"Ang taong minamahal mo ngayon Hevean..."Napa hinto ako sa sunod na sinabi nito, anong ibig niyang sabihin? Parang huminto ang pag-hinga ko sa narinig ko."A-ano?" Tanong ko ulit ditoNgumisi ito at bigla akong tinalikuran, napa kagat labi ako at huminga ng malalim."Pwede bang ayusin mo naman ang sinasabi mo?! Hindi ko maintindihan, siyaka anong sinasabi mong minamahal ko ngayon?" Namumuo ang galit sa dibdib ko, hindi ko alam kung maniniwala bako dahil hindi ko naman siya kilala. Siyaka anong karapatan niyang sabihin sakin kung sino ang dahilan kung bakit namatay ang mga magulang ko, alam kong walang nakakita sa aksidenting iyon kundi ako lang."Alam ko ang iniisip mo babae, malalaman mo ang totoo kung ikaw mismo ang magtatanong sa kaniya." "Sino ba ang tinutukoy mo?" Pasigaw na tanong ko dito dahil nag lalakad ito palayo sa akin."Xyrus."Nagulat ako ng bigla nalamang itong mag laho na parang bula, nanindig ang balahibo ko sa nakita. Agad akong tumakbo, hindi ko alam kung saan ako
[Hevean POV]Agad akong umuwi sa bahay namin ni Zia at pumasok sa kwarto ko, humiga agad ako sa kama. Hindi ko alam kung saan nag punta si Zia dahil wala siya dito sa bahay.Unti-unti nanamang pumasok sa isip ko ang nangyari kanina, agad nanamang tumulo ang mga luha sa mga mata ko. Hindi ko lubos maisip kung bakit ganito ang nangyayari sa buhay ko. Kung hindi iyon nangyari siguro buhay pa ang mga magulang ko.'Sana kasama ko pa sila ngayon... hindi sana ako mag isa sa buhay... hindi sana ako nawalan ng mga magulang.'Paulit ulit na sinasambit ng utak ko."Hinding- hindi ko siya mapapatawad." Ang sakit isipin na ang taong mahal mo ang siyang dahilan kung bakit ka naulila.. kung bakit ka mag isa... kung bakit wala na ang mga taong mahal mo."Sana.. hindi ko n-nalang siya nakilala... sana hindi k-ko nalang siya minahal... sana... hindi nalang siya dumating sa buhay ko!!" Hinampas hampas ko ang unan at muli nanamang umiyak. Andami kong gustong hilingin pero alam kung hindi na maibabal
(Three Weeks Later)[Hevean POV]Nakakainis talaga, paano ko ba talaga malalaman kung sino ang ama ng dinadala ko? Hindi kaya sira talaga itong PT na nabili ko?"Wag mukong pinaglololoko Hevean ha! Nako paano ka mabubuntis kung wala ka ngang boyfriend aber?""Ilang beses ko bang sasabihin sayo Zia na wala nga akong naging boyfriend, siyaka kapag meron man sasabihin ko naman agad sayo e." Kanina pa kami nag tatalo sa lintik na Pregnancy Test na to. Lokang-loka nako kung bakit positive ang resulta."Need na siguro nating ipa tingin talaga sa doctor baka cancer or ano yang nasa tiyan mo! Baka mamaya alien pala laman niyan." Hinamapas ko ito ng mahina sa braso, nakaka takot naman mga pinag sasabi nito."Wag ka ngang mag biro ng ganiyan!""Hay nako ewan ko sayo Hevean!"Inirapan ko nalamang ito at hinimas himas ang maliit kong puson."Siyaka nga pala uuwi tayo sa probinsya bukas, mag impake kana. Damihan mo na ha, baka matagalan tayo bago maka uwi." Takang tiningnan ko ito, "Anong mer
Tahimik lamang kaming kumakain sa hapag kainan nang maalala ko ang malaking aso na nakita ko kanina. Nag dadalawang isip ako kung itatanong ko ba. Bahala na, na-cucurious ako e'. "Ahm.. Tito may itatanong po sana ako" pag uumpisa ko. Napatingin naman sa akin sila Tita at Tito habang si Zia ay patuloy paring kumakain. Ang takaw talaga ng babaeng to!"Ano ba iyon hija?" "Ahmm.... m-may nakita po kasi akong malaking aso kanina doon malapit sa gubat, ano pong aso iyon?" Takang tanong ko sa kanila ngunit bigla nalamang silang napatahimik at hindi nag salita. Pati si Zia ay napa hinto sa pag kain. Napakunot noo ako nang tumingin si Tita kay Tito na parang nag uusap sila sa isip. Seriously anong mali sa tinanong ko? "Hija anong kulay nang aso ang nakita mo?" tanong ni Tita Felia. Sa pag kakaalam ko kulay brown ang nakita ko."Brown po yata." Sagot ko. Para naman silang nabunutan ng tinik sa sagot ko. Nagtataka na talaga ako. Aso lang naman yung tinanong ko pero bakit parang napaka big de
[Hevean POV]KINAUMAGAhan ay nag libot-libot kami ni Zia, nandito parin naman ang iilang relatives ni mama. Ang iba sa kanila ay hindi na rito naka tira, sabi ni tito mas daw ng mga ito sa syudad nalamang manirahan. "Napapagod nako, upo muna tayo dun Zia." anyaya ko sa kaniya sabay turo sa malaking puno. Busy itong kumakain ng aratilis, hindi ko gusto ang lasa nito kaya naman ibinigay ko nalamang sa kaniya lahat. Bigay iyon ng kapitbahay nang dumaan kami sa kanila kanina, maliliit na bilog at kulay pink at red ang mga ito."Hindi pa nga tayo masyadong nakakapag laka-lakad pagod kana agad." reklamo niya. "Sorry ha, kasalanan ko bang napapagod na ang mga paa ko?"Inirapan ko ito. Hindi ito umimik at patuloy parin sa pag kain ng aratilis."Ang takaw mo!" Singhal ko."Ansarap kaya. Anyways. . . may palabas daw mamaya sa bayan nuod tayo?" Bigla akong ma excite sa sinabi niya."Talaga?""Oo sabi ni Inang may pa singing contest daw." Niyugyug ko balikat niya at nag-tititili."Tara punta ta
"Sira ulo kaba? Anak ko ang pinag-uusapan natin dito Zia!" Galit na sigaw ko sa kaniya."Sorry, I'm just kidding you know? Siyaka ayaw kong ipalaglag 'yang soon to be my inaanak." Humiga ito sa kama at napatingin sa kisame."Wala talaga akong maalala kung sino ang ama ng dinadala ko. Ganun na ba ako ka gaga para kalimutan kung sino ang gumalaw sa akin?" Napaluha ako at umupo sa kama.Rinig ko ang pag buntong hininga ni Zia."May gusto akong sabihin sayo pero hindi pa ito ang tamang oras. Give me two days Ven at malalaman mo ang lahat." Napatingin ako sa kaniya, nasa kisame parin ang tingin nito aat parang malalim ang iniisip. Anong ibig niyang sabihin na malalaman ko ang lahat? Naguguluhan ako sa sinabi niya."Huh? Anong pinag-sasasabi mo?" Takang tanong ko sa kaniya ngunit tumayo ito at naglakad patungo sa pinto."Malalaman mo rin." Lumabas na ito ng kwarto at iniwan akong nalilito. Hindi kaya may tinatago siya sa akin? Pero imposible naman dahil palagi kaming magkasama. Lahat naman
[Hevean POV]"Magkano po?" Tanong ko sa babaeng nagbebenta ng bibingka."Sampung piso isa ining." Sagot naman nito."Dalawa sakin ha," Biglang sabat ni Zia.Inirapan ko nalamang siya at bumili ng limang pirasong bibingka, bibigyan ko rin si Gabo. Teka nasaan na pala yun?Inabot ko na ang bayad at hinanap ng paningin ko si Gabo.Nandito lang siya kanina, hindi kaya iniwan niya na kami? Imposible naman dahil hindi niya naman magagawang iwan kami ni Zia. "Nakita mo ba si Gabo?" Tanong ko kay Zia, busy itong kumakain ng fishball."Dwee kwoo allaahmm.. . ." Salita niya habang ngumunguya. Napaka takaw talaga! Ubos na yata pera namin kakabili ng pag kain. Hindi pa nag sisimula ang singing contest ubos na pera ko."Tara hanapin natin siya." Hinila ko kaagad si Zia at naglibot-libot, napaka raming tao. Hindi ko masyadong makita ang muka ng mga tao dahil medyo madilim ang lugar. "Tulungan mukong hanapin si Gabo, Zi!" Reklamo ko kay Zia na busy parin sa pagkain. Ano mang oras pwede nang pumut
[Hevean POV]"Pano mo nalaman ang pangalan nun?" Takang tanong ko sa kaniya. Imbes na sagutin ako ay ngumiti lamang siya ng malapad at umiwas ng tingin."Hoi sagutin muko Zia." "Basta it's a secret nalang muna." Kinikilig na sabi niya. Bumuntong hininga ako at inirapan nalamang siya. Kainis naman ang babaeng to may pa sekret pa akala mo naman napaka laking sekreto ang lalaking yun.Nag tatakip parin ako ng ilong dahil sa baho na naamoy ko mula kay Zia, diko alam nararamdaman ko para akong nasusuka na hindi ko maintindihan. Dahil ba ito sa pag bubuntis ko? Nang maka rating kami ng bahay ay agad akong nag paalam kay Gaben at dali-daling pumasok ng banyo. Dumuwal ako maliit na lababo at agad kong nilinisan ang bibig. Hindi rin ako maka hinga ng maayos. Ang hirap ng ganitong sitwasyon, ganito ba talaga pag buntis?Pumasok na ako ng kwarto ko at humiga sa kama. Tinatamad na akong magbihis, bukas nalang siguro. Gusto ko nang magpahinga at matulog.Pipikit na sana ako nang maramdaman ko an