. La Dolce Vita Spritz lang kasi ang ininom niya, mild lang kung tutuusin.She headed towards the restroom, she then peed. Lumabas siya pagkatapos, at akmang babalik na sa VIP lounge ng hotel nang magbago ang isip niya.She wanted to unwind. Gusto niyang mapag-isa, at makapagmuni-muni. Masyado nang marami ang iniisip niya nitong mga nakaraang buwan. Samot-saring alalahanin ang bumabagabag sa kaniya. Magpahanggang ngayon kasi ay tila mabigat pa rin sa loob niya ang nakatakdang pagpapakasal kay Dwayne. Hindi naman sa ayaw niya rito, pero kasi ay hindi niya ito mahal. Hindi naman niya puwedeng bawiin ang ipinangako niya rito. Baka sabihin pa nitong wala siyang isang salita. At isa pa, matutulungan niya hindi lamang si Dwayne na makuha ang mana nito, kundi pati na rin si Lance na makapag-aral sa gusto nitong kur
"TITO Dwight, thank you for this. I so love it," Euna said while holding the story book he gave her."You're welcome, Euna." Nginitian ni Dwight ang bata, saka ginulo ang buhok nito.Kasalukuyan siyang nasa mansyon ng mga Santiago. Binisita niya ang mga ito. Magmula kasi nang kupkupin niya at dinala sa Spain si Sofia noong nagka-amnesia ito at buntis pa man din ay hindi na ito naging iba sa kaniya. Itinuring na niya itong parang tunay na kapatid. Minsan ay tinutukso sila ng mga kaibigan niya, pero wala lang iyon sa kanila. Pinagseselosan nga rin ito ni Maitha, pero palagi naman niyang sinasabing wala silang relasyon ni Sofia, at pagtinging-kaibigan lang ang turing niya rito.Naaalala pa niya kung paano napunta sa puder niya si Sofia. Kababakasyon lang niya noon galing Spain. Noong gumaling kasi siya at nakalakad muli ay saglit siyang nagpunta ng Spain para asikasuhin ang naiwan niyang negosyo roon. Bigla namang nagkasakit ang kanilang ama ni Dwayne, kaya n
NANLALAKI ang mga matang napatitig si Syrellie kay Dwayne. Hindi niya inaasahan ang sinabi nito. Nakasulat na nga sa kontratang pinirmahan nila na bawal ang sex, pero may gana pa itong bulatlatin iyon hindi pa man nasisimulan ang matrimonya ng kanilang kasal. Ano kayang nakain nito? Mukhang hindi naman ito nagbibiro kung pagbabasehan ang ekspresyon ng mukha nito. Seryoso kasi itong nakatitig sa kaniya.She was about to open her mouth to contradict what he said nang magsimula nang magsalita ang officiant na magkakasal sa kanila. Seryoso silang napabaling sa harapan.The ceremony started. May mga sinasabi at itinatanong ang officiant na tinutugon naman nilang dalawa ni Dwayne.Namalayan na lamang niyang magkaharap na sila ng binata, at isinusuot sa isa't isa ang kani-kaniyang wedding ring. Kasabay rin niyon ay ang pagsasabi ng wedding vow nila.Naunang nagsalita si Dwayne. He stared at her, kaya naman napatitig siya sa mga mata nito."With
KINABUKASAN ay maagang nagising si Syrellie. Nakasanayan na kasi niya iyon simula pagkabata dahil na rin sa klase ng pamumuhay mayroon sila noon. Bawal silang tanghaliin ng gising sapagkat kailangan pa nilang kumayod.Iinat-inat siyang bumangon. Napansin niyang wala sa tabi niya si Dwayne. She roamed her eyes around. Wala rin ito sa couch ng kwarto.She heaved a sigh of relief, saka napangiti. Mabuti naman at hindi ito tumabi sa kaniyang matulog. At least, tumupad pa rin ito sa usapan na bawal ang intimate moments kapag sila lang dalawa.Bumaba siya ng kama. She wore her comfy slippers, she then peered at the wall clock. Pasado alas-kuwatro pa lang. Mamaya na lang siya maliligo. Magluluto muna siya. Hindi naman siguro masamang pakialaman niya ang kusina ni Dwayne. Tutal asawa naman na niya ito, kaya't nararapat lang na pagsilbihan niya ito kahit pa sabihing hindi naman totoo ang pagsasama nila.Itinali muna niya ang buhok, saka derederetso siyang
HINDI mapakali si Syrellie habang paroo't parito sa silid na kinaroroonan. Hindi pa rin mawala sa isip niya ang huling sinabi ni Dwayne bago nila tapusin ang video call sa Tiyang Letty niya.Hindi niya alam kung seryoso ito o parte lang ng pagpapanggap nila, pero talaga namang kinakabahan siya. Mukha kasing seryoso ito nang sabihin iyon sa tiyahin niya.Pagkatapos nilang ibaba ang tawag ay sakto namang tumunog uli ang cellphone ng asawa, kaya naman nagpaalam itong sasagutin muna ang tawag. Siya nama'y dali-daling nagpunta sa silid. Kanina pa siya roon, at hindi lumalabas. Sa madaling salita, pinagtataguan niya ito."Ay, kabayo!" Napapitlag siya nang makarinig ng tatlong magkakasunod na katok sa may pintuan. Dali-dali siyang sumampa sa kama. Humiga siya, at nagtalukbong ng kumot. Bahala na, magtutulog-tulugan siya, makaiwas lang kay Dwayne."Ellie, babe. Open the door."Shit! Ayon na nga. Open the door na kamo. Pero teka lang. Babe? Kailan
HINDI pa rin maproseso ni Syrellie ang narinig na sinabi ni Dwayne kanina."I think I'm falling for you, Ellie..."That phrase kept coming back from her mind. Hindi niya alam ang mararamdaman nang mga sandaling iyon. Masyado naman yatang mabilis ang mga pangyayari. Kahapon pa lang sila nito ikinasal, 'tapos ngayon ay may pa-confession na ito agad-agad?Pagkatapos na sabihin iyon ni Dwayne ay ito rin mismo nagulat. Natigilan ito, at hindi makaapuhap ng sasabihin. May nabanaag pa nga siyang pagsisisi sa mga mata nito na waring hindi nito dapat iyon sinabi. Alumpihit pa ito nang ngitian siya. Pero kaagad din naman itong nakabawi pagkatapos. Malapad ang ngiting ibinigay nito sa kaniya na waring natural lang ang sinabi nito.Inulit pa nito ang sinabi. Pero sa ibang mga kataga na. Dwayne uttered the three magic words to her. Yes, he muttered "I love you," then gave her a kiss on the forehead. Pagkatapos ay iniwan siya nito sa kwarto. May tatawagan daw k
"GOOD Morning, Sir!" magkakapanabay na bati ng mga empleyado ng Hotel Solivaness kay Dwayne.Dwayne just nodded without even smiling. Derederetso lang itong naglakad papasok ng opisina nito habang hawak ang brief case.Napasunod naman si Syrellie sa asawa. Takang-taka siya sa iginagawi nito. As far as her memory is concern, Dwayne wasn't stiff to his employees. He was full of smiles everytime they greeted him kahit pa noong nasa Tacloban Branch pa lang sila."Good morning!" She smiled to the employees. Siya na lang ang bumati sa mga ito. Mukha kasing walang plano ang asawa niya.That was the first time they went to the office magmula nang makauwi sila ng bansa. Mag-iisang buwan na sila sa Pilipinas, pero kabubukas pa lang ng bagong branch ng Hotel Solivaness sa City of Pasay.Noong gabing tinanong ni Dwayne sa kaniya kung gusto na ba niyang umuwi ng bansa, kinabukasan din ay agad silang sumakay sa chopper kasama si Lance. Ang chopper na sinakyan nila pabalik ay hiniram nito kay Dwight.
THE grand opening of Hotel Solivaness, Pasay Branch went well. Nang lumabas sila ni Dwayne at nagtungo sa front area ng hotel ay naroon na ang mga bisita. May pari na naroon kasama ang sakristan nito na magbi-bless sa hotel. Naroon ang mga business partners at investors. May nakita rin siyang mga kilalang tao sa lipunan—particularly politicians not just in Pasay City, but national politicians like Senators and two Cabinet Secretaries of the President of the Philippines.Lihim siyang napahanga sa dedikasyon ni Dwayne sa pagpapalago ng hotel nito. Noong huli silang mag-usap ay sinabi nitong hindi pa raw nag-confirm ang mga Senador na pinadalhan nito ng imbitasyon. Pero heto ngayon at nakadalo ang mga ito. Mas lalo tuloy siyang humanga sa asawa.Buong programa ay nasa tabi lang siya ni Dwayne. He didn't introduce her as his wife, but it was okay with her. Ang mahalaga naman nang mga sandaling iyon ay ang pagbubukas ng panibagong branch nito, at hindi ang ipakilala siya sa publiko bilang