NAKANGITING pinagmamasdan ni Syrellie ang mga anak habang nagtatampisaw ang mga ito sa tubig-dagat. Nakasampa si Kenjie sa balikat ni Lance, habang si Kelly nama'y sa balikat ni Dwight. Naghahabulan ang mga ito sa kung sino ang mauunang makapunta kay Byron. May premyo raw kasi ang lalaki. Hindi nga lamang niya alam kung ano'ng premyo ang sinasabi nito.
Napapailing siya habang natatawang pinagmamasdan ang mga ito. Ang kulit-kulit kasi ni Byron. Atras ito nang atras, kaya naman hindi maiwasang magmaktol ni Kelly. Halos masabunutan pa nito ang ama sa panggigigil. Nakalugay pa man din ang mahabang buhok ng binata, kaya naman tawa siya nang tawa lalo na sa reaksyon ni Dwight sa tuwing masasabunutan ni Kelly. Hindi kasi maipinta ang mukha nito. Marahil ay nasasaktan sa pananabunot ng anak. "Mukhang enjoy na enjoy ka kakamasid sa kanila." Awtomatiko siyang napabaling sa nagsalita. Napangiti siya nang mapagsino iyon. It was Annedale. Kasunod nito si Dwayne n"MUKHANG nawili kayong mag-usap ng ex-husband mo?" said a cold voice from behind. Awtomatikong napabaling ang paningin ni Syrellie sa nagsalita para lang makita ang nakaismid na mukha ni Dwight. Tumutulo pa sa nasisilayan nitong balikat at dibdib ang tubig mula sa basa nitong buhok. Pinasadahan niya ito nang tingin. N*kahubad-baro ito at tanging trunks lang ang suot. She could see his broad shoulders, down to his hairy chest. Mula roon ay naglakbay ang paningin niya sa nakakapanggigil nitong abs hanggang sa nakaumbok nitong pagkalala... "Sight-seeing, huh? Sabagay, libre naman...lalo na kung ikaw..." She abruptly closed her mouth, saka napalunok. Hindi niya akalaing nakanganga na pala siya habang pinagpapantasyahan ang kumag. Kunwari'y kunot-noo niya itong tinitigan. She wanted to cover up the humiliation she felt. Shit! Baka kung ano pang isipin ni Dwight. Baka isipin nitong lumayo na ang diwa niya kakamasid sa perpektong katawan nito
NGINGISI-NGISING sumulyap si Annedale sa kaniya. Nasa mga mata nito ang panunudyo habang pinaglilipat-lipat ang paningin sa kanilang dalawa ni Dwight. Pagkatapos ng tila gigil na gigil na tinuran ng binata kanina ay agad siya nitong pinaupo sa bakanteng upuan ng inuukopahang cottage. Kahilera nila sina Byron, Yaya Melly at ang dalawang kambal. Katabi niya si Dwight habang nakakandong dito si Kelly. Si Kenjie nama'y napapagitnaan nila ni Yaya Melly. Sa harapan naman nila'y nakaupo sina Lance, Winford, Dwayne at Annedale. Nakakandong kay Dwayne ang anak nitong si Blue Thirdy. Bahagya niyang sinulyapan si Dwight. Hanggang ngayo'y nakakunot-noo pa rin ito, at tila hindi maipinta ang mukha. Ngumingiti naman ito kung kinakausap ni Kelly, pero agad ding nagiging seryoso ang mukha pagkatapos n'on. She sighed. Hindi niya akalaing may ganitong side pala si Dwight. Masyado itong possessive. Hindi niya tuloy maiwasang mapaisip kung gan'on din ba ito kay Maitha dati? "Kain ka na, Syrell. Ma
"I AM the most beautiful bride in the whole world!" nakangiting ani Sofia habang panay ang ikot sa harapan ng malaking salamin sa loob ng kaniyang kuwarto.Kasalukuyan siyang nakasuot ng damit pangkasal. Isinukat niya iyon. Hindi kasi siya makatiis na hindi man lamang matingnan ang sariling repleksyon suot ang mamahaling wedding gown. Hindi naman siya nadismaya. Bagay na bagay iyon sa kaniya at talaga namang napakaganda niya. Tiyak na ipagmamalaki siya ng lalaking kaniyang pakakasalan, ng lalaking kaniyang mapapangasawa. Ipagmamalaki siya ni Jeremy!"Diyos ko mahabaging langit!" narinig niya ang tila nagulantang na palatak ng kaniyang yayang si Sela. Napa-sign of the cross pa ito. "Bata ka! Hubarin mo 'yan! Hubarin mo!" Natatarantang lumapit ito sa kaniya, saka akmang huhubarin ang wedding gown subalit pabigla siyang umiwas."Nana! Aren't you glad upon seeing me wearing this? Tingnan niyo ho, ang ganda-ganda po ng alaga niyo." Umikot-ikot pa siya para ipakita sa yaya kung gaano siya k
NAGISING si Sofia nang makarinig ng tila may dalawang lalaking nag-uusap sa labas ng kuwartong kinaroroonan. Napahawak siya sa kaniyang sentido. Medyo nahihilo siya."Boss, salamat sa pera. Malaking tulong na ito para sa pamilya ko," anang lalaki na sa tantiya niya'y siyang leader sa pang-a-abduct sa kaniya kanina."Walang anuman. Basta't walang dapat na makaalam nito.""Makakaasa ka, boss. Paano, aalis na kami.""Sige."Naulinigan na lamang niya ang marahang yabag ng papalayong lalaking napag-utusan.Inilibot niya ang paningin sa malawak na silid. Maituturing niyang master's bedroom iyon. Pinaghalong kulay puti at itim ang pintura ng kuwarto. Ang kamang kinahihigaan niya ay napakalambot at napakalaki. Binalutan iyon ng kulay puting comforter na sa tantiya niya'y bagong laba pa lamang. Napakabango kasi niyon at wala siyang makita ni katiting na dumi. Pati ang unan at kumot na ginamit ay napakalinis at napakaputi.Sa bedside table naman ay may nakita siyang mamahaling lampshade na nak
TAHIMIK na lumuluha si Sofia habang nakatalungkong pinagmamasdan ang bahid ng dugo sa puting kumot na itinapis niya sa hubad na katawan. Alam niyang nagtagumpay ang walang-hiyang lalaki sa pag-angkin sa kaniya. Ramdam niya ang kirot sa pribadong bahagi ng kaniyang katawan.Nawala na ang noon pa ma'y pinaka-iingat-ingatan niyang bagay na ibibigay sana sa lalaking pakakasalan—kay Jeremy. Kung alam lamang niyang ganito pala ang sasapitin niya, disin sana'y noon pa niya isinuko ang sarili sa katipan.Pinaka-ingat-ingatan siya ni Jeremy. Nagtimpi ito at ni hindi siya ginalaw. Gusto kasi nitong malinis siyang iharap sa altar, subalit ang lahat ay nawala sa isang iglap lang.Napahagulgol siya sa isiping iyon. Paano na siya? Paano na ang mga pangarap niya kasama ang lalaking mahal niya? Ano pa ang mukhang ihaharap niya sa nobyo? Hindi niya alam kung matatanggap ba nito ang mapait na sinapit niya. Hindi niya alam kung kaya ba nitong harapin ang mapanghusga at mapang-uyam na sasabihin ng ibang
"I AM sorry, Sofia, pero hanggang dito na lang tayo. Alam ng pamilya ko ang sinapit mo at ayaw nilang mabahiran ng dungis ang pangalan ng angkan namin kung sakaling pakasalan pa kita. Mahalaga sa 'kin sina mama't papa kaya't patawad kung wala nang kasalang magaganap. Paalam, Sofia..."Bigla na namang pumatak ang masaganang luha sa mga mata ni Sofia nang maalala ang mga huling katagang binitawan ni Jeremy bago ito tuluyang magpaalam sa buhay niya. Paulit-ulit pa rin niya iyong naririnig kahit pa anim na buwan na ang nakakalipas magmula nang mangyari ang mapait na yugtong iyon sa buhay niya.Naalala pa niya, biglang sumugod si Jeremy sa mansyon nila nang mabalitaan nitong nakauwi na siya. That was supposedly their wedding day, supposedly the happiest day of her life, pero kabaliktaran ang naramdaman niya nang mga sandaling iyon. Nakita niya ang awa sa mga mata nito habang nakahiga siya sa kama at tulala. Buong akala niya'y yayakapin siya nito, at sasabihing tuloy pa rin ang kasal dahil
KABUWANAN na ni Sofia subalit ang lahat ay wala pa ring ipinagbago sa kaniya. Bitterness and hatred towards the man who raped her was still in her heart. At sigurado siyang mamamalagi sa puso niya ang poot na iyon sa habang panahon! "Sophie, malapit ka nang manganak," pukaw ni Brix sa kaniya. Kasalukuyan silang nasa harden ng mansyon. Binisita na naman siya nito na may mga dala-dalang iba't ibang klase ng prutas, bitamina at gatas para sa kanila ng mumunting buhay na pumipintig sa kaniyang sinapupunan. May mga dala rin itong mga laruan at damit para sa baby. Hindi na nga niya mabilang kung ilan na ba ang mga naibibigay nito para sa bata. Mula kasi nang dumating ito noong anim na buwan pa lang ang tiyan niya ay halos palagi itong may dala para sa kanila ng sanggol. Ito na rin ang namili at nag-asikaso ng mga dapat na dalhin sa oras na manganak na siya. Ang binata rin ang bumili ng crib, stroller at nagpaayos ng baby's room mula nang malaman nitong babae ang ipinag
MAG-IISANG buwan na buhat nang makauwi si Sofia pagkatapos niyang manganak. Sa loob ng isang buwang iyon ay hindi niya pinagkaabalahang bantayan man lamang ang sanggol na iniluwal niya. Ni hawakan at tingnan ito ay hindi niya magawa. Tanging si yaya Sela ang tumayong taga-pangalaga ng baby.Halos araw-araw ring nagpupunta si Brix sa mansyon nila, at minsan ay ito pa ang nag-aalaga sa sanggol kung hindi ito abala sa kompanya."Ang suwerte ng anak mo kay Brix, anak," nakangiting saad ni yaya Sela. May dala itong tray na naglalaman ng juice at sandwich para sa kaniya. Maingat nitong inilapag sa mesa ang dala.Mula sa kinauupuang patio chair ay napagawi ang paningin niya kay Brix at sa karga nitong sanggol. Nakatayo ito at hindi magkandatutong aluin ang umiiyak na baby. Kasalukuyang nasa hardin ang mga ito. Habang siya nama'y nasa terasa ng mansyon at nagpapahangin.Brix was still wearing his office uniform. He was wearing his black slacks paired with