Nang makarating ako sa mansion. Agad kong binitbit ang gown ko at bumaba sa taxi.
Umiiyak lamang akong tumakbo papasok ng gate. Hindi ko na nagawang lingunin pa ang driver ng taxi.Muntik pa akong madulas at matapilok. Napahaplos ako sa aking mukha. Nanunubig lamang ang mga mata ko. Ayaw magpaawat ng bawat luhang tumatakas sa aking mga mata.Napaupo ako sa sofa at napahagulgol sa pag-iyak. Sumisikip ang paghinga ko dahil sa sakit na nararamdaman ko.Bakit sa akin pa nangyayari ito? Bakit sa akin pa? Kay tagal kong hinintay ang mga sandaling ito! Ang oras ng kasal namin ni Lucas. Ang lalaking pinakamamahal ko.Hindi ko siya kayang lukuhin. Hindi ko kayang nakawin ang yaman ng kompanya. Hindi ko kayang gawin iyon.Napamasid ako sa hitsura ko. Nasayang lang ang effort ko. Nasayang lang ang lahat na pinaghirapan ko. Nasayang lang ang lahat lahat na pinaghirapan namin ni Lucas.Kay tagal kong pinaghandaan ang wedding namin ni Lucas. Sobrang saya ko ang maikasal kami sa isa't isa. Pero bakit ganito? Bakit ganito ang nangyari sa pinaghirapan ko?Marami tuloy katanungan ang pumapasok sa isipan ko. Para akong mabaliw. Hindi ko alam ang gagawin ko.Si Lucas ang lalaking pinakamamahal ko. Siya ang lalaking mahal ko. Hindi ko siya kayang mawala. Hindi siya pwedeng mawala sa buhay ko.Napatayo at napahagulgol sa pag-iyak. Napakusot ako sa aking mga mata. Hindi ko mawari na makita ko ang sarili sa ganitong sitwasyon. Luhaan sa isang bagay na pingangarap ko.Binitbit ko ang gown ko at pumasok ako sa loob ng kwarto ko. Humahagulgol lamang ako sa pag-iyak.Agad kong isinubsob ang sarili ko sa higaan ko. Doon na ako napahagulgol sa pag-iyak. Gusto kong ilabas ang lahat na sakit na nararamdaman ko.Umaapaw ang lungkot sa puso ko. Para akong baliw sa kakaiyak ko. Parang pinipiga ang puso ko sa sakit.Alam kong nasasaktan ngayon si Lucas. Alam kong labis siyang nababalisa ngayon. Alam kong hindi siya makapaniwala.Alam kong mahal ako ni Lucas. Alam kong hindi niya ako kayang iwan. Alam kong nabigla lang siya dahil sa nangyari. Alam kong masakit sa kaniya ang lahat.Napabangon ako at napaupo. Kinusot ko ang aking mga mata. Nanunubig lamang ang mga ito.Napahawak ako sa gown ko at napatayo. Nakita ko ang phone ko sa ibabaw ng table ko. Kinuha ko ito at tinawagan ko si Lucas.Gusto kong kausapin siya. Gusto kong linawin ang lahat sa kaniya. Gusto kong sabihin sa kaniya na hindi ko ninakaw ang yaman ng kompanya.Nakailang tawag na ako pero hindi ni Lucas sinasagot ang phone niya. Hindi niya sinasagot ang tawag ko. Bakit ayaw niya akong kausapin?Lucas! Mahal ko! Sagutin mo ang tawag ko. Parang-awa mo na! Gusto kong mag-usap tayo ngayon. Alam kong hindi mo matanggap ang nangyari. Alam kong nasasaktan ka rin.Sana maramdaman mong nasasaktan din ako. Sana maintindihan mo na wala akong alam sa nangyari. Inosente ako Lucas!Tumutunog naman ang phone ni Lucas. Pero hindi niya sinasagot ang tawag ko. Bakit ayaw niyang sagutin ang tawag ko? Bakit ayaw niya akong kausapin?Niyakap ko na lamang ang phone habang nasa dibdib ko ito. Dama ko ang pagbuhos ng aking mga luha sa dalawa kong mga mata. Napahagulgol ako sa pag-iyak."Anak! Iris!" tawag ni mom nang dumating dito sa mansion.Kita ko sa mga mata ni mom ang sobrang pag-aalala sa akin. Kita ko ang lungkot sa kaniyang mukha.Alam kong nasasaktan rin si mom ang makita niya akong nagkakaganito. Alam kong hindi rin siya mapakali. Alam kong nagtataka siya kung bakit nangyari ang lahat ng ito.Agad kong niyakap si mom at doon na ako napahagulgol sa pag-iyak. Naramdaman ko na lamang ang paghagod ng kamay ni mom sa likuran ko.Alam kong gusto niya akong i-comfort sa mga sandaling ito. Alam kong ramdam ni mom kung gaano ako nasasaktan ngayon.Pakiramdam ko natuyo na ang mga mata ko sa kakaiyak ko. Pakiramdam ko sasabog na ang puso ko dahil sa sakit na nararamdaman ko.Kahit may isang taong gusto akong i-comfort ngayon. Hindi pa rin maibsan ang sakit na nararamdaman ko. Hindi pa rin mabawasan ang sakit sa puso ko.Napahiwalay si mom sa pagkakayakap sa akin. Hinarap niya ako at bahagyang hinaplos niya ang pisngi ko."Anak! Iris! Alam kong masakit! Alam kong nasasaktan ka! Pero kailangan mong kumalma! Kailangan mong magpakatatag anak."Ramdam ko ang lungkot sa boses ni mom. Alam kong gusto niya akong i-comfort. Alam kong gusto niyang mabawasan ang lungkot na nararamdaman ko.Nakatingin lamang ako sa mga mata ni mom. Patuloy lamang ang pagbuhos ng mga luha sa aking mga mata. Hindi ko ito kayang pigilan. Kusa itong bumubuhos mula sa mga mata ko.Napailing ako ng ilang beses. Hindi ko matanggap ang nangyari. Hindi ko ito kayang tanggapin."Mom! Hindi ko iyon magagawa. Hindi ko kayang nakawin ang yaman ng kompanya. Maniwala po kayo. Hindi ko iyon magagawa sa inyo mom."Hinawakan ni mom ang mukha ko. Bahagya niyang pinunas ang mga luha ko. Patuloy lamang na lumalandas ang mga luha ko sa aking mga mata."Anak Iris! Naniniwala ako na hindi mo iyon magagawa. Naniniwala akong mabuti kang tao. Alam kong inosente ka sa nangyari."Alam kong sa mga sandaling ito. Si mom na lang ang taong naniniwala sa akin. Alam kong naniniwala siya na hindi ko iyon magagawa.Si mom na lang ang taong masasandalan ko ngayon. Alam ni mom na hindi ko kayang nakawin ang yaman ng kompanya."Anak! I know how good you are! Alam kong hindi mo iyon magagawa sa akin. Kung hindi ka nila kayang paniwalaan. Nandito ako! Naniniwala ako sayo anak Iris."Hinahaplos-haplos lamang ni mom ang mukha ko. Napahagulgol na lamang ako sa pag-iyak.Kahit kailan. Si mom pa rin ang magiging karamay ko. Siya pa rin ang magiging sandalan ko. Siya ang makakaunawa sa akin.Muli akong napahikbi sa pag-iyak at niyakap ko siya mom. Ang pag-kalinga ng isang ina ang hindi kayang pantayan sa lahat ng mga sandali.Ang pagmamahal pa rin ni mom ang magiging tungkod ko. Ang yakap niya pa rin ang kailangan ko ngayon. Yakap na kumakalinga sa lungkot na mayroon ako.Humuhikbi lamang ako sa pag-iyak habang yakap ako ni mom. Marahan niyang hinagod ang likod ko.Alam kong mga oras na ito ay kinamumuhian ako ng mga tao. Alam kong kinaiinisan nila ako ngayon dahil sa nangyari. Alam kong ang tingin nila sa akin ngayon ay isang magnanakaw.Hindi ko alam kung papaano ko ipapaliwanag ang lahat! Kung paano ko sasabihin ang totoo!Pumapatak lamang ang mga luha sa aking mga mata. Hindi ko kayang pigilan ang pagpatak nito.Matagal kong pinaghandaan ang lahat para sa wedding namin ni Lucas. Pero hindi ko aakalain na sa isang iglap lamang ay naglaho ang lahat.Para itong bula na bigla na lang nawala sa aking paningin. I can't believed that in just a blinked everything was gone.Masakit! Sobrang sakit! Halos tumalon ako sa kasiyahan nang mga sandaling nagsisimula na ang wedding namin ni Lucas. Pero bigla na lamang naging magulo ang lahat. Bigla na lamang nawala ang saya sa aking puso. Kinuha ko ang gown sa tabi ko at niyakap ko ito. Napahikbi na lamang ako sa pag-iyak ko.Nakapalit na pala ako ng damit simula nang iwan ako rito ni mom sa silid. Umalis na rin siya para makapagbihis ng kaniyang gown.Matapos kong yakapin ang gown ko. Pinagmasdan ko ito. Ang ganda sana ng gown pero nasayang lang ang halaga nito.Bigla tuloy naalala ko ang mga sandaling kasama ko si Lucas. Mga panahong magkasama kami sa dress shop pa s
Agad kong pinuntahan si Lucas nang makarating ako sa kompanya. Kailangan niya akong makausap.Ngayon nandito kami sa rooftop ng building. Ang building na inaapakan namin ngayon ni Lucas. Ang Vontrell company.Ang Vontrell company ay isa sa nangungunang kompanya sa buong bansa. Isang eksklusibong kompanya sa Pilipinas.Vontrell ang titulo ng kompanya dahil binuo ito ng mga lolo namin ni Lucas. Kinuha ang pangalan ng kompanya sa apelyido namin.Vontrell Company. Mula sa apelyidong Vontero at Montrell. Pinag-isa ang apelyido namin ni Lucas. Kaya nabuo ang pangalan ng kompanya.Pero wala na ang mga lolo namin. Matagal na silang patay. Kami na ang nagpapatakbo nito.Nagtutulungan kami ni Lucas para sa kompanyang ito. Para ipagpatuloy ang Vontrell Company sa kasalukuyan.Nakatingin lamang si Lucas sa malayo habang nakapamulsa. Wala siyang balak na lingunin ako.Nasa may gawi niya lamang ako nakatayo. Pinagmamasdan ko siya. Hindi ako kumikibo. Sa halip nakatayo lamang ako sa may gawi niya na
Hindi ko alam kung ilang segundo pa ang dapat kong gugulin para kay Lucas. Para paniwalaan niya ako.Alam kong may puso siya. Alam kong may damdamin si Lucas. Alam kong may nararamdam siya sa akin.Hindi laro ang ilang taon na minahal niya ako. Mga oras na nilaan namin sa bawat isa. Mga sandaling niyakap ako ni Lucas. "Anong halaga nang pagpunta ko rito kung ganito lang ang mapapala ko? Kinaiinisan ng taong pinakamamahal ko! Hindi man lang ako magawang paniwalaan."Nakayuko lamang ako sa tabi ni Lucas. Hindi ko kayang maiangat ang mukha ko para tingnan siya. Nasasaktan ako! Nahihirapan!Gusto ko nang sumuko! Hindi ako nag-iinarte. Pero hindi ko na talaga kaya. Sobrang bigat na nang pakiramdam ko."Ayusin mo ang pananalita mo Iris. Hindi mo ako mahal. Dahil kung mahal mo ako? Ginawa mo ang tama. Hindi mo ako niloko. Kaya huwag mong sabihin na mahal mo ako. Isang pagpapanggap iyon Iris." Dahan-dahan kong iniangat ang ulo ko para tingnan si Lucas. Malamig ang kaniyang pagkatao sa panin
"Lucas! Mahal kita!" sigaw ko para pigilan ang taong mahal ko sa pag-alis niya.Hindi man lang ako nagawang lingunin ni Lucas. Nagpatuloy siya sa kaniyang pag-alis.Umiiyak ako at nagmamakaawa para pigilan siya. Pero walang halaga ang pag-mamakaawa ko sa kaniya.Wala akong ibang hiling kundi mahalin niya ang isang tulad ko! Mahalin ako ng lalaking pinakamamahal ko! Pero hindi ko alam kung bakit iniwan niya ako sa ganitong paraan?Nakaya niya akong tiisin! Nagawa niyang makitang nagkakaganito ako! Tinigasan niya ang kaniyang puso!Lucas! Alam kong may pakiramdam ka! Alam kong may puso ka! Nararamdaman kong mahal mo ako!Pakinggan mo ang tinitibok ng puso mo Lucas! Huwag mong hayaan na kainin ka ng iyong galit!Hindi ko maintindihan kung ano ang nangyayari? Umiiyak ako habang naka upo sa semento. Para akong baliw! Baliw na nga ako sa kaniya.Wala akong pakialam sa sasabihin ng iba. Malinis ang puso ko. Hindi ko magagawang manloko ng tao.Kahit sabihin ko ang totoo. Hindi nila ako papani
Pinunas ko ang mga luhang lumalandas mula sa aking mga mata. Hindi ko mapigilan ang hindi mapahikbi dahil sa pangungutya nila sa akin.Hindi nila ako naintindihan. Iniinsulto ako ng mga taong nakakasalamuha ko. Wala silang magawa kundi sirain ang dignidad ko. "Oh best! Mabuti dumating ka na. Kanina pa napapanis ang laway ko rito sa opisina mo. Wala man lang kasi akong makausap."Naningkit ang mga mata ni Ann sa pag-iinarte niya. Nakanguso siya habang nakatingin sa akin.Tila gusto niyang umiyak dahil wala siyang makausap. Sa totoo lang. Boring talaga ang buhay niya kapag wala ako."Bakit ganiyan ang hitsura mo? Umiiyak ka ba?"Napansin ni Ann ang namumula kong mga mata na galing sa pag-iyak. Kaya napatanong siya kung bakit ganito ang hitsura ko?Siya si Annie. Ang nag-iisang matalik kong kaibigan. I called her Ann for short. Ngayon lang kami nagkita dahil pumunta ako rito sa opisina ko.Oo nga pala. Maliban sa kaibigan ko si Annie. Siya pa ang assistant ko. Siya ang encharge ko pagdat
"Lucas! Mag-usap tayo. Gusto kitang makausap kahit ilang segundo lang. Parang awa mo na! Nakikiusap ako sayo!"Hindi ko na mapigilan ang sarili ko kaya pinuntahan ko na si Lucas. Gusto ko siyang kausapin para matapos na ang gulo.Gusto ko siyang makita at makausap. Wala akong pakialam kung kinamumuhian niya ako ngayon. Basta gusto ko siyang puntahan ngayon at kausapin.Tumingin ako sa mga mata ni Lucas. Umaapoy ang galit sa kaniyang mga mata. Halos tunawin ako ni Lucas sa kaniyang galit.Pinuntahan ko siya dito sa office niya para makausap. Pero parang hindi siya interesado na kausapin ako. Wala siyang pakialam sa nararamdaman ko.Tatalikuran niya sana ako para umalis pero hinawakan ko ang kamay niya para pigilan. Hindi niya pwedeng talikuran na lang ako na parang aso.Wala naman akong ibang hiling kundi kausapin ko ang taong mahal ko. Ayusin namin ang gusot na nasimulan namin.Alam kong kami lang dawala ang makakayos nito. Kung pakikinggan ni Lucas ang kaniyang puso. Naniniwala ako n
"Ngayon nagmamakaawa ka para tulungan kita dahil sa ginawa mo Iris. Hindi mo man lang pinag-isipan bago mo ginawa ang bagay na iyon Iris?"Nananatili lamang na nakatalikod si Lucas sa akin. Narinig kong bumuga siya ng hangin pagkatapos niya akong sumbatan. Kahit nasasaktan ako ng mga salitang lumalabas sa bibig niya. Handa akong tanggapin iyon. Basta mapatunayan ko sa kaniya na hindi ko ninakaw ang yaman ng kompanya."Alam mo bang dahil sa ginawa mo? Nasira ang pagkatao ko. Nasira ang good image ko sa buong Vontrell Company?" bulyaw niya sa akin.Mariin kong pinunas ang mga luhang lumalandas sa pisngi ko. Dahil sa marupok ako kaya hindi ko kayang pigilan ang pagpatak ng mga luha ko."Hanggang ngayon. Dala ko pa rin ang kahihiyan dahil sa ginawa mo Iris. Malaki ang impact sa akin nang pagnakaw mo sa yaman ng kompanya."Kahit paulit-ulit kong ipaunawa sa kanila na hindi ko ninakaw ang yaman ng kompanya. Hindi pa rin nila ako papaniwalaan.Nasa bank account ko nakapasok ang malaking hala
Hindi maiwasan lumandas ang mga luhang pumapatak sa aking mukha. Nakaharap lamang ako sa salamin at umiiyak. Hindi ko inaasahan na tutulungan pa rin ako ng taong mahal ko. Tutulungan pa rin ako ni Lucas kahit kinaiinisan niya ako. Hindi ako makapaniwala na gagawin niya iyon sa akin. Sa kabila ng lahat. May natitira pa rin siyang awa para sa akin. May puso pa rin siya.Matapos kong punasin ang mga luha sa pisngi ko. Maingat kong inayos ang sarili ko.Alam kong sa ngayon. Naroon na ang lahat sa meeting place. Alam kong inihanda na ni Lucas ang lahat para sa meeting ng Vontrell company.Kinuha ko na ang handbag ko nakapatong sa lababo. Pagkatapos ay lumabas na ako ng banyo.Kailangn ko nang pumunta sa meeting room. Alam kong hinihintay na nila ako roon. Alam kong hinihintay na ako ngayon ni Lucas. Pagpasok ko ng meeting room. Agad tuloy hinanap ng mga mata ko si Lucas. Gusto ko pa rin siyang makita kahit galit siya sa akin.Nandito na siya at nakasuot na siya ng pang business attire. A