Share

CHAPTER 24

NAIINIS si Earl dahil sa nararamdaman niya. Nagi-guilty siya ngunit alam niya sa sarili niya na kailangan niya talagang guwardiyahan ang sarili dahil nararamdaman niya na may posibilidad na mahulog ang loob niya sa asawa. Kaso komplikado ang sitwasyon nila, may iba itong gusto. Marahil ay pinapakisamahan lamang siya nito dahil sa magiging anak nila.

Nitong mga nakaraang araw ay nais na niyang bumigay sa mga pinapakita nito sa kanya Ngunit di siya pwedeng magtiwala ulit. Ayaw niyang maramdaman ulit ang pinaramdam sa kanya ni Caroline. He felt betrayed.

Natatakot siyang magtiwala ulit lalo na sa nararamdaman niya para kay Thalia. Aminin man niya o hindi sa sarili ay may damdamin na siyang nang unti-unti umuusbong para sa asawa. Ngunit may isang bagay na nagpipigil sa kanya upang bigyang daan ang damdamin, ang katotohanan na may iba itong gusto.

Nasa malalim siyang pag-iisip nang bumukas ang pinto at pumasok doon ang hindi niya inaasahang bisita.

Si Caroline.

“What brought you here?”
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status