"Well, you have a point, maybe I was."
Nagsimula na kaming lumakad papuntang resto. Wala pa ang mga employees dahil 7 o'clock pa naman ang call time nila.
Binuksan ko na ang main entrance ng resto at nilapag muna ang dala ko.
"You can wait here, okay? I'll get you some food to eat," tiningnan niya lang ako at tinanguan.
Pinaghintay ko muna siya sa kahit saang parte ng resto na gusto niya habang papunta ako sa kitchen area.
Nag-prepare lang ako ng spaghetti since ito lang ang mabilisang lutuin. Kumuha na rin ako ng slice ng custard cake sa fridge. Wala pa kasing ingredients kaya wala pa akong malulutong ibang pagkain.
We serve newly cooked dishes everyday. Minsan ay cook while you wait nga sa orders kung wala sa menu ang gusto ng customers, as long as available lang ang ingredients. Ganyan kami ka flexible.
"Miss, eto na..." biglang nawala ang babae. Nandito lang 'yon kanina eh, baka lumabas na. Napalinga-linga ako sa paligid upang hanapin siya.
"Hey!"
"Ay, multo!" gulat kong sigaw.
"Nanggugulat ka naman, Miss. Muntik na 'kong atakihin sa puso." Ang bilis ng pintig ng puso ko sa pambibiglang 'hey' niya. Bigla ba namang sumulpot at bumulong sa tenga ko.
"Oh, did I just startled you? My apologies. I'm just taking a look at this place and it's indeed beautiful. Do you own this?"
Iginaya niya ang kaniyang paningin sa paligid.
Tumango ako. "Thank you for appreciating and yes. I really made this place beautiful because I just don't want to fill in our guests with good food, but also with good ambiance."
Ilang buwan din ang iginugol sa pag-come up ng design at structures nito. Masinsinan talaga, kahit pa baguhan pa lang ako sa ganito. Good thing dahil may iilan na ring nagbibigay ng compliments sa ambiance ng resto.
Kunot-noo niyang tiningnan ang pagkain sa table. "Are you giving this for free? I don't have any here," sabay taas nang bahagya sa mga palad niya.
"Ah, just don't mind. Just eat that," nakangiti kong saad.
"Thank you."
Pinanood ko lang siya bago niya subukang kumain.
"Jusko po, anong—" napatakip na lang ako ng bibig. Grabe 'to. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Totoo ba 'to? Ilang beses n'yang inabot ang tinidor pero tumatagos ito sa kamay niya.
"What is happening? Why I can't even grab it?" naguguluhang tanong niya.
Bigla na lang siyang tumayo mula sa pagkakaupo at tiningnan ang nahulog na kubyertos. Lumapit ako sa kaniya at na nginginig na kinuha ang tinidor.
Nahawakan ko naman ito. Saka binalik ko ito ulit sa mesa at sinubukan n'ya namang kuhanin, pero niya talaga madampot.
Sunod-sunod ang pagkakawala ko ng buntong hininga at maging siya rin.
"Unbelievable," napasapo ako sa bibig ko.
"Okay, do you remember anything? How about your name?" sunod-sunod kong tanong sa kaniya na nagpabasag sa kanina pang katahimikan.
Halos ilang minuto rin kaming walang imik, siguro nagulat pa sa nangyari kanina.
"No, I don't have any idea who I am and where I came from," sabi niya at napa-iling. Halatang dismayado siya sa kaniyang sariling sagot dahil naka-pout pa siya.
"I'll help you know your identity, okay? I'll help you, stop crying." Kanina pa kasi siya humihikbing parang bata rito habang may ilan akong itinatanong sa kaniya.
"I just can't help to shed tears for myself. Why is this happening to me? Why I can't be seen by others except you?" humahagulgol niyang sagot.
Kaya ang ginawa ko, hinaplos ko ang likod niya kahit tumatagos man ito. Kahit na rin kinikilabutan ako sa pinaggagawa ko at naninindig na ang mga balahibo.
Bigla namang bumukas ang main entrance door at pumasok si Chief Joemar. Napaayos agad kaming dalawa ng babae.
"Good morning, Sir. Ang aga niyo ata ngayon. Ah, dito kana magb-breakfast, Sir?" Tiningnan niya ang spaghetti at cake sa table na para sana sa babae.
"Good morning din, Chief. Oo, dito ako kakain," pagsisinungaling ko. Buti hindi ako nautal.
"Kayo po? Sabayan mo na 'ko rito," pag-aaya ko sa kaniya.
"Ay nako, Sir. Salamat na lang po. Tapos na kasi ako kanina kumain sa malapit na karenderya sa 'min," pagtanggi niya.
"Ah, gano'n po ba? Sa lunch nalang po, sabay naman kayo ng iba mong mga kasamahan dito 'di ba?"
Free meals kasi lahat ng employees ko dito araw-araw kaya no problem sa kanila ang pagkain. Hindi ko kasi kayang maatim na habang sila nagpapakahirap sa pagkilos, kumakalam ang kanilang mga sikmura. Naranasan ko na kasi 'yon no'ng namamasukan pa ako bilang staff. Walang trabahong madali kaya dapat pahalagahan din ang sariling kapakanan para makagawa ng maayos ang mga tungkulin.
Tumango naman siya, "Opo, Sir. Napakabait n'yo po talaga. Salamat."
"Walang anuman. Sukli ko lang 'yon sa serbisyo niyo. Sa opisina muna ako," pagpapaalam ko.
Tiningnan ko 'yong babae na parang nakikinig sa usapan namin pero halatang walang naintindihan. Binitbit ko na lang ang tray na may lamang pagkain sa opisina ko.
"Miss, you can follow me inside so we can think of something we can do about your situation," pabulong kong sabi sa kanya kaya sumunod naman siya sa 'kin.
Pumwesto na ako sa working table ko at siya naman, nakatayo lang habang nakaharap sa 'kin.
"So, I'm the only one who can see you as of now, right? But when I'll just casually talk to you, others might think that I'm crazy. I mean it's like I'm talking to myself," pagpapaliwanag ko sa kaniya while she's just staring at me.
May something ba sa mukha ko?
"Let's be careful on working with this, I'll talk to you as if I'm talking to someone on phone," mungkahi ko.
"Okay, if that's what you want," tipid naman niyang tugon.
Natahimik na naman kami. Bakit ba kasi napadpad siya sa lugar na 'to at ako lang daw ang nakakakita sa kaniya. Alam kong imposible pero posible talaga eh. Ni hindi nga napatingin sa gawi niya si chief Joemar kanina.
"Wait, can you decide for your name for the meantime? So, I can call you by it. It's too awkward calling you Miss most of the time."
Masyado naman kasing pormal kung palaging Miss ang tawag ko sa kaniya. Nasanay lang akong maging casual sa mga nakapaligid sa 'kin.
"You do. Please give me a name you can call me," biglang sabi niya. Ano ka mo? Ako? I'm not good at it.
"Are you sure of the idea that I'll be the one deciding for your name?" napataas ang isang kilay ko habang kinukumpirma ang sabi niya.
Ako talaga magpapangalan sa kaniya? Nag-suggest lang naman ako eh, 'di ko naman sinabing ako ang gagawa.
"Yes, please," blangkong sabi niya.
Mukhang wala nang atrasan 'to, ako na talaga gagawa eh. Ano bang bagay sa kanya?
'Di kaya, Beauty? Ang ganda kasi niya. Iba na lang siguro.
Hmm, Angel? Kasi para siyang anghel. Baka isa pala siyang anghel o guardian angel na ipinadala sa 'kin. Sana naman dadagdag 'to sa swerte namin.
Ang hirap pa lang mamili ng ipapangalan. Parang naalala ko sa kaniya si Angelina Jolie.
"Angelie, is it okay with you? I'll call you Angelie. Well if not, I can—"
"It's common, but still a nice name," she nodded. "Angelie," pag-uulit niya. Nakangiti na siya ngayon. Nasisiyahan ba siya na pinangalanan ko siya?
"Hi, I'm Angelie. And you are?" Inilahad niya ang kamay na parang makikipag-shake hand, hinihintay ang response ko.
"I'm Matteo Salvador. Nice to meet such an angel like you, Angelie."
"Sir," katok ng staff sa opisina ko. "Come in," tipid kong sagot habang patuloy sa pagb-browse sa laptop ko. "Good morning, Sir. These listed will be your schedule for today." Si Rose pala. "Okay, thank you, Rose," sabi ko nang hindi inililihis ang atensyon sa laptop. "Ah, Sir. Bumisita po pala 'yong mother at mga kapatid mo kahapon. Hinahanap ka po at pinabibigay 'to," iniabot niya sa'kin ang isang maliit na paper bag. "Ang bait po talaga ni Ma'am Sandra, binigyan din niya po kaming lahat ng tig-iisang calamay na nasa isang coconut shell," nakangiting sabi ni Rose. Napadaan pala sila Mama rito. Sayang naman at hindi kami nagpang-abot. "Ah sige, Sir. Labas na 'ko. Tuloy lang po kayo sa ginagawa n'yo," pagpapaalam niya. "Salamat, Rose." "You're welcome po, Sir."
Dahil sa naging busy ako those past few day, ngayon ko sisimulang tulungan siya. Si lost Angelie. Nag-search ako ng kung ano-ano sa internet. May same cases kay Angelie pero nakakaalala pa naman sila sa past nila. Alam nila kung ano ang cause of death nila, may ibang cases ng mga spirits na bumabalik ay lost souls na may mga unfinished business. Some were victims naman who wants justice. May vengeful spirits din na gustong makaganti bago matahimik. Ewan, parang gawa-gawa lang 'yong ibang nababasa ko. Ano kaya si Angelie do'n? Mahihirapan akong alamin kung bakit siya nandito dahil wala akong alam tungkol sa kanya, maski siya walang alam sa sarili niya. Kumuha ako ng notepad at nagsulat ng Ways to help Angelie know herself as header. This will all be a secret, no one must ever know. No one, this will just between Matteo and Angelie. Puno ko sa isinulat kong note bago simulan ang list. I know th
Ngayon ang first day namin ng deal. She wanted it as soon as possible. Siguro nahihirapan na siyang kilalanin ang dating sarili niya. "What will we do first?" tanong niya sa 'kin habang nagtatali sa sintas ng sapatos ko. "I think we should start to know what you like and not," suggestion ko. Sa ganoong paraan naman kasi mas mapapadaling umusad sa isang desisyon. Kung gusto mo ba o hindi ang isang bagay o gawain. "Okay, these last few days since I'm with you, I love seeing colorful. Something lively. Every thing like on your restaurant," agad naman na sagot niya. Hindi ko alam ang dapat magiging reaksyon ko. Pero I will take that as a compliment sa efforts ko. "Rea
Natapos na akong kumain kaya naglakad-lakad ulit kami. Nakadaan kami ng arcade kaso pagkalagpas na namin, nilingon niya ito ulit. May gusto na naman ba siyang gawin? "Do you want to go there and have some fun?" tanong ko sabay turo sa palaruan. "Really?" excited niyang sagot. "Let's go!" Nauna na siyang pumasok at ako naman ay nagpapalit muna ng tokens. Parang bumalik ulit ang excitement ko no'ng una akong nakapunta sa lugar na kagaya nito. College na ako no'n pero hindi ko napigilang laruin lahat ng kaya kong malaro sa arcade. Gumagala sa mga gan'to sa tuwing matatanggap ko na ang sahod ko sa pagpa-part-time. "Can we play that one?" turo niya sa basketball shooting. Naghulog agad ako ng token at gumulong ang mga bola palapit sa amin, nag-start na ring umandar ang timer. Kukuha na sana siya ng bola nang tumagos ito mula sa k
Sabado ng gabi na ngayon. Time flies too fast. Kagagaling ko lang sa nakakapagod na sanitary inspection sa restaurant. Pagkadating ko ng condo, isang luggage at backpack ang sumalubong sa 'kin. Oo nga pala!"Ngayon na pala 'yong flight mo, Pre?" salubong kong tanong kay Gerome, bago umupo sa couch."Oo, nakalimutan mo ba? 'Wag kana mag-drama r'yan. Soon, magkikita pa naman tayo ulit," sabi niya at niyakap ko siya. Parang nakababatang kapatid ko na rin 'to. Siya ang pinaka-close kong pinsan dahil halos kasabay ko na rin siyang lumaki. Ma-mi-miss ko ang mokong na ito."Ihahatid na kita sa airport, baka ma-late ka pa kung magko-commute ka," alok ko sa kaniya. Para na rin makakuwentuhan ko pa siya sa biyahe."Uy gusto ko 'yan, pare! Makakatipid ako ng pamasahe," masiglang sabi niya."Siraulo ka talaga, pero pagbibigyan kita sa ngayon. Humanda ka na lang sa susunod nating pagkikita. B
Kumulo na ang isinalang kong sinigang, ibig sabihin, luto na ito.Kumuha ako ng mangkok at nagsandok ng ilang hipon at sabaw para sa aming dalawa ni Clarice.Pinuntahan ko siya sa sala ngunit parang may kausap siya sa phone."Hindi ko pa nga nagagawa, give me some time. Tinitiis ko lang naman dito ang mga ginagawa ko ah!" Parang may kaaway siya. Nakasigaw kasi."Oo, nasa condo niya, kani-kanina lang. Uuwi na rin naman ako pagkatapos nito. Oo sige, kita na lang tayo mamaya. Bye, mwa." Ako ba pinag-uusapan nila?Bumalik na lang ako sa kusina na parang walang narinig sa pakikipag-usap niya. Baka kaibigan lang niya 'yon. Mag-isa lang kasi siya rito sa Maynila at walang kapatid, kaya sarili na lang ang inaasikaso niya. Mabuti naman at may nagiging kaibigan na siya dahil sa dalang na rin naming mag-usap. I really need to catch up with her."Ah, babe tapos kana ba r
"Okay, sa common greetings muna tayo magsimula. First word is kumusta. Ku-mus-ta," pinaulit ko sa kaniya."Ku-mut-sa?" naguguluhang sambit niya. Natawa na lang ako ng kaunti ngunit hindi iyon ipinahalata. Baka akalain niyang pinagti-trip-an ko siya."No, follow me," utos ko."Ku.""Ku.""-mus.""-mus.""-ta.""-ta.""All together, kumusta.""Kumusta?" nakuha niya rin."Good! It is a common greeting, pertaining to how are you?" pag-e-explain ko."Oh, another please aside from kumusta. How about... thank you and please?" request niya.'Di ko akalain na hindi pala gano'n kadaling magturo ng salita sa iba. Mabuti naman at napagpapasensiyahan ng mga magulang ang kanilang mga anak sa pagtuturo, gayundin ang mga guro. "Patience is the ke
Bandang 1:45 na ng hapon nang napansin ko ang text messages ni Clarice na kaninang umaga pa niya pala ini-send at may ilang missed calls pa."Happy birthday, Babe. Dadaan ako sa condo mo mamaya. I have something for you.""Nandito na 'ko, nakalimutan mong e off ang TV mo.""Busy ka ba talaga? Ayaw mo kasing sumagot o baka naka silent mode na naman phone mo?""Nagdala ako ng strawberry cake, nilagay ko na lang sa ref. Sana magustuhan mo dahil favorite ko 'yon."Parang bigla akong na-offend sa last message niya. Hindi niya pa rin pala alam na ayaw ko sa kahit anong strawberry flavored foods dahil allergic ako ro'n.Last birthday ko, nag-celebrate kami together at nagdala rin siya ng strawberry cake. Kaya ayon, pagkauwi ko nangangati ang katawan ko dahil into contact ako sa strawberries. Hindi ko pala sinabi sa kaniya 'yon dahil akala ko 'di na niya gagawin. Per