Share

CHAPTER 49

HANGGANG sa mga sandaling ito ay hindi pa rin ako makapagsalita matapos niyang sabihin ang mga katagang iyon. Kasalukuyan kaming nasa loob ng sasakyan, hindi umaandar ngunit walang maririnig na ingay maliban sa aming mga hininga at ingay ng ibang sasakyang dumadaan. Nakabukas ang pareho naming bintana para makapasok kahit papaano ang hangin.

Gusto kong maniwala. Gustong-gustong ko, pero may parte sa akin na nagdududa pa rin. Nagdadalawang isip. Paano kung hindi naman pala totoo? Paano kung sa umpisa lang ay ganoon pero kapag medyo tumagal na, biglang magbabago? Ayaw ko ng ganoon. Ayaw kong maging kabit sa pangalawang pagkakataon.

"I know that I can't make you believe right now, but I promise you, I will do better. I will prove to you everyday that it's only you and no other woman." He said calmly and slowly reach for my hand that's on my lap. He then brought it to his lips and planted a soft kiss. "Hindi ako mapapagod na ipadama at ipakita sa'yo iyon, okay? Hindi rin kita pipiliting
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status