Share

CO 50:

•Clyden•

Sinundan ko ng tingin ang papalayong si Gaea. Nasasaktan din naman ako sa tuwing nakikita ko itong umiiyak o nasasaktan ko, pero hindi ko rin naman pwedeng paniwalaan kaagad ang sinasabi nito.

Kaibigan ko na si Cassandra mula pa noong bata kami. Siya itong tumulong sa tuwing pinapagalitan ako ng mga magulang ko. Siya rin ang sumasalo sa akin kapag nagpupunta kami ng barkada sa probinsya para lang mag-overnight. Palagi ako nitong sinasagip sa pamamagitan ng pagsama sa akin at sabihan si mommy na huwag mag-alala dahil nandoon naman siya.

Hindi ko ito nakitang manakit ng ibang tao mula pagkabata kaya nahihirapan akong paniwalaan si Gaea. Lalo na at nag-away rin kami dati ni Cassandra dahil pinagbibintangan ito ng dati kong nobya at nalaman ko na lang na wala pala talaga itong kasalanan.

"I'm sorry, Gaea," mahina kong bulong. Bumalik ako sa pagluluto dah

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status