Share

CO 33:

•Gaea•

Kahit nakapikit ako ay alam na alam ko na boses iyon ni Samantha ang aking naririnig. Iminulat ko ang aking mga mata at unti-unting ibinangon ang aking nanghihinang katawan.

"Samantha," tawag ko sa kanya, dahil nakatalikod ito sa akin at may kinakausap sa labas ng kwarto. Nilingon niya ako at nag-aalalang tumakbo palapit sa akin, iniwan ang taong kausap niya roon. "Sino iyong kausap mo?" tanong ko sa kanya nang makalapit na siya sa akin.

"Si Kenneth. Sino ba 'yun? Naiinis ako sa kanya dahil kayo raw ang magkasama kanina pero hindi ka naman niya binantayan." Hinawakan ko ang kanyang kamay at hinila siya para mapaupo sa kama ko. Hindi naman obligado si Kenneth na bantayan at dapat niyang malaman iyon para makahingi siya ng tawad.

"He's my boss, Samantha, magkasama kanina kasi inaya niya akong kumain sa cafeteria. Hindi ko alam na mawawalan ako ng
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status