Share

Chapter 43

Kung maaari lang pumili ng pamilya ay pipiliin ko ang mga taong kasama ko ngayon.

Naging matagumpay ang ginawa namin na surpresa para kay Manang Delia. Doon ay nakilala ko ang dalawa niyang anak at apo. Malaki ang pasasalamat nila sa pag-aaruga namin sa kanilang ina kahit na ang totoo ay kami ang inaalagaan ni Manang Delia.

“Nag-enjoy ka ba?” tanong sa akin ni Zid habang nasa byahe kami pauwi.

Masaya akong tumango sa kan’ya.

Marahan niyang hinalikan ang kamay kong hawak niya. Binawi ko din iyon kaagad dahil nagmamaneho siya. Dalawang oras pa ang ibabyahe namin kaya sinusubukan kong huwag matulog. Kawawa naman kasi si Zid.

“Come’on love, matulog ka na.” Simula pag-alis namin sa resort ay iyon na ang bukambibig niya.

Dinapuan tuloy ako ng antok dahil sa paulit-ulit niyang pagbanggit nito.

Nagising na lamang ako nang maramdaman ko na parang hindi na umaandar ang kotseng sinasakyan namin. Pagmulat ko ng mata ay hinanap ko kaagad si

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status