TULUYAN inilapag ni Minnie ang tray na naglalaman ng inihanda niyang meryenda sa kaibigan si Carol. Lumuwas ito pa-Maynila dahil meron itong binili sa Divisoria. Nagkataon naman na isang sakayan lamang ang papunta sa mansyon nila.
"Mukhang masaya ka ngayon bff?"puna ni Carol nang mapagmasdan nito ang nagniningning na mata ng kaibigan si Minnie. Maging ang magagandang ngiti sa labi ay hindi nakaligtas sa paningin nito. Nasa sala sila ng mansyon nila."Pati iyon napansin mo,"nahihiyang wika naman nito na agad nag-iwas ng tingin dahil patuloy siyang pinagmamasdan ni Carol."Bakit ba, you look amazing! masaya ako para sa iyo best friend. Kasi matagal-tagal din na hindi kita nakitang ganiyan.""Oo nga bff, para pa rin akong nanaginip ba. Akala ko hindi ko na maibabalik sa dati ang masaya kong pamilya. Pero heto, unti-unti nagiging maayos na. Kahit paano nagiging kasundo na rin ni Aevo si Vonie dahil nag-e-effort ito. Habang ang kambal namin ay kilala naHALOS gabi na rin ng dumating si Minnie sa mansyon nila. Nang ipasok niya sa garahe ang kotse niya ay pansin na niyang patay na ang lahat ng ilaw sa loob. Naglakad na siya papasok habang bit-bit pa niya ang ilan sa mga pinamili niya sa mall na nadaan nila kanina ni Carol. Sa pagkaalala na sobrang saya ng bestfriend niya dahil sa panlilibre niya rito ay kahit paano ay masaya na siyang napaligaya niya ang kaibigan. Isusuksok na sana ni Minnie ang duplicate key niya sa keyhole ng main door ng biglang magbukas iyon at makita niya ang seryusong mukha ni Aevo. "B-babe! nakakagulat ka!"usal niya. Tuluyan na siyang pumasok si Aevo naman ang nagsara ng pinto. "Bakit ngayon ka lang, saan ka galing?"ang malamig na tanong ng lalaki habang pumapanhik sila sa hagdan. "Nagpunta ako ng Salon V, sinamahan ko si Carol, ginabi ako dahil hinatid ko pa si
NAGISING ng umagang iyon si Minnie dahil sa halik ng anak niyang si Vonie."Mom wake up!"sabi pa nito.Iinot-inot naman na napabangon si Minnie, "I'm sorry baby, h-hindi ako nagising ng maaga,"sabi niya nang makita niyang alas-nuebe na ng umaga. Nang tapunan niya ng tingin ang mga crib ng kambal ay wala na ang mga bata sa loob."Nasa playroom na po sila Mom, kasama sina yaya. Tara na po!"aya sa kanya ni Vonie. Sumabay na nga siya sa anak niya sa paglabas. Dahil maski siya ay kumakalam na rin ang sikmura."Wow! nagluto ba si Candy?"tanong ni Minnie na pinagtitignan ang mga pagkain na nasa lamesa."Hindi po mommy,"sagot naman ng bata."Huh, eh bakit may mga pagkain ng luto rito? Sino nagluto ng mga ito?"nagtataka pa rin tanong ni Minnie."Si Daddy po nagluto Mom,"sagot ni Aevo. Nang dumako ang tingin ni Minnie sa may pinto ng kusina ay naroon na papasok naman si Aevo. Agad niyang iniiwas ang mukha ng magsalubong ang mata nila ng
KINAMUSTA lahat ni Minnie ang mga taong dumalo sa munting salo-salo sa bahay ng Nanay at Tatay niya. Halos present lahat ng mga kapit-bahay, dahil ganoon talaga kapag sa probinsiya. Tuwang-tuwa rin pagkatapos ang mga ito matapos na inanunsiyo naman ni Aevo na magpapainom ito mamaya.Matapos niyang mabati ang lahat at sa tingin niya ay wala naman siyang nalagtawan ay nilapitan na niya si Aevo na abala sa pagpapakain sa kambal. Pinayagan na kasi ng asawa niya na kumain muna ang mga yaya ng anak nila.Dahil sa nakitang pag-aasikaso ni Aevo sa mga anak nila dahil maging si Vonie man ay nagpipilit din magpasubo.Si Aevo naman ay walang magawa at manaka-naka ay sinusubuan nito ang panganay. Sobra siyang nasisiyahan dahil kahit halos sobrang gulo ng mga anak niya at hindi na magkamayaw ito ay hindi pa rin naninigaw ang asawa niya.Dahil kung ibang lalaki lang iyon agad na ipinasa na sa kanya ang pagpapakain sa mga bata. Bago niya nilapitan ang mga ito ay kinuhan
NANLAKI ang mata ni Minnie nang bigla siyang siilin ng halik sa labi ni Aevo. Hindi siya makaiwas dahil mahigpit ang pagkakahawak ni Aevo sa magkabilang pisngi niya.Itinutulak niya ito ngunit hindi pa rin ito natitinag, tuluyan wala siyang nagawa ng ipinid siya sa kinauupuan. Lalo siyang nanlambot ng magsimulang lamasin ni Aevo ang magkabila niyang dibdib, napanganga na lang siya ng maisilid ng tuluyan nito ang dila papasok sa kanyang bibig at maglumikot doon na tila may hinanap.Dahil natangay na siya, ay nakipagespadahan na rin si Minnie ng dila sa asawa. Isang ungol ang namutawi sa bibig niya ng gumapang pababa sa may leeg niya ang labi ni Aevo. Naikagat ni Minnie ang ibabang labi ng magsimulang sipsipin nito ang nakahantad niyang leeg.Napakapit na lang siya sa likuran ulo ng asawa na lalo pang pinagdidiinan niya ang sarili rito.Tila naman nakuha ni Aevo ang gusto ng mangyari ng misis niya."Can I take you now here babe,
NAMUMUGTO ang mata ni Minnie dahil sa kanina pa siya umiiyak. Nanatili lamang siyang nakatitig mula sa salamin na pader sa labas ng silid ng dalawa niyang anak na sina Adiole at Aziole.Napag-alaman niyang may congenital heart disease ang anak. Ibig sabihin ay nagkaroon ng pagbabarado sa puso nito si Adiole. Habang si Aziole naman sinumpong ng hika dahil na rin sa walang tigil na pag-iyak nito ng matagal dahil sa paghahanap sa ina nito na naging dahilan para kapusin ito ng hininga."Anong gagawin ko ngayon, please Lord nakikiusap ako. Sana pagalingin mo na ang mga anak ko. H-hindi ko po alam kung anong gagawin ko kapag may nangyaring masama sa kanila,"mahinang pagdarasal ni Minnie habang nakapikit at pinagsalikop pa nito ang dalawang palad.Sa sandaling iyon ay ang paglapit naman ni Aevo sa babae."Magiging okay din ang lahat Babe,"pagpapalakas niya sa loob nito.Ngunit hindi iyon nakatulong kay Minnie, she keep in crying."Sige
DUMATING na nga ang Nanay Alicia at Tatay Hermenio niya sa hospital. Kasama rin nagpunta ng mga ito ang Mama Sandy niya."Ija, umuwi na muna tayo sa mansyon ng Papa mo. Bukas na lang tayo bumalik rito, bahala na muna sina ate Alicia'ng magbantay. Sige na..."yakag ng ina niya.Umiling naman si Minnie, halos tulala na rin siya dahil sa labis na kapaguran at kawalan ng pag-asa ng mga sandaling iyon."Anak, magpakatatag ka may awa Siya. Kaya sige na, umuwi ka muna at ng magpahinga,"wika naman ni Alicia na hinimas-himas pa ang braso ni Minnie."Siya nga naman ija, dahil sa ginagawa mo ay baka ikaw na rin ang sumunod na magkasakit. Paano naman si Vonie kung pati ikaw ay pababayaan mo rin ang sarili mo,"payo naman ni Mang Hermineo na nakatayo naman sa tabi ng asawa nitong si Alicia.Hindi naman umimik si Minnie. Nagtinginan naman ang tatlong nakakatanda. Awang-awa sila sa nangyayari sa anak nila at lalo na sa dalawang apo
NAGISING naman si Minnie na nasa sariling silid na siya sa mansyon sa Hacienda. Ang huling naalala niya ay pauwi na sila ng Mama Sandy niya."Nakita niya ang anak na nasa tabi at tulog na tulog pa. Kaya tuluyan na siyang bumangon at nagpunta ng banyo para makaligo. Pagkatapos niyon ay bumaba na siya para hanapin at makausap ang ama."Pa, sasabay ho ba kayong pumunta sa hospital---"Nabitin ang sasabihin niya ng mapansin niya kung sino ang kausap ng ganoon kaagang oras ng ama."Tinatanong mo ba kung pupunta ako sa hospital? baka mamaya ija. Ang mabuti pa'y sumabay ka na sa asawa mo, isasabay ko na lang si Vonie sa pagpunta,"sabi ni Don Hidalgo.Nakalapit na si Minnie sa ama at humalik sa pisngi nito. Saka nito binalingan ng tingin si Aevo, matalim niyang tinitigan ito na parang ipinaparating niyang hindi siya welcome sa kanilang bahay."Ahmmm... kakain lang po ako ng almusal,"paalam niya sa ama. Naglakad na nga siya papunta
MAGKATABI sila sa bench ni Aizo, nasa may park sila malapit sa hospital kung saan naka-confine pa rin ang isang kambal."Confirm na ang pag-alis niyo V?"tanong ni Aizo."Yeah,"maiksing sagot lang ni Aevo."But still hindi na maibabalik sa dati ang lahat,"malungkot niyang sagot."I'm sorry to hear that bro, at least you do everything para bumawi right. Maybe your cliche plan aren't not that good either."Iiling-iling si Aizo.Ito lang naman ang nag-iisang taong nakakaalam na wala siyang amnesia. Pinagbigyan siya nitong mawala ng isang taon at inako naman ni Aizo pagiging CEO niya sa kumpaniya.Mapait naman na nangiti si Aevo, muli siyang naglabas ng isang stick ng sigarilyo at ang lighter niya. Akmang sinindihan niya iyon ng bigla niyang mabitawan iyon.Agad naman dinampot ni Aizo ang lighter na nabitawan ng kakambal."May problema?"tanong nito.Umiling lamang si Aevo,inilahad niya ang palad at tuluyan naman i