Share

CHAPTER 16

"HELLO, Ninang Emily!" magiliw na bati ni Euna nang eksaktong makalapit ang mga ito sa kinaroroonan nila. Nagpababa ito kay Brix, saka nilapitan at hinagkan sa pisngi ang kaibigan niya.

Isa si Emily sa mga naging ninang ni Euna. Hindi nga lamang ito nakadalo n'ong binyag ng bata dahil nasa Singapore ito. Si Brix ang kumuha rito dahil n'ong mga panahong iyon ay wala siyang pakialam sa kung sino ang maging ninang ng anak niya. Brix was aware that Emily's her best friend kaya marahil isa ito sa mga naisip na kunin ng binata.

"Hi, baby girl. So sweet of you naman," Emily greeted in return, saka hinalikan din sa pisngi ang bata. "You're like a princess in your dress, baby," komento pa nitong nakangiti sa anak niya.

"Thank you po, ninang," humagikhik si Euna na tila kinilig sa sinabi ng kaibigan niya. "Daddy bought this dress for me po. Bagay daw po sa 'kin ang pink color na dress. I look like Cinderella daw po." Umikot-ikot ito sa harapan nila na ikinatawa nila
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status