Hi Kimmie's! Ngayon palang po magsasabi na ako, rest day ko po sa Monday hehe kaya tomorrow last update then Tuesday na ulit! Maraming salamat po sa pagababasa! Ako lang ba ang natatawa kay Xavier? Tingin niyo anong iniisip niya? Hahaha selos pa more! ~B.NICOLAY/Ms.Ash
“FIONA!” Napapitlag si Zoey sa kaniyang kinauupuan ng marinig nanaman niya ang pagtawag sa kaniya ni Xavier mula sa intercom. Gusto niyang mapairap kanina pa siya nito tinatawag at binibigyan ng mga trabaho. “Yes boss?” Pilit na ngiti niyang sagot sa intercom. “Come here now!” Pagkasabi ni Xavier niyon ay nawala na ito doon kaya napasabunot nalang si Zoey sa buhok niya. “Pang ilang tawag na sa’yo ‘yan Fiona? Ako ang stress saating dalawa pero mukang ikaw ang stress na stress ah?” Napalingon si Fiona kay Devon na nakadungaw sa kaniyang table. Ang table niya kasi ay nasa labas ng office ni Xavier na dating table ni Devon pero dahil lumipat na ito ay siya naman ang gumamit. “Ewan ko ba jan sa amo mo Devon. Papasok ka ba sa loob? Sabay na tayo.” Natawa lang si Devon sa sinabi ni Fiona at tumango dito. Pagdating nila sa loob ay kita nila ang busy na si Xavier habang nakakunot ang noo. “Kanina pa kita iniintay—why are you with her Devon?” putol na sabi ni Xavier ng makita s
Agad na nawala ang ngisi sa labi ni Xavier at tumayo ng maayos pagkatapos ay tumikhim. “Yeah right. Okay mauuna na ako. Before that pakilala mo muna ako sa mga kapatid mo,” Nakahinga ng maluwag si Zoey dahil sa sinabi nito at lumingon sa kambal at pasimpleng pinanlakihan muli ng mata para makuha ang ibig sabihin niyang behave lang sila. “This is Liam and this is Liana, nakababatang mga kapatid ko ho. Guys he’s not my boyfriend, boss ko siya kaya mag sorry kayo.” Nagkatinginan ang kambal dahil doon at walang nagawa kundi ang mag sorry dito. “Sorry po.” Sabay na sabi nila at bahagyang yumuko dito. “Pero sana po kayo ang boyfriend ni ate bagay kayo!” biglang dagdag ni Archer na ikinalaki ng mata ni Zoey at sesermonan sana ito ng bigla itong tumakbo papasok sa loob. “Liana! Mamaya ka saakin!” inis na sabi ni Zoey na ikinatawa ni Xavier. Iyon ang unang beses na narinig niyang tumawa ng ganoon kalakas si Xavier kaya napalingon siya dito. Mas lalong lumabas ang pagkagwapo nito
“SHE was last saw at the CCTV on elevator. Pagkatapos niyang bumaba sa floor ni Mr.Walter ay wala ng ibang footage bukod doon.” Seryosong sabi ni Devon habang nasa tabi ni Xavier na siyang nagmamaneho ng kotse. Mayroong gamit na laptop si Devon para makakuha siya ng access sa CCTV ng kumpanya ni Mr.Walter. “Okay. ‘Wag ka ng tumawag ng back up dahil alam kong hindi mag eeskandalo ang lalaking ‘yun sa kumpanya niya mismo.” Tumango nalamang si Devon sa sinabi ng kaibigan at itinabi na ang laptop na hawak. Hindi na siya maka-access pa sa ibang CCTV na maaaring gamit ni Mr.Walter kung nasaan ito ngayon pero alam nila na mayroong secret room ang lalaki sa office nito kaya doon sila papunta ngayon. Naalala pa ni Xavier ang pinag-usapan nila ni Devon kagabi. Tama ng sinabi sa kaniya ni Fiona, mayroon nga itong dalawang kapatid at ang magulang nila’y wala na. Kasali nga ang mga ito dati sa black organization pero ngayon ay tiwalag na it means wala na silang organization na sinasalihan.
“’Yung sinabi mo nakakatawa! Si big boss magkakagusto saakin?” natatawa nitong sabi at muling tumingin sa lalaki. “Nasasayo na kung maniniwala ka o hindi. Well, mamamatay ka na naman kaya ‘wag mo ng isipin ‘yun at mag enjoy nalang tayo pareho.” Ngisi nitong sabi at lumapit na kay Zoey habang inaamba ang syringe na hawak. “Sandali, may sasabihin ‘din ako sa’yo.” Sabi ni Zoey na ikinataka ng lalaki. “Sige pagbibigyan kita tulad huling oras mo na ito sa mundo.” Sabi nito sa kaniya at naupo sa tabi nito pero naka-amba na ang syringe nito sa may braso niya. “Alam mo bang hindi dapat ako ang pupunta dito? Si Devon sana, ‘yung isang secretary ni Xavier pero dahil gusto kitang makausap ngayon ay kinuha ko ang trabaho na ito. Alam mo kung bakit?” Napakunot ang noo ng lalaki dahil sinabi niya pero naging mabilis ang lahat at mabilis na hinawakan ni Zoey ang syringe na hawak niya pagkatapos ay tinurok ito sa braso ni Mr. Walter. “Arghh!” Malakas na da*ng ni Mr. Walter dahil sobrang
NAGISING si Zoey ng maramdaman niya ang kanina pa pabalik-balik na tunog ng tila naglalakad na tao. Hindi familiar sa kaniya ang silid na kinalalagyan niya ng siya ay magising. Purong gray ang kulay ng buong silid na mayroong kaunting black. Nang bumangon siya mula sa sofa na kinahihigaan ay doon niya lang napansin na parang isang typical na office ang kaniyang kinalalagyan. Ang tanong ay kanino? Naalala niya si Xavier, siya ang naalala niyang huli niyang kasama. Sakto na biglang bumukas ang pinto kaya napatingin siya doon. “B-boss,” biglang banggit niya at napatayo mula sa kaniyang kinauupuan. Pero natigilan siya ng sumilay ang ngiti nito sa labi at nilapitan siya. “Mabuti at gising ka na dahil ngayon na ang pinaka iintay mong pagkakataon.” Hinawakan nito ang kamay niya at hinila papunta sa kung saan. Nagtataka siya sa sinasabi nito pero hindi niya nagawang magtanong pa dahil gusto nalang niyang makita mismo ng dalawa niyang mga mata ang sinasabi nito. Naglakad sila ng i
Napaisip si Zoey dahil sa sinabi ng babae. Siguradong papagalitan siya ni Xavier dahil malinaw ang bilin sa kaniya nito kagabi na pumasok siya ng maaga at marami silang gagawin. Dahil doon ay pumayag na siya at pumasok na sila muli sa kumpanya. “Wait, ikaw ba ang new secretary ni Xavier? Are you… Ah! Fiona?” Nagulat siya ng malaman ng babae ang pangalan niya. “Paano niyo po ako nakilala?” tanong niya dito. Natahimik naman sandali ang babae kaya nagtaka si Zoey. “Nalaman ko mula sa anak ko. Kamusta namana ng trato sa’yo ni Xavier?” Based sa pagtawag nito kay Xavier ay mukang magkakilala ang mga ito. Hindi na siya magtataka dahil mukang mayaman naman talaga ang babae. “Maayos naman po. Although madalas masungit siya at parang dragon kaya ko naman pong pagtyagaan,” natatawa niyang sabi na ikinatahimik muli ng babae. “Ayos lang po ba kayo ma’am?” tanong niya dito na ikinatauhan nito muli. “N-nothing… it’s just… may kapareho ka ng sinabi mula sa babaeng kilalang-kilala ko.
PAGKALABAS ni Zoey sa office ni Xavier ay dali-dali siyang sumakay sa elevator at naisip na pumunta sa rooftop. Alam niya na walang tao doon kaya maaari siyang magpahangin at mapakalma ang sarili niya. Hindi pa ‘rin matigil ang pagtulo ng luha niya sa sobrang daming pumapasok sa isip niya. Nakita na niya ang mga magulang niya at ang isa pa nilang kapatid. Ang kaso iba naman ang tingin ng mga ito sa kanila, isang estranghero na kalaban. Okay lang sana sa kaniya ang katotohanan na ‘yun since nag babalat kayo nga siya ang kaso hindi niya akalain na iyon na mismo ang pagkakataon na makikita niya ang mga ito. Isa pang kinakasakit ng puso niya ay ang mga sinabi ng kapatid niyang si Catherine. Marahil silang dalawa lamang ni Catherine ang babae sa mga anak ng magulang nila ay iba ang bond na kagustuhan niya itong yakapin at sabihin na siya ang ate Zoey niya. Nahihimigan niya ang sakit at pighati sa bawat katagang sinasabi ni Catherine lalo na sa iniisip nitong papalitan niya si Zoey. Hi
NANG magising si Zoey ay doon niya lang narealize ang pag-iyak niya sa kambal. Kinokotongan niya ang kaniyang sarili dahil nagmistula siyang isang batang kailangan ng kalinga ng isang ina. Natigilan siya dahil doon. Bakit hindi nga ba’t kailangan nga niya ng kalinga ng isang ina lalo na sa ganoong sitwasyon na wala siyang maalala? Napailing siya sa iniisip niya dahil ayaw na niyang maging negative. Tama na mag isang araw na puro iyak dapat positive na siya. Pagtingin niya sa salamin ay maga ang kaniyang mga mata kaya napailing siya. Naligo siya’t dinaan nalang sa make-up ang mugto niyang mata at laking pasasalamat niya ng mawala ito. Nakaramdam na siya ng gutom sakto na pababa na siya at doon niya lang naalala na hindi nga pala siya kumain kagabi. Pagbaba niya ay amoy na amoy na niya agad ang mabangong pagkain. “Good morning ate Zoey! Nag order na kami ng umagahan tutal alam namin na pagod ka!” malaking ngiti na sabi ni Archer habang si Ace ay inakay siya papunta sa upuan niya’