Maaga kaming nag-ayos kinabukasan dahil may surpresa ngang inihanda si Andrei para sa amin ni Adrian. Paulit-ulit ko siyang tinatanong kagabi tungkol doon pero nanatiling tikom ang bibig niya. Nagtatampo man ay hindi ko na ipinagpilitan pa.Sumakay kami sa sasakyan niya, ako sa unahan habang sa likuran naman ang anak naming dalawa. Paminsan-minsan kaming nag-uusap ng kung anu-ano sa byahe katulad na lamang ng kumpanya naming dalawa. Napag-usapan namin na babalik ulit ako sa trabaho para pamahalaan ang negosyo namin dahil gusto ko nang pagpahingahin si Mommy. Hindi naman siya tumutol pero hanggang ikawalong buwan ng pagbubuntis niya lang ako gusto magtrabaho. Pumayag naman ako dahil alam kong kapakanan namin ng dinadala ko lang ang iniisip niya. Ilang minuto ang lumipas ay pumasok kami sa isang subdivision na ipinagtaka ko. "May kamag-anak ba tayong dadalawin?" tanong ko.Mahina naman siyang tumawa at umiling. Napanguso ako dahil pinanindigan niya talagang maging surpresa ang tinutuko
I was drafting a building project when my secretary called to inform me that Mr. Monasterio came and would like to talk to me. I was confused and a bit nervous because it's been months since we last saw each other.Well plus the fact that I like his only daughter. Damn it.Mayamaya pa ay tuluyan na ngang pumasok si Tito Deyniel sa opisina ko. Kita ko ang pagbagsak ng timbang niya mula nang huli ko siyang makita, ngunit hindi ko na pinansin iyon."Maupo po kayo," magalang kong sambit at inalok ang upuan sa harapan ko. Nakangiti naman siyang umupo saka tumikhim. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. I am here to ask you to marry my daughter," pormal niyang saad na ikinatigil ng hininga ko.What did he say again?"A-Ano po ulit?" nauutal kong tanong at napaayos ng upo.Ngumiti naman siya sa akin at tiningnan ako direkta sa mata. "I am asking you to marry my daughter, Andrei," marahan niyang wika na para bang itinatatak niya iyon sa isipan ko.So I fvcking heard it right."Why of all a su
"Hindi pwede!" sigaw ko at saka sila tiningnan ng may pagkabigo."Cassandra, why can't you see that we are doing this for your own good?" malumanay na paliwanag ni Mommy sa 'kin habang hinahaplos ang braso ko. Ayokong mabastos ang nanay ko kaya wala akong nagawa kundi ang kabigin ang braso ko dahil sa halu-halong emosyon na nararamdaman ko. I looked at them with hatred. "How can this be for my own good? Why marrying someone I don't fvcking know will be good for me?!"Yumuko si Daddy na para bang hindi alam kung paano uumpisahan ang pagpapaliwanag sa akin ng mga bagay na pinagagawa nila. Natawa ako saglit. "Don't ever tell me na nalulugi na ang kumpanya kaya ipapakasal niyo ako sa lalaking hindi ko kilala, masyado nang gasgas 'yon sa mga teleserye."Daddy massage the bridge of his nose then gave me a serious look."Come to my office—""Are you sure about this, Deyniel?" my mom butted in.Dad just gave her a small smile and lead the way to his office. Wala na akong nagawa pa kung hin
Andrei Villa Cruz, hindi pamilyar ang pangalan niya sa pandinig ko. Gusto kong manghina dahil mukhang magpapakasal talaga ako sa isang tao na hindi ko kilala. "Potahamnida! Seryoso ka, Cass? Hindi mo kilala ang mala d'yos na si Andrei Villa Cruz?!" gulat na sabi ng kaibigan kong si Ayesha.Pinagtaasan ko siya ng kilay dahil sa pagtataka at ininom ang alak na nasa harapan ko. Kasalukuyan kaming nasa bar ngayon para lumaklak nang lumaklak. "Waeyo? Kilala mo?" tanong ko at saka muling nagsalin ng JD sa baso ko."Ghorl, baka nga ikaw lang ang hindi nakakakilala sa kanya. FYI, siya lang naman ang head ng Villa Cruz Construction Company. You really got a big fish," eksahiradang wika niya. "Baka siya ang nakakuha ng malaking isda. B*tch, I am Cassandra Monasterio, daughter of Deyniel Monasterio, the heir of Monasterio Worldwide," puno ng yabang kong sabi.MW is the biggest hotel chain here in the Philippines, may 66 branches din kami sa iba pang mga bansa. "Yeah, yeah, whatever. For now,
"I called you pero pinagpatayan mo ako. Ano ka ngayon?" paninisi sa 'kin ng kaibigan ko. Nandito kami ngayon sa isang cafe malapit sa mall. Dito namin napag-usapang magkita noong tumawag ako sa kanya pagkaalis ng fiance ko kuno."May alam ka ba sa mga pinaggagawa ko no'ng lasing ako?" desperada kong tanong.Huminga naman siya nang malalim at saka ako tiningnan ng may pagkabigo. "Wala ka talagang naaalala sa mga nangyari?" paninigurado niya."Ayesha, magtatanong ba ako kung mayroon?" inis kong tanong at ininom ang kape ko.Uminom muna rin siya sa tasa niya at saka nagsimulang magkwento. "Lasing ako no'n pero medyo tanda ko kung anong mga nangyari..." pagsisimula niya. "Umalis ka sa p'westo natin, siguro para gawan ng paraan na makauwi tayo pero nagulat ko nang pagbalik mo may kasama ka na. Yes, it's your freakin' hot husband to be."Napaayos naman ako ng upo at lalong nakinig sa kanya."Inaalalayan ka niya, ghorl, sabog na sabog itsura mo no'n." She laughed hard like she could still s
Maaga akong ginising kinaumagahan ni Mommy. Halos mangiyak-ngiyak pa s'ya habang inaayusan ako ng stylist."Mommy, stop it. Hindi na ko nagiging kumportable," I hissed.She just laughed at me. "Malaki ka na talaga, anak. Parang kahapon lang ay karga ka pa namin ng Daddy mo ngayon magkakasariling pamilya ka na," emosyonal na sabi niya.Pilit na lang akong ngumiti sa kanya. Hangga't maaari ay ayaw kong sirain ang araw na ito para kay Daddy.Pamilya? With him?Nagkaroon ng photoshoot sa k'warto ko. P-in-ictur-an ng photographer ang gown ko at iba pang gamit. Gano'n na rin ako sa iba't ibang pose na gusto nila. Kahit papaano ay natuwa ako sa gown ko, ganitong gown din ang gusto ko sakaling ikasal talaga ako balang araw—simple pero elegante."Ang prinsesa ko," maluha-luhang tawag ni Daddy sa 'kin habang pababa ako ng hagdanan.Unti-unti na ring namuo ang luha sa mga mata ko dahil nakikita kong masaya siya ngayon.Niyakap niya ako nang mahigpit at saka ako hinalikan sa noo. "Napakaganda mo,
Nagising ako kinaumagahan dahil sa pakiramdam na may nakadagan sa 'kin. Marahan kong idinilat ang aking mata at gano'n nalang ang panlalaki ng mata ko sa pamilyar na eksenang tumambad sa akin.Napabuga ako ng hininga at maingat na ibinaling ang ulo sa direksyon niya. Napaka amo talaga ng mukha niya kapag tulog, may kakapalan din pala ang kilay niya. Muli kong sinilip ang posisyon naming dalawa, agad na nag-init ang mukha ko nang napansin kong iba na ang suot ko ngayon.Photahamnida >,
Para akong alipin sa mga haplos niya, idagdag pa ang mainit niyang hininga sa leeg ko na nagdudulot ng hindi maipaliwanag na init sa sistema ko. Hindi ako gano'n kaboba para hindi maintindihan lahat ng ito, pero siguro gano'n ako katanga dahil hindi ko alam kung bakit ginugusto ito ng katawan ko. May girlfriend siya, Cassandra. Paulit-ulit kong untag sa isip ko para lang magkaroon ako ng lakas itigil lahat nang nangyayari sa katawan ko pero talagang taksil ito. "Ohhh..." impit na ungol ko nang halikan niya ang leeg ko. Kung kanina ay sa likod at bewang ko lang naglalaro ang kamay niya ngayon ay pababa na ang gana nito. "Stop me, baby..." bulong niya sakin.I took a deep breath to settle my thoughts, but my mind was really clouded at this moment. "Andrei," usal ko sa pumipigil na tono."Yeah, stop me. Nababaliw na ako," muli niyang anas at saka kumilos paitaas kaya naman nagkapalit kami ng p'westo. S'ya na ngayon ang nasa ibabaw ko, mabilis niyang hinalikan muli ang aking leeg p