GIOVANNI" H - how did y - you get in? The door is locked and how come I haven't heard any noise?! "I asked her with confusion and uncertainty evident on my face.And for the third time around, I saw her expression changed, from calm to confused. Her brows knitted, then she started speaking or I'd rather say explaining." How did I get in? I opened the door and entered this room. It wasn't locked. Remember, I was the one who closed it. "She tsked," Use your sense of common. A five year old kid can answer that simple question. "Help me believe in her. Because, her reasons are believable, but my rational mind argues that it is illogical. She nearly fooled me, but she busted the chance by stating that, I am talking to myself. See? How come can she say that I was talking to myself, when I was just talking inside my mind?I was pulled out of my train of thoughts when she placed a food tray on top of my lap. Then she spoked with her cold and dead voice again." Eat. I wouldn't be here
Sa isang madilim na silid nakaupo ang isang nilalang na may mapupulang mga mata.Hindi mo man makita ang loob ng silid, maaamoy mo naman ang napakasangsang na amoy nang nagkalat na dugo.Mula rito ay biglang gumalaw ang nilalang at may kinuha mula sa isa sa mga lalagyan na lumikha nang kaunting ingay mula sa nakakabinging katahimikan ng silid.Pagkatapos niyang makuha ang kanyang pakay ay muli niyang isinara ang lalagyan na muling lumikha ng ingay.Ngunit pagkatapos no'n ay bumalik ang nakakapangilabot na katahimikan.Napakatahimik, nakakapangilabot at nakakabinging katahimikan.Ngunit hindi nagtagal ang katahimikang iyon.Biglang may sumabog... At nagmula iyon sa likuran nang nakaupong nilalang na nakapaloob rito. Agad na sumilip ang liwanag na nagmumula sa dilaw at napakalaking buwan. Ngunit para bang walang anumang nangyaring pagsabog, dahil ang nilalang na nakatalikod mula sa sirang dingding ay nakatalikod parin mula rito at hindi natinag mula sa pagkakaupo. Kuminang ang matulis
LIA“Labing-lima” Ibinagsak kong muli sa sahig ang katawan na unti-unting nasusunog, hindi ko maiwasang mapangiti. Muli akong sinugod ng sampung mga hangal, sabay ang kanilang pag-atake, pero wala paring nakalusot mula sa aking paningin. Isa-isang nagtumbahan at naglaglagan ang ibat ibang parte ng katawan ng mga immortal na nakakalaban ko at nagsisimula na silang maging abo. Tinitigan ko ng mabuti ang papaakyat na araw, “ang ganda... Ang ganda ng simula ng araw ko.”Binunot ko ang mga kutsilyong nasa ilalim ng aking mga buhok na nagsisilbing pangligpit sa kahabaan nito. Kumikinang ang dulo ng bawat patalim na nasa palad ko. Inilagay ko ang isa sa mga ito sa ilalim ng aking suot na itim na pantalon at ginamit ang isang natitira upang gawing pansugat sa kanan kong hintuturo. Mabilis ang pagragasa ng dugo mula rito, ang kaninang pulang kulay nito ay unti-unting naging itim. Hinayaan ko itong pumatak sa sahig, ang kaninang maliit na tila bilog na likido ay unti-unting lumawak hanggang sa
LIA" Buhay siya Lia,buhay na buhay... at gusto ka niyang makita at makapiling muli... "" Buhay siya Lia,buhay na buhay... at gusto ka niyang makita at makapiling muli..." Paulit-ulit ang mga salita ni Heimdal sa isipan ko at kahit pilitin ko mang kalimutan ang mga iyon ay kusa lamang itong bumabalik at bumubulong sa aking tenga... Kailangan ko itong ipagsawalang bahala. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata kailangan ko lang kumalma...Naging mabilis ang pagdating ko sa lugar na aking pakay at hindi nga ako nabigo sa pagpunta rito kailangan kong kumalma.Sa hindi kalayuan ay nakikita ko ang dalawang mortal na naghahalikan sa labas ng sasakyan. Itinali ko ng mataas ang nakalugay kong buhok at hinubad ang leather jacket na nalagyan ng dugo at inihagis sa kung saan. Tanging ang sleeveless na itim ang natirang damit ko pang-itaas. Sinigurado kong wala ng bakas ng dugo ang buo kong katawan at hinayaan ang natural kong bango na lumabas at nagsimula nang maglakad patungo sa direksyon
LIA"You're going to pay for this!!! I'm going to kill you!!! "Ang kaninang kanyang nakakalulang asul na mga mata ay agad na naging pula at lumabas ang kanyang matutulis na mga pangil,hindi na ako nagsayang ng oras at mabilis na sinugatan ang kanan niyang pulsuhan,"Aaaahhhh....you're going to pay for this woman!!! "Mabilis pa sa isang segundong hiniwa ko ang kanyang mukha gamit ang kutsilyo na nakuha ko mula sa kanya kanina,napangisi ako dahil sa laki ng sugat na natamo niya galing sa akin. Malakas akong napatawa ng makita ang itsura ng mukha niya ngayon,kung kanina lang ay perpektong perpekto ang itsura at hugis ng kanyang mukha ngayon ay nagmistulan na itong basahan ng dugo.Nabura ang malapad na ngiti sa aking mga labi at naputol ang tawa na lumalabas sa aking bibig nang mabilisang naghilom ang lahat ng natamo niyang sugat galing sa akin at sa pagkakataong ito siya na ang napapantistikuhan sanakikitang reaksyon galing sa akin,napaatras ako nang humakbang siya patungo sa aking
LIABinagalan ko ang aking paglalakad at ninamnam ang malamig na simoy ng hangin na mayat-mayang humahaplos sa aking balat. Tumigil ako sa aking paglalakad nang maramdaman ko ang pagtigil na ginawa ng nilalang na naglalakad mula sa aking likuran at naging tahimik ang paligid, tanging kaluskos lamang ng mga dahon at ang misteryosong bulong ng hangin ang tangi kong naririnig. Ramdam na ramdam ko ang takot mula sa nilalang na nasa aking likuran.Pag-aalinlangan.Yan ang emosyong namumutawi mula sa kanya.Kumawala mula sa aking mga labi ang isang malaking ngisi nang may lumabas na ideya sa aking isipan." Muli palang nabubuhay ang mga bangkay ng lahi niyo? "Napatawa ako ng pagak sa naging reaksyon niya sa sinabi ko. Dahan-dahan akong pumihit paharap sa kanya.Mula sa aking kinatatayuan ay dinig na dinig ko ang walang humpay na paglunok na kanyang ginagawa, na tunay na nakakabagot. Ilang segundo ang lumipas ay wala pa ring naging tugon sa aking katanungan. Nawala ang tatlong metrong agw
LUCIANMahigpit ang pagkakakapit ko sa kutsilyong nasa kamay ko at napapalunok sa t'wing tatama ang kanyang paningin sa akin.Lahat ng mga kasapi namin ay kasalukuyang nakapaloob sa bulwagang ito. Lahat ay nakayuko ang mga ulo, dahil sa galit na galit na itsura ni Lia.Nakita ko na kung pa'no siya magalit - kasi araw araw naman talaga siyang galit. Pero ngayon?. Iba- ibang - iba ito sa mga nakasanayan kong galit niya. Noon ay kalmado lamang siya at mararamdaman mo lang ang nakakapangilabot niyang aura, na magkakandarapa ang lahat ng nakapaligid sa kanya na gawin ang lahat ng kanyang mga utos. Wala siyang emosyon. 'Dull and boring look', yan palagi ang makikita mo. Pero kapag nagustuhan niya ang pangyayari ay makikita mo ang kaniyang ngisi. Pero, 'wag mo nang pangarapin na masilayan ang kanyang ngisi, dahil isa lang ang tanging dahilan nito. Ang pagpatay o mamatay. Sa kamay niya man o sa inatasan niyang gumawa nito. Hindi ko lubusang alam ang istorya ng kanyang buhay. Pero isa la
HERMANOKasalukuyan akong nakaharap sa kapwa kong pinuno. Hindi sila kakikitaan ng kahit anong emosyon sa kanilang mukha.Nakakadismaya. Parang walang nangyaring kahit ano, ngayong araw na ito. Hindi ko maiwasang ipakita ang aking pagkabalisa sa mga kaharap ko ngayon. Katahimikan. Iyan ang namumutawi sa buo naming paligid." Anong hakbang ang gagawin natin ngayon? "Hindi ko mapigilang ibato ang katanungang iyon, na kanina pa naglalaro sa aking isipan. Naging dahilan ang katanungan kong iyon, upang silang lahat ay mapaangat ang tingin sa aking kinaroroonan. Wala mang bakas ng panghihinayang sa kanilang mga mukha, ay makikita mo naman ang galit sa kanilang mga mata. " Anong hakbang ang maibibigay mong suhestiyon, Hermano? "Natinag ako ng marinig kong magsalita si Jacob sa napakasarkastikong tono. Sa kanilang apat, siya ang pinaka - kakikitaan ng galit, hindi siya mapakali at panay ang paroo't, parito niya. Binigyan ko siya ng isang makahukugang tingin bago nagsalita." Kaya nga ako n