CHAPTER 29.2
OH God, what have they done?
Pagkatapos nilang maghalikan ni Gian, naging awkward ang lahat sa pagitan nila. Pareho silang nagugulat sa presensya ng isa't isa. Hindi mapakali sa tuwing nagkakatinginan o masasagi ang isa't isa. Hindi pa nakatulong na mukhang may balak na mag-celebrate ang mga magulang niya para i-welcome si Gian sa pamilya! Samantalang… hindi naman sila!
Ngunit sa kabila ng lahat, nairaos naman nila ang lahat. Nalunok niya rin ang pride para kuhanan ng litrato si Gian.
"Pasensya ka na sa komosyon," paghingi ng paumanhin ni Lyle habang inihahatid si Gian sa labas ng bahay nila, tungo sa sarili nitong kotse.
Naglakas loob siya kahit na tumatanggi ang binata kanina. Pero frick, hindi dapat iyong pamilya niya ang ikakahingi niya ng paumanhin. Iyong halikan kamo dapat nila!
Matapos sumigaw ng ganoon ng kapatid niya, hindi na sila nakaakto ng m
CHAPTER 30 WALANG araw na hindi naisip ni Gian ang ginawang paghalik kay Lyle. Pero nagsisisi ba siya? Syempre, hindi. Natatakot, oo. Baka sa susunod kasing makita niya si Lyle, baka mangatog talaga ang tuhod niya't matumba siya. Hindi pa nakatulong na mabilis lumipas ang weekends. Pipikit ka lang sandali, Lunes na naman. Pupwede rin naman siyang lumiban ngayon sa trabaho pero ayaw niyang iwan ang negosyo. Ayaw niyang pa-distract kahit mahirap. Hindi naman niya makausap si Zamiel dahil may problema pa rin sila ni Ridge. Kaya ang kinausap niya, ang kakambal nito. Ang sabi naman sa kanya ni Zachariel, umamin na siya lalo na't itatanong at itatanong daw ni Lyle kung bakit niya ito hinalikan. Bakit nga ba kasi niya hinalikan? Noong Sabado, nalunod si Gian sa tuwa na suotin ang mga damit na ginawa sa kanya ni Lyle. May kung ano rin na bumulong sa kanya na halikan ito noong magkalapit ang mga mukha nila. Nag
EPILOGUE 16 years ago… "H-HUH?! I-interviewhin ko po iyong mga members ng basketball team? Bakit po ako?!" Nagugulantang na tanong ni Gian sa adviser ng broadcasting. Natigilan siya nang mapansin ang pagtigil din ng adviser nila. Hindi maintindihan ang pagkagulat na nadama niya. Kinukumpirma lang naman niya ang unang assignment para sa darating na Intrams. Hindi sinasadyang magtunog galit o ano. Mukha lang. Halos dumulas sa ilong niya ang makapal na salamin nang malaman ang designated task niya sa intrams. Nakakagulat lang talaga na sa lahat ng assignment, doon pa talaga siya sa pinaka mahirap na gawin na-assign! Gian isn't an extrovert and he is struggling with human interactions, so he knows that there is a huge probability that he may fail this assignment. As much as he does not want to, he expects himself to mess up if he does this task... and he does not want to fail.
PROLOGUEGRADE NINE lamang noon si Lyle nang una niyang maranasan ang laitin at pagkatuwaan dahil sa pagiging iba niya sa karamihan ng kalalakihan. Ito ang unang beses na pakiramdam niya, inabandona siya ng Diyos at biglang itinapon sa kung saan. Inilugmok sa kalungkutan at kailangang mamuhay sa bangungot.“Bakla! Bakla! Bakla!” Ito ang madalas na gamiting panlait sa kanya ng mga kaklase niyang lalaki. Madalas siyang palibutan ng mga ito, itulak-tulak na para bang isa siyang laruan, walang pakialam kung nasasaktan ba siya o hindi.Nakapinta sa itsura ng mga ito ang pagkadisgusto. Ang mga ngiting naglalaro sa labi nila, madilim at hindi kaaya-aya. Katunayan, matapos siyang hawakan e halos maghugas pa ng mga kamay kaya bumabawi sa lakas ng panunulak sa kanya. Sa kabila noon, mukhang aliw na aliw silang kastiguhin siya.Kung magiging totoo lang siya sa sarili, aaminin niyang nakakarindi ang paulit-ulit na panlalait nila sa kanya. Kung pupwede lan
Chapter 1.1ILANG taon din ang lumipas mula noong makilala ni Lyle si Ridge at matanto niya ang nararamdaman para sa binata. Hanggang ngayon, natutuwa pa rin siyang isipin na ito ang pinakaunang tumanggap sa buong pagkatao ni Lyle. Maliit na bagay para sa iba pero ang laki ng epekto noon sa kanya.Ito ang naging dahilan kung bakit hindi siya sumuko sa kabila ng mga naranasan. Kung bakit hindi na siya nanghihina sa kabila ng mga insultong natatanggap mula sa mga taong tunay na makikitid ang utak.Ito ang unang lalaking minahal ni Lyle ng buong-buo. Ang naging mundo, pag-asa, inspirasyon, at ang nagtulak sa kanya upang makamit kung sinuman siya ngayon.Hindi niya masukat ang pagmamahal para sa binata. Ngunit kasabay ng paglago ng nararamdaman niya para rito ay ang katotohanang sumasampal sa kanya—hindi ito magiging kanya kailanman.*Humugot ng malalim na hininga si Lyle bago napahilamos ng mukha at napasabunot sa sariling buhok. Napapikit siya bago
CHAPTER 1.2ILANG araw na ang lumipas mula nang mag-text si Lyle sa manager ni Ridge. Ang buong akala niya, pahiwatig iyong rejected pala ang e-mail niya at mayroon nang ibang nakakuha kay Ridge na magmodelo. Susuko na sana siya, nawawalan na ng pag-asang makikita si Ridge sa damit na idinisenyo niya…Ngunit alam ng kalawakan kung paano siya pasisiyahin! Tipong hanggang ngayon, hindi siya makapaniwala na pagbukas niya ng e-mail niya, bumungad sa kanya ang reply ng manager ni Ridge! Pakiramdam niya, para siyang nagising ngunit nananaginip pa rin. Para siyang lumulutang sa sayang hatid ng mensahe nito sa kanya.Halos kararating niya lamang noon sa opisina at balak lamang na tignan ang iilang sale invitations. Matapos iyon, pupuntahan niya ang mga kasama para sa daily routine niyang mag-check ng progress sa mga ginagawa ng mga ito.Then again, when he thought that this day would be just like the others, he noticed something!Hindi nga niya iyon inaasahan d
CHAPTER 1.3NOONG nakarating na ito sa harapan ng counter, hindi siya kaagad pinansin ng may-ari ng café at mukhang hindi rin nito napansin ang presensya niya. Lalo na at kapansin-pansing nakatuon lamang ang mga mata nito sa binatang katabi ni Lyle.“Utang ‘to, Zach! Nambuburaot ka na naman e,” natatawang anito sa katabi niyang binata, “ang lakas mong mangutang, ano! Parang wala kang sariling negosyo!”Inabot ng katabi niya ang iniaabot nitong strawberry latte, sinimsim din bago ito nagsalita. “Grabe naman! Buraot? Nagbabayad naman ako sa end of shift Nakalimutan ko lang talaga wallet ko sa opisina ko. Gian, mapanghusga!”“Laos na ‘yan. Hilig mo kayang mangutang dito.”“Hoy, ‘di naman! Slight lang.” Nag-peace sign ang kausap nito. “Inaano ka ba? Mahalaga, nagbabayad ako!”“‘Di ka naman nagbabayad, e. Binuburaot mo. Saka may restaurant ka naman pero nangungutang ka sa café ko?”“Pre, ‘di mo gets! Mas masarap kumain ‘pag 'di ikaw may-ari noong
CHAPTER 2.1MULA noong mangyari ang wirdong engkwentro niya sa café, hindi makalimutan ni Lyle kung gaano siya naaliw kay Gian. He got his name after his friend, who was apparently watching Gian stutter and act clumsy, mentioned his name. Hindi na niya nakalimutan ang pangalan nito mula noon.However, despite Gian delivering him happiness, he is not really the highlight of Lyle’s day today.Ilang linggo na rin ang lumipas. Araw na ng hinihintay nilang fashion event. Pakiramdam niya, para siyang nananaginip ng gising. Animo’y hindi makatotohanan ang mga nangyayari sa kanya. Tila inaasar lang ng tadhana pero sa tuwing kumukurap siya, matatanto niyang totoo ang lahat.“Okay ka lang ba, Lyle?”Napapitlag siya nang marinig ang isang pamilyar na boses. Nanindig ang mga balahibo niya at hindi niya maipaliwanag kung gaano kabilis ang tibok ng puso niya nang rumehistro sa kanya ang nagma-may ari ng boses na kumausap sa kanya.Dahan-dahan siyang lumingon up
CHAPTER 2.2NATIGILAN si Lyle at mabilis na nag-angat ng tingin kay Ridge. Hindi inaasahan ang tanong na maririnig mula sa mga labi nito. Iyon nga lang ay hindi ito nakatingin sa , marahil dala ng hiya. Sa halip, abala itong tapusing isuot ang susunod na damit na irarampa.Meanwhile, Lyle was at a loss of words. Anong sasabihin niya? Anong gustong marinig ni Ridge mula sa kanya? Hindi naman itatanggi ni Lyle na hindi lamang si Ridge ang lalaki sa buhay niya. Pero sa lahat ng ex niya, kahit hindi naging sila ng binata, ito talaga ang hinahanap hanap ng puso niya.“I mean, in an actual relationship, by the way,” dagdag ni Ridge na ikinagulo lalo ng isip niya.“Ah, eh...” Hindi niya alam kung ano ba ang tamang sabihin, wala naman siyang maitatanggi? “oo naman. Ba’t mo naitanong?”“Talaga? Anong pakiramdam?”Pinagpag ni Ridge ang suot bago nito ipinilig ang ulo paharap sa kanya. Nagtama ang m