“Zeke, itigil mo na ‘to!”
Napatitig ang nanlilisik niyang mga mata sa akin. Madilim ang mukha niya nang humarap ito sa akin. Patuloy ang pag-buhos ng luha galing sa mga mata ko.
“What?! Pagkatapos ka niyang saktan, kakampihan mo pa siya?! What the hell is happening?!” Marahan niyang ibinaba ang baril mula sa pagkakatutok kay Cindy.
“Gan'yan ka ba talaga? Wala ka na bang gagawin kung hindi ang pumatay ng tao?! Ket her go, Zeke!” Sigaw ko.
Nakita ko ang pagkagat niya sa ibabang parte nang kaniyang labi. Hindi rin nagtagal ay tumalikod na siya, padabog siyang naglakad papalayo sa amin.
“C-cindy, I-i'm sorry...” Tinulungan ko siyang makatayo sa kinauupuan. Napatitig ako sa kaniyang mga mata, puno ng galit at poot. Wala siyang nagawa kung hindi iiyak na lamang ang lahat.
“Aalis na lang ako, Ma'am Bri. Hindi ko na kaya ang ginagawa ni Sir Zeke. Pasensya na rin.” Kaagad niya ak
“Where the hell are you?”Sa hindi inaasahan ay biglang tumunog ang telepono ko, lumabas kaagad ang text ni Zeke sa akin, napakunot ako ng noo. Naiimahe ko ang ekspresyon ng mukha niya habang sinasabi ang mga katagang iyon.Mariin akong napalunok. Ipinasok ko ulit ang telepono sa bulsa ko.“Boyfriend mo?” Nagtama ang paningin naming dalawa nang mabigla ako ng titig sa kaniya.Napailing ako nang bahagya. “Hindi pa.”Muli akong nag-iwas nang tingin sa kaniya. Narinig ko ang mahinang bungisngis niya.“Bakit hindi pa? Jowain mo na, mag-asawa ka na o baka hinihintay mo lang ako?” Pabirong aniya. Napangiwi ako.“Yuck, Damian. Alam mo namang kapatid ang turing ko sa ‘yo, hindi ba?” Napangisi siya sa sinabi ko. “Ito naman, masyadong seryoso. Nagbibiro lang eh!” Sinabayan iyon nang malakas na halakhak niya.Ilang saglit pa nang muling tumunog ang t
“You bitch!”Isang malakas na sampal ang naramdaman kong tumama sa aking mukha, sapat na iyon para magising ako mula sa pagkakatulog.Nanlalabo ang mga mata kong bumangon mula sa pagkakahiga. Kukusitin ko na sana ito nang maramdaman kong nakagapos ang mga kamay sa isang makapal na lubid.Kumunot ang noo ko.“Teka, nasaan ako?”Nanginginig na bulong ko sa sarili. Nagsimulang magtubig ang mga palad ko. Mayroong piring ang mga mata ko at wala akong ibang nakikita kung hindi ang madilim.Napalunok ako.What the hell, Bri?! Nanaginip ka ba?!Natigil ako nang muling dumampi ang palad sa mukha ko. Sa oras na ito, mas malakas naman ang naramdaman ko. Mula sa pagkakaupo ay muli akong napahiga.“Ano? You both liars! Kailan niyo pa kami lolokohin?!” Awtomatikong kumunot ang noo ko sa narinig na tinig. Pamilyar ang boses nito sa pandinig ko.Sa puntong ito, mas nahirapan akong lumunok
Nagsimula ko nang maramdaman ang pagkapagod habang patuloy pa ring tumatakbo sa abandonadong lugar na ito. Sa hindi inaasahan, mayroong kung anong humila sa braso ko dahilan para mapatigil ako. Mariin akong napapikit. Hindi ko kilala kung sino ang humila sa akin. “S***a ka. Anong ginagawa mo dito?!” Marahan kong ibinukas ang mga mata nang marinig ang isang pamilyar na matinis ang boses. Kay Cindy ang boses na iyon. Nakakunot ang noo niya nang titigan ko siya sa kaniyang mukha. Mariin akong napalunok. Anong ginagawa niya dito? Awtomatikong bumukas ang bibig ko. “Anong ginagawa mo rito, Cindy?” Nagtatakang sambit ko, bahagya pa akong napakamot sa ulo. “Mayroong guwardyang nagmamatyag sa ‘yo sa mansyon pa lang kaya napag-desisyunan kong sundan kayo.” Binitawan niya ang braso ko mula sa mahigpit na pagkakahawak niya. Nanatili akong nakatulala sa kaniyang mukha. “Pero, hindi ba't galit ka sa ‘ki–”
Nagising na lamang ako sa isang malamig na kwarto. Kulay puting kisame ang bumungad aa akin nang maimulat ko ang nanlalabong mga mata. Marahan kong kinuskos ito gamit ang likod ng aking mga palad. Nakaramdam ako nang kirot sa likod ng palad ng gawin ko iyon.Nakabalot ang buong palad ko ng kulay outing tape, may dextrose na nakapaloob sa tape na ito.Napangiti ako.“Nakaligtas ako.” Masayang bulong ko sa sarili.Paano ako nakaligtas? Si Zeke, nasaan?Bumuntung-hininga ako. Sana nakaligtas rin siya. Sana naririto din siya sa hospital. Sana kasama ko pa siya hanggang ngayon.Ilang saglit pa nang bumukas ang pintuan, iniluwa roon ang isang magandang nurse.“Good morning po, Ma'am! Kumusta po kayo? Lilinisin ko lang po saglit ang sugat ninyo ha!” Nakangiting bungad niya sa akin. Pilit ko siyang nginitian.Hindi pa rin nawawala sa isipan ko si Zeke. Sana nakaligtas rin siya.&ld
“Are you up for a date, Bri?” Napakunot ako nang noong tumitig sa kaniya. Kinindatan pa niya ako. Nagpatango-tango ako bilang sagot. “Zeke, pa'no pala tayo nakaligtas sa nangyaring ‘yon?” Nagtatakang tanong ko. Napahinto siya sa akin, nakita kong blangko ang kaniyang mukha nang magtama ang paningin namin. Sanay na ako na blangko ang ibinibigay niyang reaksyon sa akin. Natigil pa siya sa pagsisintas nang sapatos. Yes, nagsisintas na siya nang sapatos dahil nagdesisyon siyang lumabas na ng hospital dahil marami siyang dapat gawin. Hindi ko alam, basta ang alam ko'y business related ang gagawin niya. Ang sinabi naman niya sa akin ay lalabas lang ako rito kapag magaling na ako. Atsaka isa pa, ayon sa kanila'y mas ligtas ako rito dahil may mga nakapalibot na pulis at mga tauhan niya. He's strict, kung estrikto siya noon nu'ng misyon pa lang ang lahat ng ito'y mas doble ang pagiging estrikto niya ngayon lalo pa't may nangyaring
It's been three days magmula nang dalhin nila ako sa hospital, hindi naman kasi ganoon kalala ang tinamo ko. Isa pa, si Zeke lang ang nagpumilit na mag-stay muna ako rito.I was just traumatized.Natigil ako sa pag-i-impake ng mga gamit nang biglaang tumunog ang telepono kaya't kaagad ko itong kinuha mula sa lamesa.Nang makitang tumatawag si Zeke ay kaagad ko itong sinagot. Siya lang rin naman ang nakaaalam ng number ko.“Hello?” bungad ko, mula sa kabilang linya ay naririnig ko ang pag-hinga niya. “Are you ready? I'm on my way there.”Napatango ako. Estrikto pa rin siya magsalita, iyon lang siguro ang hindi nagbago sa kaniya.“Ang akala ko ba marami kang gagawin? Pwede mo naman akong ipasundo na lang sa mga tauhan mo, Zeke.” I sighed heavily.Hindi ko maiisip na siya ‘yung susundo sa akin ngayong araw, ayoko ring maistorbo siya sa mga schedule niya ngayong araw.“Wha
Marahan akong napakunot nang noo kay Zeke na ngayo'y patagilid ang titig sa akin. He's talking with Damian. Madilim at blangko pa rin ang ibinibigay niyang reaksyon sa aming dalawa ngunit sa pasimpleng pag-sulyap sa akin ay nasisiguro kong may nilalaman ang mga iyon. Napalulunok na lang ako sa t'wing nahuhuli ko ang mga titig niya. Pinipilit kong basahin ang nasa kaniyang isipan ngunit hindi ako nagtatagumpay. Magaling siya sa pagtatago ng emosyon. “Tara uminom na lang tayo, Zeke!” Nagtama ang paningin naming dalawa sa sinabi ni Damian. Panandalian siyang nagkunot nang noo nang mapatitig siya sa akin. “What's this?” Tumaas ‘yung isa sa kaniyang kilay nang makiya ang kwatro kantos na inihain ni Damian sa lamesa. “Hindi mo alam ang tawag rito?” Natatawang tanong ni Damian. “I'm not familiar with that.” Blangko pa rin ang hitsura niya. Napangiti ako nang magtama ang paningin naming dalawa ni Damian. Sumenyas ako
Napabuntong-hininga ako. Tama nga ang naiisip ko sa mga tinginan niya kanina sa akin. Mga tingin na mas gugustuhin mo na lang magpakain sa lupa kaysa makitang tinititigan ka ng masama. Kababata ko si Damian, mula bata hanggang sa pagtanda ay magkasama kami. Siguro ‘yung sinabi niya kanina ay biro lang, hindi ko nga inaasahan na seseryosohin ‘yon ni Zeke. Nakataas ang kilay niya nang muli kong ibalik ang atensyon sa kaniya. Hinihintay niya ‘yung sagot ko. “Hindi, Zeke. We're close friends.” Itinuloy ko ang pagpupunas sa kaniyang noo. Nararamdaman kong nahihimasmasan na siya. Damian is not my cousin. Inalagaan lang siya ni Manang Rosie noon. Anak siya ng kaibigan ni Manang Rosie. “I'm jealous of him.” Nanlaki ang mga mata ko. Sa isang iglap, hindi ko inaasahan na magtatama ang titig naming dalawa. Blangko ang ibinibigay niya sa aking reaksyon kahit pa sinabi na niyang nagseselos siya. Hindi ako makapag