Share

CHAPTER TWENTY ONE

Parang saglit na nabingi si Hendell sa narinig. Hindi niya alam kung anong sasabihin, o kahit na gagawin sa balita ni Marcio. 

Babalik si Harken? 

Bakit? At para ano pa? 

Itinikom niya ng maiigi ang kaniyang labi. Wala siyang maapuhap na sagot sa kaniyang sariling katanungan. 

"Okay ka lang Henny?" tanong ni Tres, nag-aalala.

Hindi siya makasagot. Ang tanging alam lang niya ay may mga maliliit na kirot sa puso niya. Parang bubog, parang tinutusok ng karayom, parang unti-unting hinihiwa ng patalim. Paunti-unti ang sakit. 

Rinig niya ang padabog na pagtayo ni Marcio mula sa pagkakakupo. Hindi niya mabasa ang reaksyon nito. "Are you still hurting, H? Akala ko ba kinamumuhian mo siya?"

Huminga siya ng malalim, biglang bumigat ang pakiramdam niya. "I hate him. Totoo 'yon. I hate him for hurting me and ruining my dreams for us. I hate him for leaving me behind."

"Iyon naman
Nessui

Flashbacks next chapter! Thank you sa mga nagbabasa!

| Like
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status