Share

CHAPTER 11

MATAPOS ang simpleng batian na iyon ay isang nakabibinging katahimikan na ang namayani sa aming dalawa. Pareho na kaming nakaupo sa couch, magkaharap. Pansin ko ang kanina pang pagsulyap niya sa tiyan ko noong hinawakan ko ito nang maupo. Ramdam ko ang kanyang titig na animo'y gustong lapitan ako ngunit tila siya ay nangangapa pa. Pareho naman kaming nangangapa rito. Sino ba naman kasi ang mag-aakalang magkakaganito ang isang propesor at estudyante? Ni hindi ko nga siya kilala bukod sa pangalan niya at bilang propesor!

Pasimple pa akong sumusulyap sa kanya nang maramdaman pa rin ang titig niya, nang mapansin naman ako ay mabilis siyang nag-iwas ng tingin. Ngumuso ako. Ang hirap naman nito, puwedeng magsungit na lang siya at magsabi ng, "get one fourth sheet of paper, let's have a quiz! Strictly no erasure! No copying of answers!" Hindi itong ganito, ang weird! Mahihilo pa yata ako!

Inabot na yata kami ng sampung minutong walang imikan na kung hindi pa dumating ang kasambahay na may
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status