CHAPTER 17
Dumaan ang ilang segundo at hindi pa rin ako nakababawi. Naputol lang ang aking malalim na iniisip nang may kumatok sa pintuan.
"Ma’am, handa na po ang lunch ninyo," magalang na saad ng katulong mula sa labas.
"Sige, salamat. Susunod na kami," sagot ko sa kanya.
"Let's go?" Sabay lahad ng kanyang kamay. Tinanggap ko ito at tinulungan niya akong tumayo.
Halos maubos ko na ang mga damit sa closet sa kahahanap ng susuotin mamayang gabi para sa pagharap ng pamilya ni Arken.
"Kahit na anong damit na komportable ka ay puwede mong suotin," naalala ko ang sinabi niya kanina.
Kung puwede lang sanang lumabas at bumili ng susuotin para hindi na ako mahirapan ay ginawa ko na. Ang ibang mga damit na naiwan ko rito ay masyadong revealing at hindi ko ‘yon puwedeng suotin. Pinili ko ang simpleng bestida, kulay puti na off shoulder at hanggang tuhod ang haba. Flat doll shoes ang aking ipinares para
CHAPTER 18NANGINGINIG ang aking labi dahil sa kabang naramdaman. Iniwas ko ang mga mata at agad ding ibinalik sa kaharap. Uminom siya ng champagne mula sa basong hawak ngunit hindi ako nilulubayan ng kanyang mata. Bawat segundo ay mas lalong bumibigat ang aking paghinga."Bi-biglaan po talaga kaya pasensiya na kung hindi man lang kayo nasabihan," tanging nasambit ko sa pagitan ng nakabibinging kaba."So, why is that?" tanong niya ulit, walang planong palagpasin ang pagkakataong ma-interview ako."A-a-actually, nagpaplano pa po kami tungkol sa kasal pero lumabas po sa publiko ang mga larawan namin kaya naging madalian, ka-kasalanan ko po ang la-lahat," nauutal kong paliwanag. Sasabihin ko na lang ang totoo kung uungkatin pa talaga niya ang mga nagdaaang taon."You want to keep it private? Why?" simple lang ang tanong niya pati ang tono at paraan ng pagkakasabi pero sadyang nakatatakot lang talaga ang kanyang aura."Para na rin
CHAPTER 19"ANONG napag-usapan ninyo ni dad kanina?" tanong niya habang nagpupunas ng basang buhok. Katatapos pa lamang niyang maligo at pumunta kaagad dito sa kwarto ni Eli kung saan ko pinapatulog ang bata. Nilingon ko si Eli sa aking tabi dahil baka hindi pa mahimbing ang tulog nito at marinig kaming nag-uusap."Wala naman. May iilang tanong lang siya. Kung hindi ba ako nahihirapan, mga ganoong bagay." Nilagyan ko kaagad ng tuldok ang paksang binuksan niya."Matutulog ka na ba? Kaagad?" tanong na naman niya. Hindi ko alam kung bakit pero parang umiinit ang ulo ko sa kanya."Oo," maikling sagot ko at ramdam kong ayaw ko siyang kausap ngayon."Pam? Are you okay? Bakit parang nag-iba ang mood mo pagkagaling natin sa bahay? Sigurado kang wala kayong masyadong napag-usapan ni Daddy?" pangungulit niya."Wala nga!" napalakas ang boses ko. Sabay kaming lumingon kay Eli pero hindi naman ito nagising. Huminga siya ng malalim bago tumango."S
CHAPTER 20MAHIMBING pa ang tulog nilang dalawa ni Eli nang dahan-dahan akong bumangon. Pagkatapos ng nangyari kagabi’y wala akong mukhang maihaharap kay Arken. Hindi lang isang simpleng halik ang pinagsaluhan namin kung hindi ay malalim at matagal. Wala kaming malinaw na relasyon kung ano kami sa labas ng pinermahang marriage contract. Ayokong sa akin din manggaling ang paksang iyon kung mapag-uusapan man. Kahit naibigay ko ang sarili sa kanya nang hindi sinasadya ay may delikadesa pa rin naman ako kaya hindi ko gustong ako ang gagawa ng paraan na mapalapit sa kanya.Umiinom ako ng kape nang may nag-door bell. Lumabas ang katulong mula sa kusina at nakita ako sa dining area."Ma'am, may tao po yata.""Pakitingnan kung sino iyon. Huwag mo lang papapasukin kung hindi mo kilala. Baka kasi isa na naman sa mga reporters 'yan."Hindi nagtagal ay pumasok ulit ang kasambahay."Ma'am, hindi po talaga nagpapigil, nagpumilit po talaga siyang pum
CHAPTER 21NAPANSIN ko ang palihim na mga sulyap ni Gieselle sa amin habang kumakain. Ang OA ko na tuloy gumalaw. Ang arte-arte ng aking galawan at mukhang nagpapa-cute pa kay Arken.Nalungkot ako nang nagpaalam na si Gieselle. Naramdaman ko ang kawalan nang nakaalis na ito. Iba na nga talaga ang takbo ng mga buhay namin. May kanya-kanya na kaming priorities. Dati, kung nagkikita kami ay puro shopping, bar hopping o ‘di kaya’y bakasyon ang nasa isip. Ngayon ay may Eli na akong dapat unahin.Hindi pa ako inaantok kaya nanatili muna ako sa gilid ng pool sa likod-bahay. Inilubog ko ang paa sa tubig at nakaramdam ng ginhawa dahil sa lamig na hatid nito. Sinamantala ko ang pagkakataon na mapag-isa habang kasama ni Papa si Eli. Sa dami ng mga nangyari na nakapagpabago ng aking buhay ay sasakit lang ang aking ulo kung lahat ng mga tanong ay hahanapan ko ng kasagutan. Inihilig ko ang ulo sa hawakang bakal na nasa aking tabi at ipinikit
CHAPTER 22HILAW akong ngumiti dahil sa kanyang tanong at ang pangit ko sigurong tingnan. ‘Kalma self, baka ma-lose thread ang garter ng panty at bra mo.’"Ano bang pinagsasasabi mo?" Tila isang dalagitang nagpapabebe at nagpapa-cute sa kanyang crush."Paano ka nga ba niligawan ng Steve na iyon at siya lang ang naging boyfriend?" pagkompleto niya sa tanong.Then reality slaps me. ‘Umasa ka pa, self, kaya nga-nga ka tuloy’, lihim kong pang-aaway sa sarili. Akala ko pa naman kaya siya nagtanong ay dahil may balak siyang umakyat ng ligaw. Assume pa ako ng assume, na sa simula pa lang ay si Eli lang naman ang dahilan ng lahat ng ito."Kaya nga isang pagkakamali si Steve sa buhay ko. Simula nang niloko niya ako sinabi ko na sa sariling kahit kailan ay wala ng ibang lalaki ang makapapasok dito sa aking puso at buhay kung hindi si Eli lang," bawi ko sa hiyang naramdaman kanina.
CHAPTER 23"GIE, salamat sa pagsama kay Paloma," baling nito sa kasama ko.Halos hindi ako makasabay sa malalaking hakbang ni Arken palabas ng bar. Maingay pa rin ang buong paligid pero wala na akong balak magtagal, lalo't halatang-halata sa mukha niya ang galit at inis.Halos paliparin na niya ang sasakyan habang pauwi kami ng bahay. Hindi na mabilang kung ilang beses akong nauntog sa bawat lubak na madaanan. Nanatili akong tahimik at walang planong magsalita. Nakapapanis ng laway ang ganito pero bahala siya sa buhay niya."What do you think your doing?" tiim-bagang niyang tanong sa akin."I just wanted to go out," sagot ko. Pilit pinapatatag ang boses kahit natatakot na ako."Go out? Sana’y sinabi mo sa akin." Alam kong matindi ang kanyang pagpipigil na hindi ako masigawan.Hindi ako kumibo hanggang sa makapasok na kami sa gate. Tinanggal ko kaagad ang seatbelt at padabog na isinarado ang pinto ng kotse. Nagmartsa ako papasok
CHAPTER 24 AKALA ko pagkatapos ng tanghalian ay aalis na kami pero nagkamali ako at alam ko ang dahilan ni Arken, walang iba kung hindi si Nicolle. Hindi na ako nangahas pang sumali sa kanilang usapan dahil hindi rin naman ako maka-relate. Puro mga past experiences nila, mga childhood memories at sa ayaw at sa gusto ko’y hindi ako kasali sa mga alaalang iyon.Kung alam ko lang sana na ganito, dapat pala ay nauna na kami ni Eli sa isla at hayaan na lang si Arken kung kailan siya susunod sa amin. God knows kung ano ang gagawin nila, sila ni Nicolle."You okay?" tanong ni Ate Leanne na kadarating pa lang sa garden kung saan ako kasalukuyang naglalagi."Opo," tipid kong sagot na may kasamang ngiti."Matagal na hindi nagka-usap at nagkasama sina Arken at Nicolle kaya marami ang kanilang napagkukuwentuhan," paliwanag niya. Tango lang ang isinagot ko. Wala rin naman kasi akong maisip na sasabihin."Your not jea
CHAPTER 25 NAGISING ako dahil sa boses ni Arken. Siguro’y importante ito dahil tumawag ng ganito kaaga. Dalawang linggo na rin ang lumipas nang bumalik kami rito sa isla at malamang ay kinakamusta na siya ng kanyang daddy o ‘di kaya’y ni Ate Leanne. “Ayos lang ba kung bibiyahe kang mag-isa?" narinig kong tanong niya sa kausap. Sino ang bibiyahe at saan pupunta? Napapraning na naman ako at kung ano-ano na ang naiisip. Ganito siguro talaga kung alam mong napipilitan ang isang tao na pakasalan ka. Kusa kang nakararamdam ng insecurities. Sinubukan kong umakto na parang wala lang ang lahat, mula sa pagpunta namin sa kanila, pagpapakilala niya sa akin sa kanyang pamilya at ang muling pagkikita nila ni Nicole. Mas bumabagabag sa akin ang huli. Paano kung biglang maisipan ni Arken na hiwalayan ako dahil nandiyan na si Nicole? Paano na ang anak namin? Hanggang tabas na lang ako ng tela pagdating sa shop at hindi masimulan ang tatahiing