Muli kaming sumakay sa kaniyang kotse at hindi na niya ako magawang kibuin hanggang sa makarating kami sa mansyon.
Nakikita ko pa din ang pamumula sa kaniyang mukha hanggang sa kaniyang leeg, kinakamot niya ito ng madiin.
Inalalayan ko siya patungo sa kaniyang kwarto.
Naupo ako sa gilid ng kaniyang kama, nagulat ako ng tanggalin niya ‘yung natitirang butones sa kaniyang damit.
Malaya kong nakikita ang kaniyang dibdib hanggang sa matigas niyang t'yan.
Tinakpan ko ang mga mata nang mapagtanto kong nakatitig ako sa kaniyang t'yan.
Diyos ko! Ano bang ginagawa mo Brielle!
Ayokong magkasala, patawarin po ninyo ako ama sa langit.
Pero ang ganda ng hubog ng pangangatawan niya, halatang naaalagaan niya iyon.
“Where are you going?" Malamig ang tinig niya nang sabihin iyon kaya't awtomatiko akong napahinto sa paglalakad para lingunin siya.
“Kukuha lang ako ng gamot at pampunas sa katawan mo." kasabay
“Sa kaligtasan nila, hindi normal ang mga trabaho ng magulang ni Zeke, ija." Napatango na lamang ako, wala akong mabuong salita. “Oh siya d'yan ka na ija at ako'y may gagawin pa." kasabay no'n ang pagtalikod niya sa akin. Iniwan niya akong nakatulala, pilit kong iniintindi ‘yung mga sinabi niya. Anong ibig sabihin niya sa mga iyon? “Oy bes! Bat ka ba nakatulala d'yan!" Bulyaw ni Cindy na ngayon ay nasa harapan ko na pala, napa-iling na lamang ako sa kaniya. “Kamusta pala si Sir Zeke? Balita ko sumumpong na naman ‘yung allergy niya kaya umuwi kayo kaagad?" “Ah oo, hindi ko kasi alam na mayroong problema ‘yung balat niya sa bagoong." Nanlaki ang mga mata niya, “Bagoong?! Hala! Edi nagalit ‘yon sa iyo kanina?" Ngumiti ako, “H-hindi naman. . ." saglit kong ikinunot ang noo. “Hay mabuti! Nu'ng huli kasing pinakain s'ya ng bagoong ay nagalit siya!" Huminga siya ng malalim, wala namang bago do'n dahil lagi naman siyang galit.
“Bes, Goodmorning!" Maingay na boses ni Cindy ang bumungad sa akin paglabas ko ng kwarto, malawak ang pakakangiti nito sa kaniyang labi. “Nga pala, pinapasabi ni Sir Zeke na dumeretso ka sa opisina niya matapos mong mag-almusal." Aniya, nilapitan niya ako at mahinang tinapik-tapik ang balikat ko. “Labas muna ako ha." Nagpatango-tango ako sa sinabi niya.Ako hinahanap? Bakit na naman kaya?Saglit kong tinungo ang kusina para magtimpla ng kape't kaagad na dumeretso sa opisina niya.Huminto ako sa paglalakad nang makahinto ako sa harapan ng pintuan, muli akong huminga ng malalim. Ewan ko ba! Likas na sa akin na gawin ang mga bagay na ganito.“How's your sleep, Bri?" Bungad niya sa akin matapos kong makapasok sa loob, bahagyang nanlaki ang mga mata kong naupo sa harapan ng lamesa niya. “Maayos naman. . ." bahagya akong ngumiti sa kaniya.“Anyways, tungkol sa pinag-usapan natin kagabi," Napatingin ako sa mga mata niya
Nakatulog ako ng mahimbing dahil sa labis na pagkapagod, ang daming nangyari kagabi, nagsisimula na din kasing umusad ‘yung misyon niyang naming ito.Hindi pa rin ako makamove-on sa paghalik niya sa noo ko nu'ng gabing iyon, ang pinag-usapan kasi namin ay ‘Public Affection' lang, hindi ko din alam kung ano ang rason para gawin niya iyon, napapansin ko nga ding hindi na siya katulad nu'ng mga nakaraang araw, ‘yung laging galit na animo'y pasan-pasan na niya ang lahat ng problema sa mundo.“Hi, I'm Levi, Sir Ezekiel's assistant." Nakipag kamay ako sa lalaking ngayon ay nakatayo sa harapan ko, may katangkaran siya kaya't bahagya akong napatingala para makita ang mukha niya, may katangusan ‘yung ilong niya, mamula-mula din ang kaniyang mukha at bukod do'n ay nakasuot ito ng tuxedo, para siyang isang escort.Pinilit ko ang sariling magbalik sa sariling wisyo, ilang beses muna akong kumurap bago makabuo ng mga salitang sasabihin, &l
“Thank you, Zeke." mga binili niya sa akin ‘yung tinutukoy ko at ‘yung espesyal na araw na ito. “No, Bri, thank you." Nararamdaman ko ‘yung mainit na hininga niya na dumadampi sa leeg ko. Nakaupo kami sa isang couch, magkalapit lang kami ng pwesto kaya nararamdaman ko ‘yung paghinga niya, nararamdaman ko din ‘yung mga titig niya sa akin kaya hindi ko siya matititigan ng diretso. May problema ba sa mukha ko? Ilang saglit pa'y tumunog ‘yung telepono niya kaya kaagad niyang ibinaba ‘yung kopitang kaniyang hawak-hawak at itinuon ang pansin sa teleponong iyon, naglakad siya papalayo sa akin, nakikita ko naman ang panggigigil ng kaniyang panga nang titigan ko siya mula sa isang sulok ng kwartong ito. Inayos ko ang sarili nang makalapit na siya sa akin, napansin kong bumalik na naman ‘yung seryoso niyang mukha, “Ipapahatid na lang kita sa guwardya, hindi kita maihahatid." Tumalikod siya sa akin na animo'y isa lamang akong bula na kahit anong oras ay pep-pwedeng mawa
“Saan ba tayo pupunta?" Hindi pa rin ako mapakali, nilakasan ko ang loob para tanungin si Zeke na ngayo'y nakatuon ang pansin sa pagmamaneho, saglit niya akong tinitigan. “You're stressed and you are missing something." bahagyang tumaas ‘yung isa sa mga kilay ko, totoo naman na nai-stress na ako sa mga pinagggagawa namin pero alam ko namang parehas lang ang nararamdaman namin, wala akong karapatang magreklamo. Pamilyar ‘yung mga dinaraanan namin, nanlalaki ang mga mata ko nang makitang muli ‘yung mga dati kong dinaraanan. “Here, alam kong nami-miss mo na ang mga kapatid mo, Bri." Napangiti ako sa kaniya, ma-awtoridad na kumilos ang katawan ko para yakapin siya, natutuwa ako sa kaniya dahil sa kabila ng mga kasungitan niya dati'y mayroon pala siyang tinatagong kabaitan. “Go see them, hindi tayo pwedeng magtagal dito." Nakita kong bahagya siyang ngumiti sa akin, “Hindi ka ba sasama sa akin sa loob? Kilala ka naman na ‘di ba?" “Kila
“Bes, kanina ka pa nakatulala. Okay ka lang ba?" Ang pamilyar na boses ay nanggagaling kay Cindy. Nagpakawala ako nang mabigat na paghinga matapos siyang lingunin. Marahan akong ngumiti, ”Oo naman, maayos ako.” kasabay no'n ang pagkindat ko sa kaniya. Hindi pa rin ako mapakali sa kaiisip tungkol roon sa sinabi ni Zeke sa akin kahapon. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil anlaki na nang ipinagbago niya o dapat bang sumakay na lang ako sa gusto niyang mangyari. Baka isa lang ‘yon sa bagong plano niya. “Oh kung gano'n, mauna na muna ako ha. Hindi ka ba talaga sasama sa hasyenda?” Ngumiti ako matapos ay marahang nagpa-iling-iling. “Hindi, may gagawin pa ako.” Nagpatango-tango muna siya bago tumalikod sa akin. Pinagmasdan ko siyang makalayo sa kinaroroonan ko. “Tama, baka isa lang ito sa mga plano niya.” Mahinang bulong ko sa sarili, lumagok ako ng isang basong tubig matapos no'n. Isang plano na dapat kong sakyan.&
“How's your relationship with my dearest son?” Bahagya akong napahinto sa kinakain kong pasta. Mariin akong napalunok, napako ang paningin ko sa mapang-husga niyang mga mata. “Maayos naman po. In fact, we're planning to marry each other." Napangiti ako. Nakita ko namang ngumiti si Zeke sa akin nang magtama ang paningin naminh dalawa. “Well, I hope that plan goes well.” Marahan akong napatango. Elizabeth ang pangalan nang babaeng nasa harapan ko ngayon. Halatang mataas ang estado sa buhay at maganda ang pinag-aralan. Ngayon pa lang ay kinakabahan na ako. Mukha siyang masungit. Hindi pa naman ako magaling mangilatis ng isang tao. “Oh, there she is!” Napatingin ako kung saan siya nakatingin. Iniluwa nang pintuan ang isang magandang babae, katulad ko'y isang magarang bestida din ang suot-suot niya. Isang mestisang babae ang lumapit kay Mrs. Elizabeth. Sa batian at yakapan nila'y halatang magka-cl
“Hindi ka pwedeng sumuko nang gano'n-gano'n na lang, Brielle. Marami pa tayong dapat gawin, isandamakmak pa na problema ang darating sa misyong ito. Naiintindihan mo ba?" Ma-awtoridad na aniya. Tumaas ang tono ng kaniyang pananalita na para bang isa lamang ako sa mga tauhan niyang maaari niyang utos-utusan at sigaw-sigawan kahit kailan niya gusto. Teka nga, gano'n ba ang tingin niya sa akin? Isang tauhan na hindi pinapahalagahan? Isang tauhan na susundin ang lahat ng gusto niya? “Pero, Zeke. Naguguluhan na ako sa mga nangyayari. Ibig kong sabihin, hindi mo ba napapansin ang trato sa akin ng nanay mo?" “She's not my mother." Nahinto ako sa sinabi niya. Anong ibig sabihin niya? Ang sabi ni Mrs. Elizabeth kanina'y anak niya raw siya? Teka, ang gulo! “A-ano?" “She adopted me when I was a kid. They gave me everything but, that everything is not enough. Tinanggalan nila ako ng karapatan sa maraming bagay.