Share

Chapter 26

Nette POV

ALAM KONG HINDI dapat ngunit kailangan. Halos ayokong sumapit ang umaga ngunit alam kong napaimposible niyon, gusto kong tumigil ang oras upang hindi mangyari ang bagay na alam kong tuluyan kong ikakadurog. Pero ang nakatadhanang mangyari ay mangyayari't mangyayari hindi man ayos sa iyong magustuhan.

"Wow, mansyon ba 'tong tinitirahan mo Nette?" Manghang mangha si Julio pagkarating sa bahay ni Mr. Fifth. Nakaawang ang kanyang bibig habang pinagmamasdan ang paligid.

"Kaya pala inagaw mo dahi alam mong hihiga ka sa pera." Sambit ni Ate Tam na nakatingin rin sa malawak na bakuran. Hindi na lamang ako sumagot.

Binuhat ko ang mga gamit niya samantalang si Julio ay inalalayan siya sa pagtulak ng kanyang wheelchair. Ngayon ang araw na dito na siya mamamalagi, ayaw man nang doktor ang desisyong ito ay nagpumilit si ate. Dito na lamang daw gagawin ang treatment niya.

"Bruha ka kapag naikasal kayo sama ako sa pagyaman mo ha?" Dinig
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status