Share

CO 06:

Gaea

Pagkatapos kong kumain ay bumalik na ako sa kwarto. Kinuha ko ang laptop ko, dumapa sa aking kama at nagsimula nang magsulat. Mas mabilis matapos, mas maayos para makapagpahinga ako kaagad. 

Pakanta-kanta pa ako habang nagta-type, ngunit nang matigil ako at mabasa ulit ang aking ginagawa ay halos mapatili ako sa sobrang inis. Paano ba naman isinusulat ko iyong ginawa kanina sa akin ni Clyden.

Nanayo ang balahibo ko at umupo sa aking kama. Bakit ko ba naiisip ang lalaking iyon bukod sa estranghero siya sa akin ay isa rin siyang pervert.

"Pretty Gaea?" Napatingin ako sa aking pintuan nang marinig doon ang boses ni Samantha. Hindi pa ako nakakasagot nang binuksan niya ang pinto. Tumingin ito sa akin at bigla na lang kumunot ang kanyang makinis na noo. "Bakit ka namumula d'yan?"

"Ha?" gulat kong usal at hinawakan ang aking pisngi. Mainit nga ang aking mukha, napatingin ako sa aking isinusulat bago ibinalik kay Samantha ang aking paningin. "Wala 'to, alam mo naman ako kapag nagsusulat."

Tumango naman siya at lumapit sa aking kama. Sinilip nito saglit ang aking laptop bago humiga. "Ang bilis, ah?parang kahapon lang wala kang maisulat."

Natawa ako sa sinabi nito. Tama naman siya, nahihirapan nga akong makabuo ng isang pangungusap noong nagdaang-araw.

Siguro nga malaking tulong talaga si Clyden sa pagiging writer ko. Ganito naman ako palagi kapag may inspirasyon habang nagsusulat, hindi ko lang aakalain na kay Clyden ko pa nahanap ang inspirasyon na iyon.

"Bakit ka nag-empake? Aalis ka?" taas-kilay na tanong niya sa akin. Pilit ang ngiting ibinigay ko sa kanya, yumakap sa kanyang braso, at humilig sa kanyang balikat. "Ano 'yang kaartehan na iyan, Gaea?"

Tumawa ako at mas niyakap pa ang kanyang braso. Tumingin naman ito sa akin nang nakataas ang sulok ng isang labi.

Inilagay nito sa aking noo ang kanyang dalawang daliri at marahang itinulak ang ulo ko palayo sa kanyang balikat. Humagikhik lang ako at muling ibinalik ang ulo ko sa kanya.

"Huwag mo kong papalayasin dito, bespren! Isang linggo lang ako roon babalik din ako kaagad," usal ko rito. Gumalaw ang dalawang kilay nito tila ba nang-aasar sa akin. "Kailangan ko lang matapos itong manuskrito. Huwag kang berde d'yan!"

Hindi ko alam kung para kanino ang mga salitang iyon. Sa akin ba o kay Samantha alam ko naman kasi na may mangyayari talaga sa amin ni Clyden pagkatapos ng isang linggo.

Iyon ang nakatatak sa kontratang pinirmahan ko. Iyon ang kapalit ng hinihingi ko sa kanyang pabor.

"Huy, Virgin Gaea, sigurado ka na ba d'yan?" Nagkibit-balikat ako sa tanong ni Samantha. Hindi ko rin alam ang isasagot ko rito.

Nag-iwas ako ng tingin at naghanap nang maisasagot dito, nang biglang tumunog ang cellphone ko na nasa tabi lang ng aking laptop.

Kaagad ko iyong sinagot nang makita ang pangalan ni mama na nakatatak sa screen. Kapag may load naman ito ay palagi siyang tumatawag, pwera na lang kung sasabihin ko sa kanya na ayaw kong pa-istorbo dahil may isinusulat ako.

"Sasagutan ko muna ito, Sam," paalam ko sa kanya. Tumango naman siya kaya mabilis na akong bumaba sa kama at lumabas ng kwarto. "Ma, napatawag po kayo?" bungad na tanong ko rito.

"Nak, si Nene kasi may project at hindi rin nakapasada ang papa mo dahil nilalagnat," pagbibigay-alam ni mama sa akin. Napalunok ako dahil sa sinabi nito, iyong pera ko sa banko ay tama na lang para sa allowance ko. "Nak? Galit ka ba, nak?"

Kaagad akong umiling sa sinabi ni mama kahit hindi naman niya ako nakikita. Nag-isip ako ng paraan kung saan ako makakahiram ng pera. "Magkano po ba gastusin niyo d'yan, ma? Isama niyo na lang rin po ang pagpapagamot sa kay papa."

"Pwede bang makahingi sa iyo ng limang libo, nak?" Mas lalo yata akong nasiraan ng bait dahil sa narinig. Para sa ibang tao ay maliit lang ang pera na iyo, pero para sa aming katamtaman lang ang sahod ay malaki na iyon. "Huwag kang mag-alala, nak, kapag nagkapera ako babayaran din kita. Si papa mo kasi walang trabaho sa ngayon. Nahihiya naman akong manghiram sa ibang tao—"

"Ma, naman, magpapadala po ako d'yan bukas. Huwag na po kayong mag-alala," malambing na saad ko sa kanya. "Ibaba ko na po ito, may isinusulat kasi ako ngayon. Atsaka maaga po kayong matulog dahil mahina na katawan ninyo. I love you, ma."

"I love you too, nak, ingat ka d'yan." Pagkatapos kong magpaalam kay mama ay bumalik na rin ako sa kwarto. Nandoon pa rin si Samantha at binabasa na ang aking isinusulat.

Bumuntong-hininga ako, humiga sa kama at umunan sa kanyang binti. "Sammy, pahiram naman ng pera," usal ko nang ilang oras ng walang umiimik sa aming dalawa.

"Problema ba sa bahay niyo?" mahina niyang tanong, habang nakatutok pa rin sa screen ng laptop ang kanyang mga mata. Hindi ako nagsalita at tumango lang, alam ko naman na maiintidihan niya iyon. "Anong problema?"

Umayos na ito ngayon sa pagkakaupo at tiningnan ako. "May project si Nene na kailangang tapusin at kailangan ng pera. Si papa naman ay nilalagnat at kailangan ipa-check up."

"Magkano ba ang hihiramin mo, Pretty Gaea?" nakangiti niyang saad. Si Samantha iyong kaibigan na palagi kang ii-spoil.

"Five thousand sana kung meron," kinakabahan kong tanong. Kahit naman malapit na kaming magkaibigan na kaming dalawa ay nahihiya pa rin ako sa kanyang manghiram ng pera. "Pero okay lang naman kahit kaunti na lang."

"Meron ako rito pero three thousand lang. Si daddy kasi kinuha niya ang mga cards ko dahil palagi na lang daw akong naglalakwatsa." Natawa ako nang makita ko siyang bumusangot. Mahal ito ng daddy niya pero siguro napaisip na rin ito na wala nang ginagawa si Samantha kundi ang pumunta ng club.

"Sa tingin ko naman para rin sayo ang ginagawa ng dad mo. Anyway kapag ba pinahiram mo sa akin ang pera mo ay may matitira ka pa bang pera?" Naninigurado lang ako at baka wala na itong magamit kapag hiniram ko iyon sa kanya.

Hindi siya umimik at tumingin sa malayo. Napailing ako dahil doon, nahihiya lang talaga itong magsabi na wala na rin siyang pera na pwedeng gamitin. "Okay lang naman na hindi mo ko mapapahiram, eh, makakahanap din ako sa iba."

"Kasi kaibigan mo ako tapos di kita—Gaea!" tili nito nang kiniliti ko siya sa kanyang tagiliran.

Tinigilan ko siya nang makita kong namumula na ang kanyang mga pisngi. Hingal na hingal naman itong napahiga rin sa kama. "Saan ka kukuha ng pera n'yan?"

I shrugged, pero naiisip ko na rin si Cybell baka sakaling may natira pa sa sahod nito noong nakaraan.

"Matulog na tayo, bukas ko na lang iyan iisipin. Inaantok na ako tapos magsusulat na naman ako bukas." Bumaba naman si Samantha sa aking kama at nagpaalam na babalik na raw sa kanyang kwarto, dahil tatawagan pa raw niya ang hot guy na nakita niya sa bar.

Kumaway na lang din ako rito at tumingin sa may ceiling. Gulong-gulo rin naman talaga ang utak ko, hindi ko lang pinahalata kanina kay Samantha at baka mag-alala ito.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Cybell. Isang ring pa lang ay sinagot naman nito kaagad ang tawag ko.

"Magpapasa ka na?" Bumusangot ako sa bungad na tanong nito sa akin. "Ah, sa tingin ko hindi iyon ang tinawag mo. Ano iyon, Pretty Gaea?"

Kapag hindi si Samantha ang tumatawag sa akin n'yan ay napapailing talaga ako. Hindi ako sanay kahit na sinasabi naman nila na nagagandahan lang talaga sila sa mukha.

"Deretso na ako sa rason kung bakit ako napatawag, ah?" Hindi umimik, naiisip ko tuloy ang itsura nito habang hinihintay akong magsalita. Alam kong nakataas-kilay ito ngayon at nakalagay ang dalawa niyang kamay sa harapan niya sa bandang dibdib. "Pwede manghiram ng pera?"

"Hindi pa ako sumasahod, eh. Iyong nagdaang sahod ay wala na ring natira," saad niya. Malungkot akong tumango naman ako kahit hindi niya ako nakikita. "Pero may kilala akong pwedeng magpahiram sa'yo."

Napangiti ako sa sinabi nito. Mabuti na lang at may kakilala ito. "Sino iyan, Cy? Pwede ko ba siyang tawagan o kausapin sa personal?"

"Tatawagan ko siya ngayon at papupuntahin ko na lang siya d'yan sa coffee shop malapit sa inyo. Magkano ba hihiramin mo?" tanong nito.

Napakagat-labi ako nakakahiyang manghiram ng five thousand sa di ko kilala pero wala rin naman akong magagawa.

Wala akong pera at kung papairalin ko ang hiya ko ngayon, anong gagamitin ng pamilya ko?

"Pwede ba akong makahiram ng five thousand, Cy?" Matagal bago ito nakaimik kaya mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Baka hindi pwede? "Kahit mas mababa na lang—"

"Okay na iyon. Tatawagan ko na, ite-text ko na lang mamaya kung saan kayo magkikita bukas. Bye!" Hindi pa ako nakakapagtanong sa tungkol kakilala nito nang binaba niya kaagad ang tawag.

Pero okay na lang din naman iyon, mas maigi na iyong panatag na ako at may nahiraman ako at may maipapadala na sa kanila mama.

Maaga akong nagising kinaumagahan dahil sabi ni Cybell ay 8 am daw makikipagkita sa akin ang kakilala nito dahil may trabaho pa raw ito.

Napalingon ako kay Samantha na papalapit na sa akin ngayon. "Ang aga mo naman. Saan ka pupunta?"

Kumuha ulit ako ng isang tasa at pinagtimpla ito ng gatas bago umupo sa tabi niya.

"Pupuntahan ko lang iyong kaibigan ni Cybell, doon ako nanghiram ng pera, eh." Tumango naman siya at kinagat ang cookies na inabot niya.

Pagkatapos kung mag-almusal ay nagpaalam na rin ako sa kanya. Pagkatapos kung makuha ang pera deretso na naman ako sa palawan para magpadala ng pera.

Sabi ni Cybell ay black daw ang damit na susuotin ito at nasa table number 5. Umikot ang mga mata ko at tiningnan ang lalaking naroon. Napanganga ako nang makita si Russu roon at nakangiting tumingin sa akin.

Nanigas ako sa aking kinatatayuan. Anong mukha ang ihaharap ko sa kanya? Nanatili lamang akong nakatitig dito at hindi gumagalaw sa aking kinatatayuan. Mas maigi siguro na umalis na lang ako, tsk.

Tumalikod na ako ngunit hindi ko namalayan na may tao pala sa aking likuran kaya nabangga ako sa katawan nito. Nang itiningala ko na ang aking paningin ang pagmumukha naman ni Clyden ang bumungad sa akin.

Anong ginagawa ng mga 'to rito?

"That's cheating, Miss Montessori," he uttered.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status