Share

CHAPTER 9

MULA sa pagkakayuko sa mesa ay dumako ang paningin ni Sofia sa card na ginawa ni Euna para sa kaniya. Matagal niya iyong tinitigan. Nagtatalo ang isip niya kung pupulutin ba niya o pababayaan na lang sa sahig na itapon ng isa sa mga kasambahay nila.

Ilang minuto rin siya sa ganoong ayos bago napagpasyahang tumayo at pulutin sa sahig ang card. Bumalik siya sa pagkakaupo sa swivel chair nang makuha na niya iyon.

Simple lang ang pagkakagawa ng card ni Euna, pero mahahalatang magaling gumuhit ang anak niya. Hindi mapaghahalatang iginuhit iyon ng limang taong gulang na musmos. Puwede itong maging artist paglaki.

Pinaglandas niya ang hintuturo sa cover photo ng card. Nakaguhit doon ang isang babaeng nakangiti na may hawak na bulaklak. Sa background naman niyon ay maraming nakaguhit na hugis puso. Hindi man nito nakuhang iguhit ang eksaktong mukha niya, pero alam niyang siya iyon.

Binuksan niya ang card. Tumambad sa kaniya ang sulat-kamay ni Euna. Hindi niya naiwasang humanga. Maganda kasi an
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status