Share

CHAPTER 2

NAGISING si Sofia nang makarinig ng tila may dalawang lalaking nag-uusap sa labas ng kuwartong kinaroroonan. Napahawak siya sa kaniyang sentido. Medyo nahihilo siya.

"Boss, salamat sa pera. Malaking tulong na ito para sa pamilya ko," anang lalaki na sa tantiya niya'y siyang leader sa pang-a-abduct sa kaniya kanina.

"Walang anuman. Basta't walang dapat na makaalam nito."

"Makakaasa ka, boss. Paano, aalis na kami."

"Sige."

Naulinigan na lamang niya ang marahang yabag ng papalayong lalaking napag-utusan.

Inilibot niya ang paningin sa malawak na silid. Maituturing niyang master's bedroom iyon. Pinaghalong kulay puti at itim ang pintura ng kuwarto. Ang kamang kinahihigaan niya ay napakalambot at napakalaki. Binalutan iyon ng kulay puting comforter na sa tantiya niya'y bagong laba pa lamang. Napakabango kasi niyon at wala siyang makita ni katiting na dumi. Pati ang unan at kumot na ginamit ay napakalinis at napakaputi.

Sa bedside table naman ay may nakita siyang mamahaling lampshade na nakapatong. May couch din malapit sa may pintuan. Minimalistic lang ang style ng silid pero masasabi niyang maganda iyon. Tiyak niyang mayaman ang may-ari ng mansyong kinaroroonan.

Napabalikwas siya nang bangon. Bigla ay nawala ang hilo niya. Kailangan niyang makatakas sa lugar na iyon.

Iginala niya muli ang paningin. Agad siyang pumanaog ng kama. She ran towards the closed door. Ngunit gayon na lamang ang panlulumo niya nang hindi niya iyon mabuksan.

Tumakbo siya patungong sliding window. When she saw the view outside, napagtanto niyang marahil ay nasa talampas sila. May naaaninag kasi siyang lawa sa 'di kalayuan na natatanglawan ng sinag ng buwan. Mukhang nasa tuktok silang bahagi ng bundok. Mukhang bahay bakasyunan ang pinagdalhan sa kaniya ng kaniyang abductor. Wala kasi siyang makitang kalapit na bahay sa labas. Ang naaaninag lamang niya ay ang malawak na bakuran ng kinaroroonan niya na natatanglawan ng mga ilaw sa paligid.

Buhat sa kinaroroonan niya'y halos kita na niya ang napakalawak na siyudad sa baba. Mukhang mga bituin ang mga ilaw na nagniningning mula sa mga istrukturang nakapalibot doon. Mas lalo siyang nangamba, mahihirapan siya tiyak nitong makatakas.

"Bakit naka-lock?" Tanong niya sa sarili nang pati ang bintana ay hindi niya mabuksan. Nanghihinang napasandal siya sa dingding ng kuwarto.

Iginala niya muli ang paningin. May nakita siyang dalawang nakapinid na silid. Dali-dali siyang tumakbo sa isa roon. Gayon na lamang ang tuwa niya nang mabuksan niya iyon. Ngunit agad ding nanlumo nang mapagtantong closet iyon na walang laman. Wala siyang nakita ni isang damit doon. Mukhang hindi pa iyon nalalagyan ng mga gamit.

Pinuntahan niya ang isang pinto. Banyo iyon. Ngunit nanlumo rin siya nang wala man lamang siyang nakitang bintana na puwede niyang lusutan para makatakas.

Nangilid ang mga luha niya. Mariin niyang hinawakan ang laylayan ng strapless red evening gown niyang suot pabalik sa kuwarto. Hanggang ngayon ay suot pa rin niya iyon. Medyo nagkalat na rin ang pagkaka-ponytail ng kaniyang buhok. Ewan niya kung saan na napunta ang stiletto niya. Pero wala siyang pakialam sa stiletto niya. Ang gusto niya'y makatakas at lisanin ang lugar na iyon.

Saglit siyang napatda nang makita ang lalaking naka-bonnet na nakaupo sa gilid na bahagi ng kama. Hindi niya namalayan ang pagpasok nito. N*******d-baro ito at mukhang malalim ang iniisip. Marahil ay ito ang boss ng lalaking tumutok sa kaniya ng armalite.

"S-Sino ka?" kinakabahan niyang tanong.

"Hindi mo na dapat pang malaman kung sino ako." Deretso ang tingin nito sa pader.

"B-bakit mo ako dinala rito? A-anong kailangan mo sa 'kin?"

Hindi ito tumugon, bagkus ay bigla itong tumayo at nilapitan siya.

Naalarma siya. Bitbit ang laylayan ng gown niyang suot ay akmang iiwas siya. Subalit naging maagap ang lalaki para yakapin siya. Walang pasubaling pilit nitong hinuhuli ang bibig niyang iwas nang iwas dito.

"B-bakit mo ginagawa ito? Hayop ka! Pakawalan mo ako!" bulyaw niya. Nagpumiglas siya sa pagkakayapos nito.

Inubos niya ang lahat ng lakas para lamang maka-alpas mula sa lalaki. Nagtagumpay naman siya, kaya't dali-dali siyang nagtungo sa pintuan. Subalit hindi pa man niya iyon nabubuksan ay naging maagap ang lalaki. Marahas na hinablot nito ang laylayan ng suot niyang gown, sanhi para mapunit iyon at tumambad dito ang halos hubad na niyang katawan.

Nanlaki ang mga mata niya sa magkahalong gulat at takot. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na may nakakita sa katawan niya. Maski ang boyfriend niya'y hindi pa iyon nasisilayan.

Nanginginig ang mga kamay na pinagsalikop niya sa nasisilayan niyang dibdib ang mga braso niya. Hindi siya nagsuot ng bra. May foam naman kasi ang gown na suot niya.

"P-Please, maawa—" hindi niya naituloy ang nais sabihin nang bigla siya nitong yakapin, saka pasalya siyang inihiga sa kamang naroon.

"Bitawan mo ako! Maawa ka sa 'kin! Tulong!" Napaiyak na siya. Halos mag-hysterical siya habang patuloy na nanlalaban dito. Naroong tadyakan niya ito, sampalin, suntukin sa dibdib. Ngunit waring wala lang iyon sa lalaki. Waring hindi ito nasasaktan sa pinaggagagawa niya.

"Stay put!" the man said in gritted teeth. Hinawakan nito sa kaliwang kamay ang palapulsuhan niya. Pasalyang inilagay nito iyon sa ulohan niya.

Impit siyang napaluha habang tila ito demonyong hinahalikan ang mga labi niya. Pilit niyang iniiwas ang mukha rito. But the man gripped her chin, sanhi para hindi niya maigalaw ang ulo niya.

Mariin niyang itinikom ang bibig. Patuloy pa rin siya sa pagluha. Mayamaya'y napasinghap siya nang kagatin nito ang ibabang parte ng mga labi niya. Hudyat iyon para makapasok ang dila nito at magkalikot doon.

Diring-diri ang pakiramdam niya nang mga sandaling iyon. Sukang-suka siya sa ginagawa nito, lalo na kapag naririnig niya ang ungol nito.

Naramdaman na lamang niyang naglakbay ang mga labi nito sa leeg niya. Ang mga palad nitong nakahawak sa palapulsuhan niya'y unti-unting lumuluwag, kaya naman muli ay nagpumiglas siya. Hinawakan niya ito sa magkabila nitong balikat, at pilit na inilalayo ang katawan nitong nakadagan sa kaniya.

The man gaped at her with fiery eyes, saka walang babalang pinunit nito ang kahuli-hulihan niyang saplot sa katawan. Tumambad dito ang iniingatan niyang yaman.

Napasigaw siya, at napahagulgol. Hindi niya alam ang gagawin para takpan ang sarili. Samantalang ang mga palad nito'y nagsisimula nang maglilikot sa iba't ibang bahagi ng kaniyang katawan.

Pilit pa rin siyang nanlaban. Ngunit sadyang hindi ito nakikinig sa mga pagmamakaawa at hagulgol na ginagawa niya. Sadyang bato ang puso nito.

"M-maawa ka... Ikakasal na ako..." Nanghihina na siya. Nauubos na ang lakas niya sa kaiilag at kaiiwas dito.

Saglit na natigilan ang lalaki. Tinitigan siya nito. "Mahal kita kaya ko 'to ginagawa."

"Mahal? Kung mahal mo ako, hindi mo gagawin 'to! Ipauubaya mo ako sa lalaking mahal ko!" umiiyak niyang saad, ngunit puno ng galit ang tinig.

"Ginagawa ko lang 'to para na rin sa kapakanan mo."

"Kapakanan ko? O pagiging makasarili mo?" mapang-uyam niyang tanong. "Nagmamahalan kami ng lalaking pakakasalan ko kaya ano'ng pinagsasasabi mong kapakanan ko? Makasarili ka! Sarili mo lang ang iniisip mo! Kaligayahan mo lang ang mahalaga para sa 'yo at hindi ang kaligayahan ng ibang tao!" Patuloy ang pagluha niya. "Kung sino ka man, sumpain ka sana!"

Nasilayan niyang tila nagtagisan ang muscles nito sa panga na natatabunan ng bonnet subalit hindi ito nagsalita, bagkus ay marahas na naman nitong inangkin ang mga labi niya.

"Hmp! Bitawan—Hayop—Walang hiya ka!" Lumuluhang nagpumiglas siya. Pilit niyang iniiwas ang sariling mukha sa lalaki.

Muli ay naglakbay ang magkabilang palad nito para dumama at humaplos sa iba't ibang bahagi ng hubad niyang katawan na kahit ang fiancee niyang si Jeremy ay hindi pa nakakahawak.

Pinipilit niyang tanggalin ang bonnet na nakatakip sa mukha nito pero hindi niya magawa. Sa tuwing susubukan niya kasing gawin iyon ay bigla na lamang nitong inilalayo ang kamay niya.

Mayamaya'y nakasumpong siya ng pagkakataon. Ubod-lakas niya itong kinalmot sa mabalahibong dibdib nito, sanhi para umagos doon ang masaganang dugo. Buti na lamang at mahahaba ang kaniyang mga kuko, kaya naman nagamit niya iyon.

"What the fuck! Bullshit!" galit nitong mura habang sapo ang nasugatang dibdib.

Alam niyang nasaktan ito base sa narinig at nakikita niya. Muli itong napasulyap sa kaniya, at buong kapangahasan na naman nitong inangkin ang labi niya.

Pilit pa ring nanlaban si Sofia. Nagbabakasakali pa rin siyang makaalpas at matakasan niya ito. Sa pangalawang pagkakataon ay kinalmot na naman niya ito, sanhi para mas lalong umigting ang nadaramang galit ng lalaki. Sunod-sunod itong napamura, saka bigla siya nitong sinuntok sa sikmura dahilan para manghina siya at tuluyang mawalan ng ulirat.

Hindi na niya namalayan pa ang ginawa nitong pagpasasa sa katawan niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status