Share

CO 45:

•Gaea•

Pagkatapos nang gabing iyon ay minsanan na lang kaming magkita ni Clyden. Naging sobrang busy ako sa tatlong linggo na lumipas dahil malapit nang matapos ang shooting.

Pero hindi rin naman nagkulang si Clyden sa akin. Pag-gising ko sa umaga ay nagpapadala ito ng mensahe para paalalahanan ako na mag-ingat, at tatanungin kong kumain na ba ako. Tuwing lunch ay hindi nito kinakalimutan na padalhan ako ng pagkain sa set. Kapag pinapaalam ko naman dito na uuwi na ako ay pinapapunta kaagad nito ang driver niya para sunduin ako.

Hindi rin naman nawawala ang komunikasyon naming dalawa dahil tumatawag naman ito tuwing gabi o di kaya'y binibisita ako nito kahit saglit lang.

"Gaea, sasama ka ba sa aming mag-lunch?" tanong sa akin ni Kristel. Ito ang leading lady sa teleseryeng ginagawa namin. Maganda ito at mabait kaya madali lang kaming nagkapalagayan ng loob. "Buong team ang sasama
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status