Share

Chapter Ninenty

   DUMATING na nga ang Nanay Alicia at Tatay Hermenio niya sa hospital. Kasama rin nagpunta ng mga ito ang Mama Sandy niya.

"Ija, umuwi na muna tayo sa mansyon ng Papa mo. Bukas na lang tayo bumalik rito, bahala na muna sina ate Alicia'ng magbantay. Sige na..."yakag ng ina niya.

Umiling naman si Minnie, halos tulala na rin siya dahil sa labis na kapaguran at kawalan ng pag-asa ng mga sandaling iyon.

"Anak, magpakatatag ka may awa Siya. Kaya sige na, umuwi ka muna at ng magpahinga,"wika naman ni Alicia na hinimas-himas pa ang braso ni Minnie.

"Siya nga naman ija, dahil sa ginagawa mo ay baka ikaw na rin ang sumunod na magkasakit. Paano naman si Vonie kung pati ikaw ay pababayaan mo rin ang sarili mo,"payo naman ni Mang Hermineo na nakatayo naman sa tabi ng asawa nitong si Alicia.

Hindi naman umimik si Minnie. Nagtinginan naman ang tatlong nakakatanda. Awang-awa sila sa nangyayari sa anak nila at lalo na sa dalawang apo
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status