•Gaea•
"Sinabi ko naman sa'yo na kanina pa ako nagugutom 'di ba? Gusto mo ba na ikaw na lang iyong kainin ko para naman hindi mo ako pigilan—""Sino naman nagsabi sa'yo na hindi kita pipigilan, ha? Gwapo ka ba?" taas-kilay na bulyaw ni Kristel kay Sky.
"Mas gwapo pa ako roon sa ka loveteam mo. Akala mo naman!" balik naman dito ni Sky.Iyon ang naabutan namin ni Clyden nang dumating kami sa resort ni Sky. "Bakit naman nag-aaway ang dalawang iyan dahil sa pagkain?" naguguluhan kong tanong kay Samantha nang lumapit ito sa amin."Kasi iyang si Sky kanina pa inaasar si Kristel habang lumalangoy kaya nang umahon ito at naunang pumunta sa may mga pagkain ay ito naman ang nagbawal sa una," kibit-balikat na bigay impormasyon nito sa akin.
"Sky, ano ba ang ginagawa mo r'yan. Kumai
•Gaea•Dahil sa mga nangyari ay matagal na rin kaming hindi nakapag-usap ni Samantha. Wala na akong alam sa mga nangyayari sa buhay nito at sa kanila ni Navy. Huling impormasyon ko tungkol sa kanilang dalawa ay noong maghiwalay sila.Sabay kaming pumulot ng shells at itinapon iyon sa may dagat. Napangiti ako nang maramdaman kong sumandal siya sa aking balikat."Gaea, I'm tired," mahina niyang saad habang hinahaplos ang kanyang braso. Kumunot naman ang aking noo habang nakatingin sa kanya. "Pagod na akong magpanggap na hindi ko na naiisip si Navy. Pagod na akong pigilin ang pag-iyak para hindi malaman ng iba na nasasaktan ako."Sa kabila nang pagkamasayahing tao ni Samantha ay hindi mo aakalaing may itinatago itong sakit sa kanyang dibdib. Mas mabigat pa ang dinadala nito kaysa sa mga taong pinapasaya niya."Bakit hindi mo su
•Gaea•"Later may gaganaping party sa may bar nitong resort. Gusto niyo bang sumama?" tanong nito sa amin nang makarating na rin si Faran, Kenneth at Tuff. Hindi ako sumagot dahil si Clyden ang gusto kong magdesisyon, ayaw ko na ulit na mangyari iyong kanina kahit na pinayagan naman ako nito. "Kung sasama ang mga girls edi sasama rin naman kayo hindi ba? Para naman sabihin na maraming tao ang resort uy!"Matao ang resort ng mga Buenavintura siguro ay dahil na rin binabayaran ng mga bisita nito ang buong lugar sa bawat parte ng result kaya grupo lamang ang makikita rito ngayon."Anong ibibigay mo sa amin kapag pumunta kami?" taas-kilay naman na tanong sa kanya ni Tuff. Napatingala ito at nag-isip ng bagay na ibibigay sa mga sasama sa kanya."Pag-isipan mo nang mabuti iyan, liit, at baka walang magtanggol sa'yo roon kapag na-bully ka!" natatawang
•Gaea• Tinitignan ko ang mga gamit ko at tseni-tsek kung may kulang ba dito at baka may maiwan pa ako. Uuwi na kasi kami pabalik sa Y city at pupuntahan namin mamaya si CN sa bahay nila mama dahil pupunta kaming amusement park at magfa-family bonding. Sabay kaming lahat pauwi. Iisa lang ang sasakyan na gamit namin. Masaya ang byahe pauwi dahil na rin sa kompleto ang buong barkada. Puro harutan, tawanan at kulitan lang ang ginawa namin buong byahe. Ang lalakas mang asar pero ang Dali din namang mapikon. Nang makarating kami sa bahay ng magulang ko ay bumaba na kami sa sasakyan at nagpaalam na sa kanila. Pagpasok namin sa bahay ay nakita namin sila mama na nasa sala at nanonood ng TV. "Ma, nandito na po kami." Sabi ko pagkapasok pa lang namin. Dumeretso kami doon at nagmano sa kanila. "Ma, alis na po kami. Para n
•Gaea• Hinawakan ko ang kamay ni CN nang maramdaman ko ang panginginig nito. Pagkapasok na pagkapasok pa lang namin ay nanginginig na ang katawan nito. Bumitaw pa ito kanina sa akin dahil gusto niyang takpan ang kanyang mga mata. Nang makapasok at makaupo ito sa binti ng kanyang ama ay unti-unti naman itong kumalma, ngunit hindi pa rin nakatanaw sa magandang tanawin. Hinayaan ko lang naman ito para hindi siya mabigla at baka ano pa ang gawin kapag natakot ito ng husto. "Mommy, natatakot po ako. Naaalala ko na naman po iyong dati, mommy, daddy," saad niya sa akin. Nasa harapan nila akong dalawa kaya kitang-kita ko kung paano nagpapalit-palit ang reaksyon ng kanyang mukha at mga mata. Dinala ko ang kanyang kamay sa aking labi at ginawaran iyon ng mumunting halik. "You'll be fine, baby, mommy and daddy is here with you. Breath in and breath out," paulit-ulit
•Gaea• Napatingin ako sa kanila mama habang inaayos ang mga gagamitin ko para sa kasal bukas. Sobrang bilis nang pagtibok ng aking puso dahil sa kasabikan para sa mga mangyayaring event. Dalawang buwan din ang hinintay namin bago mangyari ito dahil sa marami ang preparasyon ang kailangan pagtuunan ng pansin. Gusto kasi ni Clyden iyong kumportable daw ako at hindi minamadali ang kasal naming dalawa. Wala rito ngayon si Clyden dahil sabi ni mama ay bukas na lang kami magkikita dahil hindi raw maganda sa dalawang taong ikakasal ang magkita bago ang kasal. Hindi naman namin kinontra iyon ni Clyden dahil sa dinarami-rami ng masamang nangyari sa amin ay hindi na maipagkakaila na may tsansa ngang mangyari ang bagay na iyon. "Anak, excited ka na ba para bukas? Parang kahapon lang ay yakap-yakap pa kita habang umiiyak ka nang masama mong pakiramdam sa akin," nakang
•Gaea• Napangiti ako nang magsimula na si father sa mga seremonyas niya at taimtim kaming nakikinig sa kanya. Marami itong ipinagawa sa amin ngunit isa lang ang hinihintay kong sabihin nito iyon ay ang pagsasabi ng aming mga vows. ""I, Clyden Lee, take you Gaea Montessori to be my wife. I promise to be true to you in good times, in sickness and in health. I will love and honor you all the days of my life," nakangiti niyang saad habang hawak-hawak ang aking kamay. "Marami na tayong pinagdaanang dalawa pero dahil hindi tayo sumuko ay nandito na tayo ngayon. I may not be a perfect husband and father but I promise to be a good one. If you're tired and cannot do the house chores I promise to do it for you, and if you're sick I promise to stay by your side. I'll carry you if you need to pee or do something but your knees can't do so. Feed you everytime you get hungry. I can do anything for you, babe."
•Clyden•Napatingin ako sa mag-ina ko na naglalaro sa may dalampasigan. Sa halip na pumunta kami ni Gaea sa ibang bansa para sa honeymoon ay hindi na lang namin tinuloy dahil ayaw naman nitong iwan ang anak namin.Hindi ako makapaniwala na darating ako sa puntong ito, na magseseryoso ako sa buhay at magiging tapat sa isang babae. Lalakad na sana ako papalapit sa kanila nang biglang may tumapik sa aking balikat. Nilingon ko ito at nakita si Tuff at Sky naroroon."Iba na talaga ang pagmamahal na iyan, Clyden," asar sa akin ni Sky. Hindi naman ako kumontra roon dahil tama naman siya. Hindi ko na iyon maitanggi simula nang inamin ko sa sarili ko na si Gaea lang ang tanging mamahalin ko at ang tanging babaeng nagpapasaya at magpapasaya sa akin.Sa kanya lang ako mananatili at kung sakali man na matapos ang buhay namin na ito siya pa rin ang hahanapin ko sa kabil
•Clyden•"Tito Tuff, sa tingin ko po ay galit po kayo kay Ate Kira po!" sumbat ni CN kay Tuff na hanggang ngayon ay hindi pa rin mapugto ang tingin sa babaeng kaharap nito.Nilingon naman kaagad ni Tuff ang anak ko at naguguluhan itong tiningnan. "Anong ibig mong sabihimn, big boy?" tanong nito kay CN."Iyong eyes niyo po para po sa tiger po na nakita namin ni mommy na galit po. Atsaka po bakit po para kayong unggoy na di mapirmi sa inuupuan niyo po?" Nakagat ko ang aking labi para pigilan ang aking tawa lalo na at nakita ko ang pagkunot-noo ni Tuff. "Sorry na lang po kayo, Tito Tuff, kasi may tagapagtanggol na po si Tita Kira kaya di niyo na po siya maaaway!""Sino?" Hindi naman galit ang pagkakabigkas niya ng isang salitang iyon, ngunit dumagundong pa rin ang boses niya sa madilim na gabi."Mommy, galit po sa akin si Tito Tuff,"