Chapter 2 "Nand'yan pa ba, kuya guard?" tanong ko sa guard ng ng company. Sinipat naman niya ulit ang CCTV na nasa ibabaw ng desk niya. "Opo, ma'am, e." anito nang makita pa rin ang silver na sasakyan ni Jake doon na naka-park sa labas ng gate. Shocks! Anong oras ba balak umalis ng mga ito? Disappointed akong naupo sa upuang kahoy nandoon. Mga isang oras na din akong naghihintay na baka sakaling magsawa sa kakahintay kapag hindi nila ako makitang lumabas dito. Halos isang buwan na din ganito since nang huli ko silang makita sa Bulacan. Sabi ko kasi kay Trixie na hintayin ako. Nag-CR lang ako saglit, pagbalik ko, wala na sila.Ilang minuto pa ang lumipas nang natatarantang tinawag ako ni kuya guard, " Ma'am, lumabas po ang driver." Pagkasabi niya no'n ay nagmamadali akong lumakad para makapagtago sa likod ng guard house. Hindi na nila ako makikita doon dahil bawal silang pumasok sa loob. "Boss," si Jake. "Nag-overtime po ba si Ms. Eunice Mendez?" Magalang naman ang pagkakasabi n
Chapter 3 "What happened to both of you?" out of the blue ay nagtanong siyang bigla. Matagal kaming walang imikan habang naghihintay doon. Kahit na nakahiga na ako dito ay inaabot pa rin ng tanaw ko ang dalawang iyon na nandoon pa ring nakatayo. Nakakairita! Gigil na sigaw ng isip ko. Gusto ko sana silang sugurin para sawayin na doon sila sa park, huwag doon sa nakikita ko. Siguro titigilan na nila ako kapag ginawa ko iyon.Kaso mas pinili ko na lang na manatili doon. Ayaw kong pababain ang level ko sa kanila. Saka halos dalawang buwan na ding wala kami. Isang buwan din akong nanahimik at k-in-omfort ko talaga ang sarili ko dahil wala naman akong sinabihan sa nangyari sa akin. Ano pa bang sense na mag-usap kami? Bakit pa nila ako hina-hunting? "He... Cheated." "Hmmm?" Hindi ko nakikita ang expression ng mukha niya kasi nakatuon lang ang tingin ko sa harap"I saw them naked. Alam niyo na po siguro kung ano ginagawa nila kapag gano'n." "Hindi, e. Can you tell me?" anito na nasa i
Chapter 4 Napabalikwas ako ng bangon nang magising ako sa lakas ng alarm ng cellphone ko. Kinuha ko iyon para sana patigilin ang alarm sa pag-aakalang maaga pa. Gano'n na lang ang gulat ko nang makita kong quarter to 6 na ng umaga. Nakalipas na ang dalawang naka-set na alarm doon pero hindi ako nagising.Bumangon na ako sa higaan at dumiretso na sa banyo. Nagmamadali akong maligo at mag-ayos ng sarili. Hindi na rin ako nag-abalang mag-almusal nang matapos ako. Nang nasiguro ko nang naka-turn off na ang lahat ng ilaw at nakatanggal na ang mga saksakan ay lumabas na ako. Patakbo na akong umalis doon pagkatapos.Pasado na 6am. Maaga pa naman akong nakakarating sa office kaso siguradong madami nang tao sa daan. Hangga't maari sana ay iniiwasan ko ang mga tao para sana iwas siksikan.Tuluy-tuloy lang ang lakad ko nang makalabas na ako ng gate. Wala na akong pakialam sa mga nakakasabayan ko sa paglalakad. Ang tanging nasa isip ko lang ay makasakay agad ng jeep. Mahirap kasi makasakay dito
Chapter 5"Hindi pwedeng hindi, Ms. Eunice." sabi sa akin ng HR staff.Nandito siya sa pwesto ko para sana ipaalala sa akin ang mga guidelines para sa team building bukas. Kaso ngayon lang din ako nagsabi sa kaniya na hindi ako makakasama.Kailangan ko na kasing makahanap ng lilipatan dahil hindi pa rin ako tinatantanan nila Jake. Hindi ako makauwi ng maaga dahil alam ko na nandoon sila. Kapag Linggo naman, nasa labas sila. Wala lang sila doon tuwing umaga sa weekdays kasi may pasok siya. Parang wala na tuloy akong kalayaan.Wala na akong pakialam sa buhay nila, sana tigilan na nila ako.Kahit anong pilit din ni Sir Dan sa akin, hindi na ako pumapayag na ihatid o sunduin niya ako dahil hiyang-hiya na ako sa kaniya. Minsan nga ay tinataguan ko siya o nag-a-out pa ako ng maaga. Ayoko din ng may utang na loob kahit kanino."Nagpaalam na ako na ako kay Ms. Adel, ma'am." sabi ko."Hindi naman siya pumayag , 'di ba? Sumama ka na Ms. Eunice. Mag-e-enjoy ka doon. Ngayon kasi, kapag hindi ka pu
Chapter 6Alam ko na nagbibiro lang siya, pero para sa akin, hindi magandang biro iyon. Kahit na ganito din kami dati, never sumagi sa isip ko na posibleng maging kami pagdating ng araw."Malabo po 'yan, Sir." sabi ko. "Malay mo." aniya. Kinindatan pa ako. Lalo ko siyang pinagkunutan ng noo. Gusto ko na sanang matawa sa sinasabi niya kaso pinanindigan ko pa rin ang pagsusungit ko sa kaniya. Tutal, wala na din naman kami sa office, kaya malaya na akong gawin ang gusto ko.Hindi ko na lang siya pinatulan. Sinundan ko siya hanggang sa pumasok kami sa isang mamahaling restaurant doon. Aangal sana ako pero naisip ko na boss ko nga pala ang kasama ko.Mangha ako sa loob. Medyo marami na ring tao at halatang puro mayayaman ang mga kumakain doon. Isang waitress agad ang nag-assist sa amin pagkapasok. Nauuna siya sa aming naglalakad. Bawat daanan namin ay may nahuhuli akong ilang babae na kumakain doon na napapatingin sa amin. Siguro dahil sa artistahing boss ko. Panira lang talaga ang bag
Chapter 7Alangan ang mga hakbang ko habang sinundan ko si Sir Dan pagpasok sa unit niya Ang laki ng space. Walang wala ito sa laki ng apartment na tinitirhan ko. Kahit pa isama ang katabi kong unit."Wow, Sir... Mag-isa lang talaga kayo dito?" manghang sabi ko. Nililibot ko pa talaga ang tingin ko sa paligid.Pinghalong white at black ang motif. May nakikita akong limang room. May maliit na bar counter doon na may display na kilalang alak at babasaging baso. Meron ding dirty kitchen at dining area. "Uhm.." aniya. "Ang laki po nito. Kayo ang naglilinis?" tanong ko na abala pa rin sa pagmamasid."May cleaners sila dito. Nagpapalinis lang ako."Dinala niya ako sa receiving area. "Upo ka." aniya na ginawa ko naman.May kinuha siyang remote na sa center table at agad na binuhay ang malaking flat screen TV doon. Para akong nasa sinehan. Nakita kong nilapag na niya ang bag ko sa itim na sofa na nandoon. Nagmamadali kong lumapit doon para kunin. Para akong batang niyakap iyon para hindi
Chapter 8Malakas ang ringtone ko nang magising ako. Hindi ko iyon pinansin nung una. Sino nga ba ang tatawag sa akin?Naka-block na si Jake at Elsa sa contacts ko. Hindi naman gawain ni Trixie na tumawag ng walang pasok. Siya lang naman ang nakakaalam ng number ko.Ay! Si Sir Dan nga pala. Naalala ko siyang bigla nung muling mag-ring iyon ng matapos na ang una.Nitong mga nagdaang buwan, napapadalas ang tawag niya. Minsan, naiisipan ko nang magpalit ng number ko kaso sayang kasi iyon na ang number ko since nung bumili ako ng cellphone. Kung anu-ano lang naman ang pinag-uusapan naman. May sense naman. Minsan alangan akong sagutin kasi makakausap ko na naman siya, e, kakausap ko lang sa kaniya sa opisina.."Hello..." inaantok kong sabi sa kaniya. Hindi ko na tinangkang silipin ang screen ng phone ko kasi wala naman nang iba pang naka-save na number dito."Nasa'n ka na?!" galit na medyo nag-aalalang sabi niya sa kabilang liniya."Saturday po ngayon. Wala pong pasok, Sir." Gusto ko nang
Chapter 9Nagising ako sa magaang tapik sa balikat ko. Mukha agad ni Sir Dan ang bumungad sa akin pagkadilat ko. Akala ko nasa panaginip ako dahil medyo malabo pa ang paningin ko nang mamukhaan ko siya. I'm not into drama kasi minsan lang ako nakakapanood ng mga gano'n, pero parang gano'n ang nangyari sa akin.Pinapanood niya ako habang natutulog. Seryoso ang mukha niya habang pinagmamasdan ako. Kulang na lang ang magkaroon ng glitter effects para mas maganda tingnan. Tipid siyang ngumiti sa akin."We're here." aniya.Napabangon akong bigla nang ma-realize ko na nakatulog pala ako!"Gusto sana kitang buhatin papasok sa loob kaso baka awayin mo ako." hindi niya matago ang ngiti niya sa biro niyan iyon."Sorry, Sir. Tinulugan kita." hiyang hiya sabi ko. Pangalawang beses na niya akong nakikitang natutulog.Huli kong naalala ay nagkukwentuhan pa kami tungkol sa buhay niya nung college. Wala sa plano kong tulugan siya kasi mahirap magmaneho ng ganito pa kalayo tapos wala man lang kausap.