Share

C0 05:

•Gaea•

Inimbitahan ko sa loob ng apartment si Clyden dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ito kumakalma. Nakakuyom ang mga kamao nito habang namumula ang buo niyang mukha.

Kumuha ako ng maginaw na tubig sa loob ng ref at ibinigay iyon sa kanya. Tiningnan muna niya ang kamay ko na may hawak na baso bago ako tiningala nang nakakunot-noo.

"Anong gagawin ko d'yan?" Hindi ko siya sinagot sa halip ay kinuha ko ang dalawa niyang kamay at inilagay roon ang baso. "Hindi ako nauuhaw, Gaea—"

Umikot ang aking mata bago siya tinaasan ng kilay. "Inumin mo iyan para naman kumalma ka," naiinis kong saad sa kanya. Tiningnan naman ako nito na para bang nababaliw na ako.

"Kalmado naman ako, ah?" seryoso niyang sambit. Umupo ako sa tabi nito at inakbayan siya, iyong mahigpit na akbay. "Bakit? Ano na naman ang kasalanan ko?"

Sa halip na tanggalin nito ang braso ko na nakayakap sa kanyang leeg, ay hinawakan pa nito iyon. Kumunot ang aking noo at babatukan sana siya nang bigla itong lumingon sa akin, at dinampian ako ng halik sa aking labi.

"Do you like candies?" Sa halip na pagalitan ito ay kumunot ang aking noo dahil hindi ko maintindihan ang ibig nitong sabihin.

"What do you mean?" I asked, confused. Tumaas ang kaliwang kamay nito at dumampi iyon sa aking mukha, naglandas ang mga daliri nito sa aking pisngi patungo sa nakaawang kong labi.

Marahan ko iyong tinapik at tiningnan siya ng masama. "Babe, your lips taste so sweet, like a candy."

Napailing ako sa sinabi nito at tumayo na, delikado na at baka saan mapunta ang pahalik-halik ng lalaking 'to. "Tsansing ka lang, eh." Natawa ito sa sinabi ko at tumayo na rin. Tinaasan ko siya ng kilay nang akmang lalapit ito sa akin. "Atsaka hindi ko makakalimutan ang pagsuntok mo kay Russu."

Nawala kaagad ang ngiti sa labi nito nang mabanggit ko ang pangalan ni Russu. Nagkibit-balikat lamang ako at dumeretso sa kusina, nagugutom ako sa pag-uusap namin na iyon.

"Anong nagustuhan mo sa lalaking iyon?" Sumunod pala ito sa akin papunta sa kusina, hindi ko siya sinagot. Pumunta ako sa may sink at naghugas ng kamay, pagkatapos no'n ay dumeretso naman ako sa may ref at kumuha ng makakain.

Bubuksan ko pa lang iyon nang may sumirado nito pabalik. Nagdikit ang aking kilay at muli sanang bubuksan iyon nang isinirado na naman nito ulit. Nakagat ko ang aking labi dahil sa ginawa nito at nilingon siya.

"Tigilan mo nga ako, Clyden, ah," naiinis kong sita sa kanya. Itinulak ko siya palayo sa akin ngunit hinuli lang nito ang aking kamay. "Ano ba ang gusto mo? Nagugutom ako, bakit ka ba pigil ng pigil?"

"Sagutin mo muna ang tanong ko. Bakit mo gusto ang lalaking iyon?" Napakamot ako sa aking noo dahil sa tanong niya na. Bakit ba tinatanong niya pa iyon, hindi ba halata na hindi pa ako nakamove-on kay Russu.

"Una sa lahat, hindi ko alam kung bakit ko siya nagustuhan. Kasi gano'n naman talaga kapag nagmamahal. Pangalawa, lalaitin at iinsultuhin mo ba ako kung sasabihin ko sa'yo na naghihintay pa rin ako na bumalik siya sa akin?" Mahaba kong lintanya. Ngumisi ako nang di siya makasagot sa tanong ko na iyon. Marahan ko siyang itinulak at tumalikod na sa kanya.

Binuksan ko ang ref, kumuha ng fresh milk at hindi ko naubos na pretzels kanina. Pagkatapos no'n ay pumunta na ako sa mesa at umupo.

"Hindi ka pa ba uuwi?" tanong ko sa kanya. Nasa likuran ko pa rin ito at tila ba na freeze na roon. "Problema mo uy?"

Lumapit ito sa akin at umupo sa bakanteng upuan na nasa tabi ko. Nakapatong ang kaliwang kamay nito sa likuran ng upuan ko habang ang isa naman ay nasa mesa.

"Sa tingin mo ba kapag napatawad mo siya at nagkabalikan kayo ay hindi ka na niya lolokohin ulit?" nakataas-kilay niyang tanong.

Hindi ako nakasagot kaagad, bukod sa hindi ko alam ang sasabihin ko ay nahihiya rin ako sa mga titig na ipinupukol nito sa aking. Parang binabasa nito ang laman ng isipan ko.

"Answer me, Ms. Montessori," nanghihingi ng agarang sagot na usal niya, habang nakatitig sa aking mga mata.

Napalunok ako at nag-iwas ng tingin, hindi ko kayang salubungin ang kanyang mga mata. "Ayaw ko naman na maloko ulit, pero mahal ko iyong tao  kaya bakit hindi ko subukan ulit? Isang beses—"

Nanlalaki ang mata ko na tumingin sa kanya bigla niyang inangkin ang aking labi. Iiwas sana ako ng tingin sa kanya nang hinawakan nito ang aking panga at pinaharap ang mukha ko sa kanya.

"Kung susubokan mo naman lang ulit bakit hindi na lang sa bago?" Kumunot ang aking noo sa sinabi niya. Ngumiti ako at tinabig ang kamay niyang nakahawak sa akin.

"Mas gusto ko sa taong kilala ko na dahil mas madaling pakisamahan at alam ko na ang ugali niya." Napailing siya sa isinagot ko sa kanya at tumayo na.

"Alam mo na naman pala ang ugali niya bakit babalik ka pa? Para masaktan ulit?" Napapitlag ako nang ipinatong niya sa ibabaw ng aking ulo ang kanyang kamay. "Inaaksaya mo lang ang oras mo sa maling tao. Subukan mong maghanap ng iba, baka nand'yan lang pala sa paligid mo."

Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Nagkibit-balikat lang naman siya sa akin at naglakad papuntang pintuan. Akala ko ay aalis na ito, ngunit lumingon ito sa akin at kinindatan ako.

Tumaas ang sulok ng aking labi dahil sa ginawa niya. "Baka ako pala iyong itinadhana para sa'yo," nakangisi niyang saad.

Malakas naman akong tumawa dahil sa sinabi, pumalakpak pa ako dahil hindi ako makapaniwala sa sinabi niyang iyon.

"Ikaw?" Turo ko sa kanya sabay tawa na naman. Nakita ko ang pagkunot ng noo nito habang nakatitig sa akin nang naniningkit ang mga mata. "Sa dami-rami mong babae, baka nga hindi mo lang namamalayan ay may anak ka na pala," nakangisi kong balik sa kanya.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang malalaki ang hakbang na ginawa nito pabalik sa aking pwesto. Tatayo sana ako nang ipiniin ako nito sa aking kinauupuan at pinakatitigan ang aking mga mata.

"Sa pagkakataong 'to isang tao lang ang bubuntusin ko," seryoso niyang usal. Hindi ako umimik mas inilayo ko pa ang mukha ko sa kanya. "Alam mo ba kung sino iyon, Ms. Montessori?"

Wala siyang nakuhang sagot sa akin iniwas ko ang aking mga mata sa kanyang nanunuring mga mata. Lumapit ang kanyang mukha sa akin at ginawaran ako ng mabilis na halik sa aking pisngi, pagkatapos no'n ay naramdaman ko na lang ang kanyang hininga malapit sa aking tainga at balikat.

Itutulak ko sana siya nang mas lalo niya akong idiniin sa upuan at inipit gamit ang kanyang kaliwang paa. Hindi ko alam ang nararamdaman ko parang may mga paro-paro sa aking tiyan dahil sa kaba at iba pang emosyon na nakukuha ko ngayon dahil sa pagkalapit naming dalawa.

"Clyden," mahina kong usal sa pangalan nito, halos manigas na rin ang aking katawan at labi dahil dito. "Maririnig naman kita—"

"Ikaw iyon. I want you. Ginulo mo ang buhay ko kaya panagutan mo ako, Gaea Montessori," nakangisi niyang saad. Pagkatapos niyang sabihin iyon ay nagpaalam na siya at tuluyan ng umalis.

Nanatili naman ako sa loob ng kusina at pinapakalma ang aking sarili. Natatakot akong mahulog dito, pero iyong katawan at puso ko ay sila na mismo ang lumalapit sa tukso. Ang isipan ko na lang yata ang nanatiling matino sa akin ngayon.

Hindi lang naman siya ang nagulo sa pagkikita naming dalawa pati rin naman ako. Halos di na nga ako makakilos nang maayos kapag nand'yan siya.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Graciel Villaos Rafa
hmm... love this story .........
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status