Share

CHAPTER 3

TAHIMIK na lumuluha si Sofia habang nakatalungkong pinagmamasdan ang bahid ng dugo sa puting kumot na itinapis niya sa hubad na katawan. Alam niyang nagtagumpay ang walang-hiyang lalaki sa pag-angkin sa kaniya. Ramdam niya ang kirot sa pribadong bahagi ng kaniyang katawan.

Nawala na ang noon pa ma'y pinaka-iingat-ingatan niyang bagay na ibibigay sana sa lalaking pakakasalan—kay Jeremy. Kung alam lamang niyang ganito pala ang sasapitin niya, disin sana'y noon pa niya isinuko ang sarili sa katipan.

Pinaka-ingat-ingatan siya ni Jeremy. Nagtimpi ito at ni hindi siya ginalaw. Gusto kasi nitong malinis siyang iharap sa altar, subalit ang lahat ay nawala sa isang iglap lang.

Napahagulgol siya sa isiping iyon. Paano na siya? Paano na ang mga pangarap niya kasama ang lalaking mahal niya? Ano pa ang mukhang ihaharap niya sa nobyo? Hindi niya alam kung matatanggap ba nito ang mapait na sinapit niya. Hindi niya alam kung kaya ba nitong harapin ang mapanghusga at mapang-uyam na sasabihin ng ibang tao na rape victim ang pakakasalan nito.

Mas lalo siyang napahagulgol ng iyak. Humihikbing pinahid niya ang luhang patuloy sa pagpatak. Saka naman bumukas ang pintuan ng silid at iniluwa mula roon ang naka-bonnet na lalaking gumahasa sa kaniya. Naka-damit pambahay na ito, at mukhang bagong paligo. May dala itong tray ng mainit na pagkain. Agad niyang hinawakan nang mariin ang kumot sa takot na baka pakialaman na naman siya nito.

"Kumain ka na," anito, sabay lapag ng tray sa bedside table.

Hindi siya umimik, bagkus ay tahimik lamang siyang lumuluha habang naka-iwas ang tingin dito.

Narinig niyang napabuntong-hininga ang lalaki. Umupo ito sa gilid ng kama malapit sa kinaroroonan niya, kaya naman pilit siyang nagsumiksik sa headboard ng higaan.

"Kumain ka na. Walang lason 'to." Tinikman pa nito ang pagkain para lamang mapaniwala siya. "Baka kung mapa'no ka. Kaninang umaga ka pa hindi kumakain," ani pa nito na pilit siyang sinubuan.

Bigla niyang iwinaksi ang braso nito, sanhi para matapon ang pagkaing nasa kutsara. "Mas gugustuhin ko pang mamatay sa gutom kaysa makasama ang walang-hiya at hayop na lalaking katulad mo! Isa kang rapist!" matalim ang titig at puno ng poot niyang bulyaw.

"Huwag ka nang mag-inarte. Wala ka nang magagawa, nakuha na kita!" nakatiim-bagang nitong saad.

Nagpanting ang tainga niya sa narinig, kaya naman ubod-lakas niya itong sinampal. Kahit man lang sa ganoong paraan ay makaganti siya rito.

Nasilayan niyang napakuyom ito ng magkabilang-kamao, saka walang anu-ano'y marahas nitong hinablot ang kumot na nakatapis sa hubad niyang katawan.

Napasigaw siya nang bigla siya nitong sunggaban, at sa pangalawang pagkakataon ay nagpilit itong kunin siya sa dahas.

Pilit pa rin siyang nanlaban. Subalit ang lahat ng iyon ay wala sa lakas ng lalaki. Idagdag pang hindi pa siya nakakakain sa araw na iyon, kaya naman hinang-hina ang pakiramdam niya.

Nagmamadali itong naghubad sa harapan niya nang tila masiguro nitong lupaypay na siya at hindi na makapanlalaban pa.

Mayamaya pa'y namalayan na lamang niyang pinaglalakbay na nito ang mga palad sa maseselang bahagi ng katawan niya. Naroong pisilin nito ang magkabila niyang dibdib habang tila sanggol na s********p ang dunggot niyon. Maski ang kaniyang pagkababae ay hindi nito pinalagpas. Naroong masahiin siya nito sa parteng iyon. Ngunit imbis na madarang sa pinaggagagawa nito sa katawan niya ay diring-diri ang pakiramdam niya kaya tahimik lamang siya lumuha.

Mayamaya'y napaigik siya nang maramdamang pilit na nitong ipinapasok ang malaki nitong sandata sa lagusan niya. Mariin siyang napahawak sa comforter ng kama sa nadaramang kirot.

"Oh, shit! You're still fucking tight," he muttered, at tuluyan nang isinagad sa looban niya ang pagkalalaki nito.

Mayamaya pa'y nagsimula na itong umindayog sa ibabaw niya. Sa una'y mabagal lamang ang galaw nito hanggang sa pabilis nang pabilis na tila hinahabol ng sampung kabayo.

"Oh... Fuck! Fuck! Oh... Ah... Ah..." the man groaned while his big shaft was thrusting harder and faster inside her.

Sunod-sunod ang pagtulo ng mga luha niya habang naririnig ang mga ungol at d***g nito. Diring-diri at sukang-suka siya habang mabilis itong umuulos sa ibabaw niya.

Mayamaya pa'y humihingal na ibinagsak nito ang katawan sa tabi niya. Nagtagumpay na naman itong maangkin siya sa pangalawang pagkakataon. At ngayon nga ay gising na gising ang diwa niya sa kahalayang pinaggagawa nito sa kaniya.

"I love you..." bulong nitong titig na titig sa kaniya.

Poot ang mababanaag sa mga mata ni Sofia nang marinig ang sinabi ng lalaking humalay sa kaniya.

___

HINDI mabilang ni Sofia kung ilang ulit ba siyang inangkin ng lalaki sa mahigit isang linggo niyang pagkakakulong sa puder nito. Halos araw-araw ay ginagamit siya nito. Habang nagpapasasa ito sa kaniya ay iyak lang siya nang iyak. Diring-diri siya sa bawat haplos ng mga palad nito. Sukang-suka siya sa bawat paghalik nito sa iba't ibang bahagi ng kaniyang katawan. Impit na hagulgol ang maririnig sa kaniya sa tuwing mairaraos na nito ang pagnanasa sa ibabaw niya.

Noong una'y halos ubusin niya ang lahat ng lakas para malabanan ito. Ngunit nang lumaon ay napagod na rin siya. Hinayaan na lamang niya kapag may gagawin na naman ito sa kaniya. Tahimik lamang siyang lumuluha habang nagpapasasa ito sa katawan niya. Nang lumaon ay tulala na lamang siya at walang ekspresyong kababakasan sa maganda niyang mukha.

Bakit pa siya manlalaban kung wala na siyang dapat pang protektahan? Bakit pa siya manlalaban kung nakuha na nito ang buo niyang katawan?

Sa bawat pag-angkin nito sa kaniya ay palagi niyang naririnig na mahal siya nito, subalit mas lalo lamang iyon nagpapa-igting sa nadarama niyang suklam para sa lalaki.

'How could you possibly do some stupid act to the person you love?' Iyon palagi ang katanungan niya kaya't hindi siya naniniwala rito. At kung kilala lamang niya ito ay tiyak niyang hindi niya ito mamahalin.

"Magbihis ka na. Ito ang damit. Iuuwi na kita sa inyo," narinig niyang wika ng lalaki, kasabay ng paglapag nito sa kama ng mga susuotin niya. Hindi niya namalayang pumasok pala ito sa kuwarto nang dahil na naman sa pagkatulala niya. "I'll get back to you fifteen minutes from now," ani pa nito, saka lumabas.

Dahan-dahan niyang kinuha ang damit, saka pumasok na ng banyo para magbihis.

Alam niyang sa pag-uwi niya ay wala na siyang babalikan pa. Alam niyang iyon na ang simula ng pagbabago ni Jeremy sa kaniya. Wala na siyang babalikang kasal!

Napaluha siya habang nagbibihis.

___

"HUWAG na huwag kang gagawa ng bagay na makakakuha ng atensiyon ng ibang tao," saad ng lalaki habang pinipiringan siya sa mata. "At huwag na huwag mong susubukang tanggalin ang piring na 'to dahil sa oras na magkamali ka ng galaw ay hindi ako mangingiming pasabugin 'yang bungo mo!" determinadong pananakot nito, saka inakay siya palabas ng silid na naging saksi kung paano siya gawan ng kahayupan ng lalaking ito. Silid na naging saksi ng pagkabasag ng isang bagay na noon pa man ay pinaka-ingat-ingatan niya.

Habang nasa daan sila ay tila tuod si Sofia. Hindi siya makagalaw sa takot na baka sa isang maling kilos lamang niya ay bigla na lamang siyang bumulagta. Kasalukuyan kasing nakatutok sa sentido niya ang pundilyo ng baril na hawak ng lalaki. Tila sinisiguro nitong hindi niya magagawang tanggalin ang piring sa mga mata.

"Kapag inihinto ko na ang kotse at sinabing baba ay bumaba ka na. Hudyat iyon na naihatid na kita. At huwag mong susubukang tanggalin ang piring sa mga mata mo kung naririnig mo pa rin ang pagharurot ng sasakyan ko. Ni huwag mong susubukang sumigaw at humingi ng tulong dahil talagang ipuputok ko ang baril na 'to sa 'yo! Nagkakaintindihan ba tayo?" litanya nito sa mga dapat niyang gawin.

"O-Oo, naiintindihan ko," nahihintakutan niyang tugon. Mas lalo kasi nitong itinutok ang baril sa sentido niya.

"Mabuti kung gan'on."

___

NARAMDAMAN na lamang ni Sofia na unti-unti nang nagmemenor ang kotseng sinasakyan nila. Marahil ay nasa tapat na sila ng mansyon.

"Bumaba ka na. Nakabukas na ang pinto. Huwag mong kalimutan ang mga sinabi ko!"

She stiffly nodded. Maingat siyang bumaba ng kotse at tila tuod lamang na nakatayo sa kalsada habang naririnig pa niya ang pagharurot ng sasakyan ng lalaking nanghalay sa kaniya.

Nang hindi na niya iyon narinig at tumahimik na ang buong paligid ay agad niyang tinanggal ang piring na nakatakip sa mga mata. Lumuluhang nag-doorbell siya sa mansyon nila.

Hinang-hina ang pakiramdam niya nang mga sandaling iyon. Tila gusto nang bumigay ng kaniyang katawan sa matinding pagod at puyat. Nanginginig na rin siya, at mukhang lalagnatin pa yata.

Mayamaya pa'y narinig na lamang niyang may nagbubukas na sa gate ng malaking mansyon nila.

"Sofi—"

"Nana..." sambit niya bago tuluyang bumagsak at mawalan nang malay.

"Sofia, anak! Diyos ko! Ano'ng nangyari sa 'yo? Sofia! Sofia!"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status