Share

CHAPTER 32

NATAHIMIK pa rin si Earl sa biyahe noong pauwi na kami. Hindi ko siya maintindihan kung bakit bigla nagbago ang mood niya. Lagi na lang ganoon kapag tapos na ang bakasyon at pabalik na kami ng Maynila ay nagbabalik siya sa pagiging cold niya sa akin.

Maayos naman kami kanina bago kami mag-breakfast, ano naman ba ang nangyari?

“Earl, may problema ba?” mababa ang boses na tanong ko sa kanya. Natatakot ako na hindi ko maintindihan. Pakiramdam ko kasi may ginawa akong kasalanan dahil sa pagbabago ng kilos niya.

“Nothing,” matipid niyang sagot na di man lang ako nilingon at nanatiling nasa unahan ang tingin nito. Ah baka naman siyempre nagda-drive kasi siya.

Natahimik na lamang ako at nagpasyang  panuorin ang aming mga daan na nadadaanan. Kung ayaw niya akong kausapin ay di wag bahala siya. Matapos lahat ng nangyari ay ganito na naman kami. Nakakainis kasi, ang hilig magpaasa!

Hanggang sa nakatulog na pala ako sa biyahe.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status