•Gaea•
Dalawang oras akong naghintay kay Russu dito sa may maliit na abandonadong tindahan, ngunit hindi naman ito nagpapakita sa akin. Alam ko na kanina pa ito dumating ngunit hindi lang nagpapakita at nanatili lamang nakamasid at baka may kasama akong iba.
Napatingin ako sa cellphone ko nang may nag-text doon. Napangisi ako nang makita ang numero ni Russu na nakatatak sa screen.
"Are you tired of waiting, love?" Iyon ang mensaheng nabasa ko mula sa kanya. Tumayo ang balahibo ko dahil hindi nagustuhan ng puso't-isipan ko ang mensaheng iyon. "I'm coming. Huwag kang mag-alala wala akong gagawing masama sa'yo."Malungkot akong bumuntong-hininga dahil sa kasunod nitong mensahe. Kung hindi lang sana nagbago ang ugali ni Russu edi sana magkaibigan pa rin kami ngayon. Hindi sana namin nilalayuan ang isa't-isa at patuloy pa rin sana kaming nag-•Clyden•Nagising ako sa maingay na usapan ng mga taong nasa aking paligid. Pagkamulat ko pa lang ng aking mga mata ay nagsilapitan na kaagad ang mga kaibigan ko sa akin. Nakangiting mukha nila ang sumalubong sa akin."Nasaan si Gaea at CN?" mahina kong tanong. Iyon ang una kong naitanong nang hindi ko makita ang mag-ina ko.Pangalawang beses na akong nagising noong una ay kami lamang dalawa ng doktor at sandali lang iyon. Tinanggal lang nito ang mga apparatus na nakakabit sa aking katawan dahil maayos na naman daw ako pagkatapos niyang i-check ang lahat.Ngunit kahit noong una akong magising ay wala akong nakita o narinig lang man na boses ni Gaea. Wala ito sa aking tabi na napaka-impossibleng mangyari dahil alam kong babantayan ako nito."Isang buwan ka ng nandito, Clyden, at maraming nangyari sa isang buwan na iyon," tugon ni T
•Gaea•Napangiti ako nang makita ang mga ibong nagliliparan sa himpapawid. Malabo pa ang aking paningin ngunit mas maigi na iyon kaysa sa madilim na tanawin na ilang linggo ko ring pinagtiisan."Gaea!" Napalingon ako sa taong tumawag sa akin. Lumapit sa akin si Faran at may inilahad itong pagkain sa harapan ko. Napangiti ako nang makita ang laman ng bowl na ibinigay nito sa akin. Isa iyong macaroni salad at sinabi ko sa kanya na ipagluto niya ako one of this days. "Ginawa ko 'yan para talaga sa'yo," nakangiti niyang saad sabay kindat sa akin.Natawa naman ako sa ginawa nito sabay iling sa kanya. Noong una kaming magkakilala ay medyo naging akward kami sa isa't-isa. Hindi ako nito kinakausap kong hindi naman importante, ngunit nang lumipat kami sa L.A kasama ang girlfriend niya ay nabago naman ang lahat ng iyon.Tinulungan nila akong dalawa para mapabilis ang
•Gaea•"Sinabi ko naman sa'yo na kanina pa ako nagugutom 'di ba? Gusto mo ba na ikaw na lang iyong kainin ko para naman hindi mo ako pigilan—""Sino naman nagsabi sa'yo na hindi kita pipigilan, ha? Gwapo ka ba?" taas-kilay na bulyaw ni Kristel kay Sky."Mas gwapo pa ako roon sa ka loveteam mo. Akala mo naman!" balik naman dito ni Sky.Iyon ang naabutan namin ni Clyden nang dumating kami sa resort ni Sky. "Bakit naman nag-aaway ang dalawang iyan dahil sa pagkain?" naguguluhan kong tanong kay Samantha nang lumapit ito sa amin."Kasi iyang si Sky kanina pa inaasar si Kristel habang lumalangoy kaya nang umahon ito at naunang pumunta sa may mga pagkain ay ito naman ang nagbawal sa una," kibit-balikat na bigay impormasyon nito sa akin."Sky, ano ba ang ginagawa mo r'yan. Kumai
•Gaea•Dahil sa mga nangyari ay matagal na rin kaming hindi nakapag-usap ni Samantha. Wala na akong alam sa mga nangyayari sa buhay nito at sa kanila ni Navy. Huling impormasyon ko tungkol sa kanilang dalawa ay noong maghiwalay sila.Sabay kaming pumulot ng shells at itinapon iyon sa may dagat. Napangiti ako nang maramdaman kong sumandal siya sa aking balikat."Gaea, I'm tired," mahina niyang saad habang hinahaplos ang kanyang braso. Kumunot naman ang aking noo habang nakatingin sa kanya. "Pagod na akong magpanggap na hindi ko na naiisip si Navy. Pagod na akong pigilin ang pag-iyak para hindi malaman ng iba na nasasaktan ako."Sa kabila nang pagkamasayahing tao ni Samantha ay hindi mo aakalaing may itinatago itong sakit sa kanyang dibdib. Mas mabigat pa ang dinadala nito kaysa sa mga taong pinapasaya niya."Bakit hindi mo su
•Gaea•"Later may gaganaping party sa may bar nitong resort. Gusto niyo bang sumama?" tanong nito sa amin nang makarating na rin si Faran, Kenneth at Tuff. Hindi ako sumagot dahil si Clyden ang gusto kong magdesisyon, ayaw ko na ulit na mangyari iyong kanina kahit na pinayagan naman ako nito. "Kung sasama ang mga girls edi sasama rin naman kayo hindi ba? Para naman sabihin na maraming tao ang resort uy!"Matao ang resort ng mga Buenavintura siguro ay dahil na rin binabayaran ng mga bisita nito ang buong lugar sa bawat parte ng result kaya grupo lamang ang makikita rito ngayon."Anong ibibigay mo sa amin kapag pumunta kami?" taas-kilay naman na tanong sa kanya ni Tuff. Napatingala ito at nag-isip ng bagay na ibibigay sa mga sasama sa kanya."Pag-isipan mo nang mabuti iyan, liit, at baka walang magtanggol sa'yo roon kapag na-bully ka!" natatawang
•Gaea• Tinitignan ko ang mga gamit ko at tseni-tsek kung may kulang ba dito at baka may maiwan pa ako. Uuwi na kasi kami pabalik sa Y city at pupuntahan namin mamaya si CN sa bahay nila mama dahil pupunta kaming amusement park at magfa-family bonding. Sabay kaming lahat pauwi. Iisa lang ang sasakyan na gamit namin. Masaya ang byahe pauwi dahil na rin sa kompleto ang buong barkada. Puro harutan, tawanan at kulitan lang ang ginawa namin buong byahe. Ang lalakas mang asar pero ang Dali din namang mapikon. Nang makarating kami sa bahay ng magulang ko ay bumaba na kami sa sasakyan at nagpaalam na sa kanila. Pagpasok namin sa bahay ay nakita namin sila mama na nasa sala at nanonood ng TV. "Ma, nandito na po kami." Sabi ko pagkapasok pa lang namin. Dumeretso kami doon at nagmano sa kanila. "Ma, alis na po kami. Para n
•Gaea• Hinawakan ko ang kamay ni CN nang maramdaman ko ang panginginig nito. Pagkapasok na pagkapasok pa lang namin ay nanginginig na ang katawan nito. Bumitaw pa ito kanina sa akin dahil gusto niyang takpan ang kanyang mga mata. Nang makapasok at makaupo ito sa binti ng kanyang ama ay unti-unti naman itong kumalma, ngunit hindi pa rin nakatanaw sa magandang tanawin. Hinayaan ko lang naman ito para hindi siya mabigla at baka ano pa ang gawin kapag natakot ito ng husto. "Mommy, natatakot po ako. Naaalala ko na naman po iyong dati, mommy, daddy," saad niya sa akin. Nasa harapan nila akong dalawa kaya kitang-kita ko kung paano nagpapalit-palit ang reaksyon ng kanyang mukha at mga mata. Dinala ko ang kanyang kamay sa aking labi at ginawaran iyon ng mumunting halik. "You'll be fine, baby, mommy and daddy is here with you. Breath in and breath out," paulit-ulit
•Gaea• Napatingin ako sa kanila mama habang inaayos ang mga gagamitin ko para sa kasal bukas. Sobrang bilis nang pagtibok ng aking puso dahil sa kasabikan para sa mga mangyayaring event. Dalawang buwan din ang hinintay namin bago mangyari ito dahil sa marami ang preparasyon ang kailangan pagtuunan ng pansin. Gusto kasi ni Clyden iyong kumportable daw ako at hindi minamadali ang kasal naming dalawa. Wala rito ngayon si Clyden dahil sabi ni mama ay bukas na lang kami magkikita dahil hindi raw maganda sa dalawang taong ikakasal ang magkita bago ang kasal. Hindi naman namin kinontra iyon ni Clyden dahil sa dinarami-rami ng masamang nangyari sa amin ay hindi na maipagkakaila na may tsansa ngang mangyari ang bagay na iyon. "Anak, excited ka na ba para bukas? Parang kahapon lang ay yakap-yakap pa kita habang umiiyak ka nang masama mong pakiramdam sa akin," nakang