Share

CO 07:

•Gaea•

Cheating? Nanlalaki ang mga mata ko di Makapaniwala sa kanyang sinabi. Hindi ko naman aakalain na si Russu pala ang kakilala ni Cybell.

"I-I just need to talk to him," nauutal kong saad. Hindi ko mapigilang kabahan lalo na sa mga tinging ipinupukol niya sa akin. "Wait for me."

Maglalakad na sana ako papunta kay Russu nang inilagay nito ang kanyang kamay sa aking ulo, at idiniin iyon para di ako makagalaw.

Sinamaan ko siya ng tingin. May mga tao pa naman sa loob ng coffee shop at tumitingin sa amin.

"Anong ginagawa mo, Clyden?!" inis kong tanong sa kanya. Ngumisi lang siya at mas inilapit ang kanyang ulo sa akin hanggang sa tumama ang kanyang labi sa aking baba na malapit sa kaliwa kong tainga.

Nanigas ako sa aking kinatatayuan dahil sa kakaibang pakiramdam na iyon. "I hate it." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Hate what?" balik tanong ko rin sa kanya.

"I hate it when someone's looking at my girl as if they're trying to devour her." Impit akong napatili nang hinawakan ako nito sa aking bewang at inilapit sa kanya. "Cause she's mine. Mine to look, mine to touch, and mine to devour," he uttered, possessively.

"I'm not yours, Clyden, bitiwan mo nga ako," mariin kong saad, at itinulak ang kanyang dibdib.

Actually, nakikita ko si Clyden bilang isang character ko. Kinikilig ako sa mga ginagawa nito dahil iyon naman talaga ang gusto ko sa mga lalaki, kaya ko nagawa ang mga librong iyon.

Pero habang nagmumuni-muni ako kagabi isa lang ang na-realize ko na nagugustuhan ko na naman talaga si Clyden, but it's because he resembles my characters.

"Gaea." Sabay kaming napalingon nang marinig ang pagtawag sa aking pangalan. Nakalapit na pala sa amin si Russu hindi man lang namin namamalayan. "Sinabi sa akin ni Cybell na may kailangan ka raw sa akin—"

"Ano naman ang kailangan niya sa'yo kung nandito ako?" inis na saad ni Clyden dito. Kaagad akong lumapit sa kanya at kinurot ang kanyang tagiliran. "Ms. Montessori," mariin niyang saad, habang masamang nakatingin sa akin.

"Ikaw naman kasi! Kinakausap ako nang maayos ng tao, eh," bulong ko sa kanya. "Lumabas ka na muna, Clyden, kakausapin ko lang sandali si Russu."

Tumaas ang sulok ng labi nito at malalim na bumuntong-hininga. Nagpalipat-lipat muna ang tingin nito sa aming dalawa ni Russu, bago tuluyang lumabas.

Hinawakan ko naman ang kamay ng huli at hinila siya kung saan siya nakaupo kanina.

"I'm sorry to bother you, Russu, hindi ko naman alam na ikaw pala ang kakilala ni Cybell," mahina kong usal. Nahihiya pa ako ritong tumingin, hindi naman kasi ako nanghihiram sa kanya ng pera dati noong kami pa. "Mauna na ako, pasensya na talaga sa istorbo."

Tatayo na sana ako nang hinila niya ang aking kamay at inilagay roon ang isang sobre. Nanlalaki ang mga matang tumingin sa kanya.

"Alam kong kailangan mo ito ngayon." Napalunok ako at iiling na sana nang tinapik niya ang aking balikat. "Kaibigan mo pa rin ako, Gaea, atsaka babayaran mo naman iyan."

Tumango ako, inilagay sa bulsa ang sobre at nagpasalamat sa kanya. Kailangan ko naman talaga ito at kapag nakasahod na ay babayaran ko rin naman kaagad siya.

"Mauuna na ako, Rus—" Napatingin ako ulit dito nang hinawakan niya ang aking kamay. "Bakit? May kailangan ka pang sabihin?"

"Sabay na tayo," nakangiti niyang turan. Nakagat ko ang aking labi at tatanggalin na sana ang kamay niya na nakahawak sa akin, nang hinila naman ako nito palabas.

Pareho kaming napatitig sa malaking pigurang nakaharang sa aming dinadaanan.

"Ano sa tingin ninyo ang ginagawa ninyo?" Magkadikit ang dalawang kilay ni Clyden habang nakatitig sa aming magkasalikop na kamay ni Russu.

Tatanggalin ko na sana iyon nang mas hinigpitan ng huli ang pagkakahawak sa akin. "Russu," kuha ko sa atensyon niya.

"Gaea Montessori, pupunta ka rito sa tabi ko o bubuhatin kita papunta sa kotse." Napaawang ang aking labi dahil sa sinabi ni Clyden nasa kabilang bahagi pa naman ang sasakyan nito. "Isa..."

Pili kong tinatanggal ang kamay ni Russu sa braso ko, ngunit tila ba bakal iyon at ang hirap tanggalin.

"Sino ka naman para utusan si Gaea?" Nagkatitigan silang dalawa at parehong nanlilisik ang mga mata. Para akong nanunuod ng anime pati yata iyong mga kuryete na kumukonekta sa mata ng isa't-isa ay nakikita ko. "Ako ang pinunta niya rito, kaya ako ang maghahatid sa kanya pauwi—"

"Boyfriend niya ako at ngayon pa lang sasabihin ko na sa'yo. Wala kang pakialam sa girlfriend ko," seryosong saad nito.

Lumapit ito sa akin at yumuko. Akala ko ay bubuhatin ako nito katulad nang sinabi niya, ngunit pinakatitigan lang nito ang aking mukha.

Maduduling pa yata ako sa sobrang lapit naming dalawa. "Ms. Montessori, uwi na tayo?" nakangiti nitong tanong sa akin.

Napahawak ako sa damit na nasa aking gilid habang nakatitig sa kanyang mga mata. Mas lalo yata akong kinabahan dahil sa pagiging kalmado nito.

Napakagat ako sa aking ibabang labi nang niyakap niya ako nang mahigpit. "I think you need to take this back."

Itinulak ko si Clyden para tingnan ang inilahad nito kay Russu. Nanlalaki ang mata ko nang makita ang sobre sa kanyang kamay.

"May sa magnanakaw ka ba noong unang panahon?" inis kong sita sa kanya at pilit na inaabot ang sobre sa kanyang kamay. Nagkibit-balikat lang ito sa aking sinabi at ginulo ang aking buhok. "Clyden, ibigay mo iyan sa akin—"

"Bakit kailangan mong lumapit sa iba kung kaya ko namang ibigay ang kailangan mo, Ms. Montessori?" seryoso niyang saad. Hindi ako nakaimik iniwas ang aking tingin sa kanyang nakakamatay na titig. "Take this and go. Kaya kong tugunan ang pangangailangan ng girlfriend ko."

Hindi pa ako nakakabigkas ng kahit isang salita nang bigla ako nitong binuhat. Tinampal ko ang kanyang likuran para ibaba ako nito dahil nalulula ako sa ginaw nito, ngunit nakarating na lang kami sa may kotse ay di pa rin ako nito binibitawan.

"Clyden, ano ba! Gumagawa ka naman ng eksena, eh. Hindi mo ba alam ang daming mga matang nakatingin sa atin." Inilagay ako nito sa passenger at isinarado ang pinto.

Umikot ang aking mata sa sobrang inis ko sa kanya. Masama ko siyang tiningnan nang makapasok na siya sa loob.

"You're acting like a possessive boyfriend and know that I hate it—" Natigil ako sa pagsasalita at nanlalaki ang mga matang tumitig sa kanya nang bigla niya akong inipit sa may upuan at sa matipuno niyang katawan. "Ano ang ginagawa mo?" kinakabahan kong tanong sa kanya.

Hindi ito umiimik, nagulat na lang ako nang bigla niyang angkinin ang aking labi. Mabilis lang ang halik na iyon at kusa na siyang humiwalay sa akin.

"Hindi naman ako magiging ganito kung hindi mo ex-boyfriend iyon," mariin niyang saad. Napailing ako at tinampal ang kanyang noo. "Nagiging sadista ka na, Ms. Montessori. Do you want me to add another rule?"

Tinaasan ko siya ng kilay at pinag-krus ang aking kamay sa aking dibdib. "Anong trabaho mo?" Nagtataka naman siyang tumingin sa akin. Naguguluhan yata sa biglaan kong tanong.

"Chief executive officer at Lee Empire, problem?" Ngumisi ako at piningot ang kanyang tainga.

"Akala ko kasi naging writer ka na rin mas marami ka pa yatang alam kaysa sa akin," nakataas-kilay kong saad sa kanya.

Sarkastiko naman itong tumawa at kinurot ang aking pisngi. Tinapik ko iyon dahil sumasakit na rin ang pisngi ko kakakurot nito. Ngumisi lang siya at nagsimula nang magmaneho.

MissBangs001

Maraming salamat po sa pagbabasa ng mga librong ginawa ko. ❤

| 4
Comments (11)
goodnovel comment avatar
Janice amor cañares Cañares amor
unlock plzzzz
goodnovel comment avatar
Apple Mae Tandoy
saan po mababasa ito ng buo plsss
goodnovel comment avatar
Nessa Areved
Plsss..unlock...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status