Share

Chapter Thirty

This is it, Bianca...

Bumuga ng hangin si Bianca bago inayos ang suot na kulay pulang balabal na tumatakip sa halos kalahati ng kanyang mukha. Sandali pa muna siyang nanatiling nakatayo sa likod ng malaking punong malapit sa gusali ng Chandler at wala sa loob na napahawak sa sarili niyang dibdib. Wala na itong atrasan. Kung gusto niyang matapos na ang lahat ng ito na nagsimula sa kanya ay kailangan niyang tatagan ang kanyang loob. Isa pa munang pagbuga ng hangin ang ginawa niya bago tuluyang lumabas sa pinagtataguang malaking puno at humakbang patungo sa nakasaradong malaking tarangkahang gawa sa bakal.

"Hanggang diyan ka lang!" Mabagsik na turan ng isang guwardiya na nagbabantay sa labas. Masama ang tinging tinitigan siya niya mula ulo hanggang paa na tila ba kinikilala siya. "Who are you?!" Dugtong na tanong pa nito.

Lumunok si Bianca bago inalis ang balabal na nakatakip sa kanyang mukha bago nag-angat ng tingi

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status