MAG-IISANG buwan na buhat nang makauwi si Sofia pagkatapos niyang manganak. Sa loob ng isang buwang iyon ay hindi niya pinagkaabalahang bantayan man lamang ang sanggol na iniluwal niya. Ni hawakan at tingnan ito ay hindi niya magawa. Tanging si yaya Sela ang tumayong taga-pangalaga ng baby.
Halos araw-araw ring nagpupunta si Brix sa mansyon nila, at minsan ay ito pa ang nag-aalaga sa sanggol kung hindi ito abala sa kompanya."Ang suwerte ng anak mo kay Brix, anak," nakangiting saad ni yaya Sela. May dala itong tray na naglalaman ng juice at sandwich para sa kaniya. Maingat nitong inilapag sa mesa ang dala.Mula sa kinauupuang patio chair ay napagawi ang paningin niya kay Brix at sa karga nitong sanggol. Nakatayo ito at hindi magkandatutong aluin ang umiiyak na baby. Kasalukuyang nasa hardin ang mga ito. Habang siya nama'y nasa terasa ng mansyon at nagpapahangin.Brix was still wearing his office uniform. He was wearing his black slacks paired withFIVE YEARS LATER..."MOMMY, we have an assignment in school. Can you please teach me po, mommy?" lambing ng anak ni Sofia na si Euna. May hawak itong libro habang nakatunghay sa kaniya. Limang taong gulang na ito ngunit magpahanggang-ngayon ay malamig pa rin ang pakikitungo niya sa bata. Naroon pa rin sa kaniya ang alaala ng kahayupang pinaggagawa ng ama nito sa kaniya. She still couldn't forget everything. "Can't you see I'm busy? Doon ka magpaturo sa lola Sela mo," tugon niyang hindi man lamang ito pinagka-abalahang sulyapan, bagkus ay sa mga pinag-aaralang papeles nakatuon ang atensyon niya. She was currently busy with paperworks from the company. Sa nakalipas na limang taon ay tinutulungan niya ang ama sa pamamahala sa kompanya nila. Sometimes, she only worked from home dahil ang daddy niya ang nasa opisina.Katulad ngayon, nasa bahay lang siya habang nagtatrabaho. They had an office room in their mansion, at doon siya naglalagi kung may mga
"MOMMY, look! I've got something for you," lambing ni Euna sa kaniya nang eksaktong makauwi ito galing school. Patakbo itong sumugod sa kinaroroonan niya. Ginawaran siya nito ng yakap at halik sa pisngi. Nasa likuran naman nito ang nakangiting si Brix na siyang sumundo sa bata. "Mommy, I have a greeting card for you. Teacher said we should draw something special for our loved ones. At ikaw po ginawan ko. Ako po nag-draw nito," lambing na naman nito nang hindi niya pansinin, bagkus ay sa laptop siya nakatutok at pinag-aaralan ang data ng Santiago Group of Companies. "Mommy, I wrote 'I love you' in the card kasi love na love ko po kayo...sobra po," ani pa nito na bahagyang nagpatigil sa kaniya. Somehow ay tila may masuyong kamay na humaplos sa puso niya sa narinig buhat sa anak. Ngunit pilit niya iyong inignora nang bigla na namang bumalik sa balintataw niya ang ama ni Euna. "Mommy, tingnan niyo po gawa ko. Para po sa inyo ito, eh," pa
MULA sa pagkakayuko sa mesa ay dumako ang paningin ni Sofia sa card na ginawa ni Euna para sa kaniya. Matagal niya iyong tinitigan. Nagtatalo ang isip niya kung pupulutin ba niya o pababayaan na lang sa sahig na itapon ng isa sa mga kasambahay nila.Ilang minuto rin siya sa ganoong ayos bago napagpasyahang tumayo at pulutin sa sahig ang card. Bumalik siya sa pagkakaupo sa swivel chair nang makuha na niya iyon.Simple lang ang pagkakagawa ng card ni Euna, pero mahahalatang magaling gumuhit ang anak niya. Hindi mapaghahalatang iginuhit iyon ng limang taong gulang na musmos. Puwede itong maging artist paglaki.Pinaglandas niya ang hintuturo sa cover photo ng card. Nakaguhit doon ang isang babaeng nakangiti na may hawak na bulaklak. Sa background naman niyon ay maraming nakaguhit na hugis puso. Hindi man nito nakuhang iguhit ang eksaktong mukha niya, pero alam niyang siya iyon.Binuksan niya ang card. Tumambad sa kaniya ang sulat-kamay ni Euna. Hindi niya naiwasang humanga. Maganda kasi an
MARAHANG iminulat ni Sofia ang mga mata nang maramdamang tila may nakatitig sa kaniya. Napangiti siya nang mapagtantong si Euna iyon. Titig na titig sa kaniya ang bata na tila hindi makapaniwalang nasa tabi siya nito at yakap-yakap. "Good morning, baby," nakangiti niyang bati, saka hinalikan sa pisngi ang anak. Marahan nitong kinusot-kusot ang dalawang inosenteng mata. Tila ba sinisiguro nitong hindi ito nananaginip lamang.She softly chuckled upon seeing Euna's cute kiddie gesture. "Baby, si mommy mo nga ito," natatawa niyang turan. "Mommy, are you not angry with me anymore?" inosente nitong tanong. She simply smiled, saka marahang umiling. All along ay akala talaga ng anak na galit siya rito. When in fact ay nadamay lamang ito sa muhi niya sa ama nito. "I'm definitely not. Bakit naman ako magagalit sa baby ko, huh?" lambing niya. Ikiniskis pa niya ang sariling ilong sa mumunting ilong nito. Napahagikhik si Euna,
EVERYTHING went well para kay Sofia. Everything was on its right path...on its right place.Mag-iisang buwan na ang relasyon nila ni Brix, and she could say that their relationship as lovers and at the same time as friends were getting stronger. They were both happy in each others arms with their instant kid of course—Euna!Hindi nila nakakaligtaang lumabas at mag-family bonding. She was contented and happy. Masaya siyang unti-unting naibibigay kay Euna ang pamilyang pinapangarap nito. Hindi man iyon direktang sabihin sa kaniya ng anak niya, but she knew that Euna's longing for a family...a complete and happy family. Siya man ay iyon din ang hiling...noon pa.She was thankful to Brix. Ito ang naging daan para mabuo ang pamilyang pinapangarap niya. Hindi pa man sila nito kasal, pero alam niyang doon na iyon papunta. She will wait for the time na mag-propose na ito sa kaniya.Napangiti siya habang mag-isang nagpapahangin sa malawak na bakuran ng man
MAHIGIT isang buwan na lang ang hihintayin at idadaos na ang nakatakdang kasal nina Sofia at Brix. Wala silang ginawa kundi ang asikasuhin ang iba't ibang bagay patuon sa nalalapit nilang pag-iisang dibdib. Everything was going according to plan.Sofia was very happy with great things that came into her life. She felt blessed. Naipangako din niyang hindi na niya isusukat pa ang kaniyang damit-pangkasal. Naroon na sa dibdib niya ang takot na muling maulit ang kahapong sinapit. Natatakot siyang hindi matuloy ang kasal niya sa lalaking iniibig—sa lalaking si Brix!Call it pathetic, pero nahawa na yata siya sa kaniyang yaya Sela sa mga pamahiin nito base na rin sa mga nangyari sa buhay niya.Napabuntong-hininga siya. Ipinagpapasa-Diyos na lamang niya ang lahat. Ipinagpapasa-Diyos na lamang niya kung makikilala pa ba niya ang lalaking humalay sa kaniya. Kung hindi man niya ito kailanman makilala ay ayos na sa kaniya sapagkat nariyan na si Brix at ang anak niya.
ALAM ni Sofia na nagseselos ang nobyo. Kanina pa kasi ito walang imik magmula nang aksidenteng magkita-kita silang tatlo ni Jeremy.Pagkatapos nilang mabayaran ang mga pinamili, at bilhin ang dress na sinasabi nito para kay Euna ay agad na itong nagyayang umuwi. Sumakit daw kasi ang ulo nito.Nagpatianod na lamang siya sa kagustuhan nito. Tutal ay pasado alas-siyete na ng gabi. Tapos na rin naman kasi silang kumain kanina sa mall. Binilhan na rin nila ng pasalubong si Euna at yaya Sela, pati daddy niya at mga kasambahay nila ay hindi nila nakaligtaan.Kanina pa niya ito sinusubukang kausapin, pero tipid lang ito kung tumugon. Kapag nagkukuwento naman siya ay tumatango lamang ito at hindi nagsasalita. Napangiti siya. Binalingan niya ang tahimik at nakakunot-noong si Brix. He was gripping the steering wheel hard. Gumagalaw ang mga muscles nito sa braso."Alin ba'ng masakit sa 'yo? Ulo o puso?" Pinigilan niyang mapangiti sa kapilyahan.
"WE'RE not yet done, Sofia." Brix said while unbuckling his belt. Bahagya itong dumistansya sa kaniya para tanggalin ang suot nitong slacks.Hinawakan ni Sofia ang braso ng nobyo. "B-Brix, can we do it after our wedding? O-On our honeymoon." She stammered.Hindi niya maamin sa nobyo na natatakot siya—natatakot siya hindi rito, kundi sa alaala ng kahapon na pilit niyang kinakalimutan.Kamakailan lang niya iyon nalaman—nang magkaroon sila ng relasyon ng binata. Sa tuwing niroromansa kasi siya ni Brix, at maghuhubad na ito sa harapan niya ay pilit na umuukilkil sa alaala niya ang lalaking nanggahasa sa kaniya, kaya naman palagi niya itong pinipigilan."Why, Sophie?" May hinanakit sa boses nito. "Don't you love me enough to fully give yourself to me?""No!" pabigla niyang bulalas. "I-I mean, I love you but..." Sasabihin ba niya? Sasabihin ba niya ang totoong rason kung bakit hindi pa niya maibigay rito ang katawan gayong mahal na mahal naman niya ito?Nangilid ang luha niya. Tumitig siya n