Hindi ako makapaniwalang nakikita ko siya ngayon sa harap ko. Parang gusto kong sampalin ng sarili ko para malaman kung totoo ba 'to o hindi.
Baka kasi ibang tao 'tong nasa harap ko ngayon at namamalik mata lang ako.
Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa.
Pinagmasdan ko ng maigi ang napaka gwapo niyang mukha na kanina pa nakangiti habang nakatitig sakin dahil sa tuwa."Ikaw ba talaga 'yan?" hindi makapaniwalang tanong ko habang tinitingnan siya. "Totoo ba 'to?" dagdag ko pa.
Tumango siya, "ako nga." Tapos hinuka niya 'yong mga braso niya at niyakap ako ng sobrang higpit. "Na miss kita, sobra!"
Hindi ako nakapag salita.
Hanggang ngayon kasi hindi pa rin ako makapaniwalang nandito siya.
Kahit yakap yakap na niya ako pakiramdam ko parang hindi ito totoo at parang nananaginip lang ako.
Sobrang ng higpit ng yakap niya sakin na parang wala ng bukas.
Maya maya pa ay bumitaw siya sa pag yakap niya sakin.
"Hin
Katulad ko, gulat din na napatitig sakin si Kevin."Uy?" hindi makapaniwalang sabi niya at tinuro ako. "Teka, coincidence lang ba 'to?" sabi pa niya.Napatingin ako sa malaking shoulder bag niya. Sa laki ng bag niyang 'yon ay masasabi kong para siyang nag layas at mga damit niya ang laman no'n.Hindi lang ako sure kung tama nga ba ang hula ko.Magsasara na sana muli 'yong elevator buti na lang ay pinigilan niya ito."Hindi ka ba sasabay?" Tanong pa niya.Wala akong sinabi. Tumango lang ako at pumasok sa loob.Pagkatapos no'n, parang ang awkward na.Tahimik kami pareho sa loob ng elevator.Alam kong nakatingin siya sakin dahil nakikita ko sa peripheral view ko. Wala akong balak kausapin siya at ayoko namang makipag feeling close sakanya.Kaso lang nagsalita na siya at kailangan kong sagutin ang tanong niya.
Tumakbo palabas si Carla at hindi ko alam kung sa'n siya pumunta.Pati 'yong Mama niya hindi alam kung ano ang nangyayare ngayon kung bakit tumakbo na lang si Carla ng gano'n gano'n.Nagulat nga siya no'ng sinabi kong kaibigan ko ang anak nila.At laking gulat ng mga magulang niya no'ng malaman nila ang ginagawa ni Carla sa school.Hindi ko rin sinasadyang sabihin sakanila na nagpapanggap si Carla na mayaman sa school. Hindi ko kasi alam na wala silang alam tungkol do'n.Ang totoo kasi niyan, tito pala ni Carla ang nag papa aral sakanya. Doctor kasi 'yong tito niya kaya na babayaran 'yong tuition niya at hindi siya nabibilang sa mga scholars kagaya ko.Do'n din siya nakikituloy sa bahay ng tito niya na sinasabi niyang bahay nila 'yon sa tuwing pumupunta kami do'n dati. Hindi ko naman napansin na hindi sakanila 'yon. Isa pa, wala do'n 'yong tito niya lagi sa bahay na 'yon sa tuwing pumupunta kami. Lagi kasing nasa duty. At ang sinasabi naman ni C
Hindi ako makapaniwala!Tinitigan ko ng mabuti 'yong picture kung ako ba talaga 'to o baka naman kalook alike lang, pero tama si Kevin.Ako nga 'to.Naka suot ako ng kulay puting dress din dito tapos naka suot ako ng bucket hat na kulay puti dito at may hawak pa akong Blue Hawaii drink na binili sakin ng driver namin.Tanda ko pa 'to.Naka stolen ako rito at talagang hindi ko alam na nag p-picture pala si Kevin at that time."Ngayon, naniniwala ka na ba?" tanong niya.Napatingin ako sakanya, "Kevin, kung ako nga 'yong sinasabi mong first love mo din, ibig sabihin parehas kayo ni Wesley?" tumango siya. "Pero ang dahilan ng away niyo ay dahil pinili akong hanapin ni Wesley—""Gusto din naman kitang hanapin, naunahan lang niya ako.""Hindi gano'n 'yong punto ko.""Hindi ba?" umiling ako. "Eh ano ba 'yon?""Alam ba ni Wesley na gusto mo rin ako?""Oo. Sinabi ko sakanya. Magkaibigan kami eh, kaya ti
Napatingin ako sa relo ko, 9:15 na ng gabi pero hindi pa rin siya lumalabas sa unit niya.Ang totoo kasi niyan, balak ko siyang sundan ngayon. Alam ko kasi na aalis siya papuntang club ngayong gabi. I'm sure makikita ko do'n 'yong girl na kasama niya kanina.Kung 'yon ay pumupunta rin ang girl na 'yon sa club kasama niya.Curious lang talaga ako sa kung sino man 'yong babaeng 'yon.Kanina pa ako naka silip sa labas pero hindi pa rin siya lumalabas sa unit niya.Kaya ako na 'yong lumabas ng unit ko at do'n nag abang sa labas ng apartment building kung saan may malaking puno do'n sa gilid at do'n ako nagtatago.Naka suot ako ng shade at black cap para hindi niya agad ako makilala kung sakaling makita niya ako mamaya do'n sa club.Kung stalker ko sila ni Kevin dati, ngayon ako naman ang stalker niya."Anong ginagawa mo d'yan?""Anak ng—" napalingon ako sa likuran ko.Nagulat ako no'ng makita sina Kevin at W
Halos madurog ang puso ko nang marinig ko 'yon sakanya mismo.Ang sakit... Ang sakit sakit na marinig na hindi ako ang gusto niyang makita rito.The way kung papano niya sabihin ang salitang 'yon ay parang tinutusok ng karayom ang puso ko.Kung hindi ako, sino? Sino at para kanino ang text message na 'yon?!Para na akong maiiyak sa harap niya ngunit pinipigilan ko ang sarili ko na umiyak. Ayokong mapahiya sa harap niya ngayon. At ayoko rin na makahalata siya tungkol sa nararamdaman ko para sakanya.I look at him in the eye and i smiled.Pinilit kong ngumiti kahit ang sakit sakit na."Gano'n ba," sabi ko.Nahiya ako sa sarili ko dahil sa inasta ko. Nag assume ako na para sakin talaga 'yon. Sinabi ko pa naman kay Kevin ang tungkol sa text. Hindi ko alam kung papano ko sasabihin sakanya na hindi pala para sakin 'yon at na wrong send lang si Wesley."Sorry, Hindi ko na check matapos kong i-send. Hindi ko tuloy na bawi
Hanggang sa pag uwi ko hindi pa rin maalis sa isip ko si Kaye.Gusto kong sabihin sakanya na tinu-two time siya ni Prince kaso lang hindi pa ako sigurado at hindi ko pa alam ang buong kuwento.Pero kung totoo man talaga 'yon, naawa ako sa kaibigan ko.Gusto kong kausapin si Prince at tanungin sakanya kung bakit niya ginawa 'yon kay Kaye. Mabait na tao si Kaye at kahit kailan wala siyang naka away na kahit sino. 'Yon ang pagkakakilala ko sakanya.Hindi ko alam kung ano pa ba ang kulang sakanya at nagawang mang two time nitong si Prince. Ano kaya ang sumapi sa isang 'yon?Sinabi pa niya sakin no'ng nakaraan na nag cheat daw sakanya si Kaye kaya sila nag break. Baliw talaga ang lalakeng 'yon.Buti na lang napigilan ko 'yong bibig ko kanina at hindi ko siya binalikan sa loob para tanungin ng harap harapan.Gusto kong tulungan at mapalayo si Kaye sa taong 'yon.Muli akong lumabas sa unit ko at tinawagan si Kaye kaso lang hindi siya ma c
Aaminin ko na ba sakanya na gusto ko siya? Na totoong siya ang dahilan kung bakit kami nag break ni Zaiden?Chance mo na 'to para magtapat ng nararamdaman mo sakanya, Callie.Wag ka ng mag pa ligoy ligoy pa dahil ito na ang tamang pagkakataon.Hindi mo ba naisip na ang romantic ng ganitong klaseng eksena? Para kang nasa drama. I'm sure maging successful itong confession mo sa taong gusto mo na nasa harap mo na ngayon.Seryoso akong napatitig sa mga mata niya. Naglabas ako ng isang malalim na buntong hininga and i smiled at him."Ang totoo niyan... Tama— ay!"Biglang bumukas 'yong elevator at dahil sa gulat ay naitulak ko si Wesley papalayo sakin.Napatingin ako sa mga taong bumukas ng elevator at nandon si Kevin kasama nila.Lumapit siya samin at halatang nakita nila 'yong kung papano ko itulak si Wesley.Naks! I'm sure iba inisip nila.Badtrip naman. Bakit ba kasi ang malas malas ko?"Bakit hindi man lan
Umakyat ako sa rooftop dahil nakakaramdam ako ng sobrang init kahit na sobrang lamig naman ngayong gabi. Hindi naman ako uminom do'n sa club pero bakit ganito? Bakit namamawis ako ngayon?At hanggang ngayon iniisip ko pa rin 'yong mga sinabi niya sa lalake kanina.Totoo kaya 'yon na gusto niya ako hanggang ngayon?Kasi kung oo, masaya ako dahil pareho na kami ng nararamdaman.Hindi na unfair 'yon para sakin.Sana pala no'ng hinatid niya ako pa uwi kanina ay tinanong ko siya kung totoo 'yong sinabi niya.Kaso lang, hindi na niya ako kinausap no'n kaya hindi ko na nagawang mag tanong.Bumukas 'yong pinto ng rooftop. Magtatago pa sana ako kasi akala ko siya 'yon pero no'ng makita kong si Kevin lang 'yon ay napa buntong hininga ako.Nagulat si Kevin no'ng makita ako rito kaya naman napatanong siya."Bakit gising ka pa, anong oras na kaya.