Share

CHAPTER 48

SA sobrang sama ng loob ay wala na lamang nagawa si Thalia kundi ang bumalik sa condo. Habang naglalakad ay naisip niya na kung tama ba na hindi niya kinompronta ang dalawa. Dapat ba sinugod ko ba sila? Tanging tanong niya sa isip. Ngunit alam niya sa sarili niya na ayaw niya ng ganoon, ayaw niya ng eskandalo. At saka baka mas masaktan pa siya, paano kung sabihin mismo ni Earl sa harapan nila na mahal pa din nito si Caroline.

Iniisip pa lang niya na maririnig yun kay Earl ay para na siyang sinaksak ng sangkaterba. Ngunit hindi naman niya ito masisi dahil umeksena lang naman talaga siya sa dalawa. Kahit na hindi mahal ni Caroline si Earl, ang asawa niya ay mahal ang dating nobya.

Naguguluhan siya hindi niya alam kung ano ang isipin ngayon. Bakit ba nakipagkita ang asawa niya kay Caroline sa ganitong oras ng gabi?

Samantala, mataimtim na nakikinig si Earl sa mga sinasabi ni Caroline tungkol sa hinala nitong banta ng ama niya tungkol sa kanyang asawa. Napabuo ang kamao niya nang maisip
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status