Ilang minuto na ang nakalilipas, ngunit wala pang anumang aksiyon ang sumunod na ginawa ni Dolus. Ano ang kaniyang plano? Balak ba niyang pahirapan muna kami nang sobra, bago patayin?
Nakahanda na ang sarili kong mamatay. Tanggap ko na ang aking magiging katapusan. Ano pang hinihintay niya?
Mariin kong naipikit ang aking mga mata ngunit agad din lang akong nagmulat. Bigla akong napapitlag at nagulat nang sumigaw si Caya. Napadako ang tingin ko sa kaniyang gawi. Boses pa lamang ay alam kong umiiyak na siya, at hindi naman nga ako nagkamali.
“Hindi lahat ng bagay ay kaya mong kontrolin. Hindi lahat. Hindi ang aming tadhana o buhay. Hindi ang aming pagkakaibigan. Hindi ang aming relasyon sa isa't-isa. Hindi ang aming pagmamahal para sa mga taong gusto naming protektahan. Hindi mo kayang kontrolin ang mga bagay na iyon, Dolus. At hanggang hindi mo iyon nagagawa, hindi ka magiging malakas!” mahabang litanya ni Caya, kahit namamaos na ang kaniyang bo
Walang tigil ang pagpapaulan namin ng malalakas na spell sa kinaroroonan ni Dolus. Bahagyang humina ang kaniyang kapangyarihan dahil sa ginawa ni Raid kanina. Ngunit, hindi pa rin maikakailang kayang-kaya niyang kaming tapatang lahat kahit na wala sa kaniya ang mga power stone.Sandali naman akong napatigil sa paglipad nang biglang tumili si Almirah. Napunta lahat sa kaniya ang atensyon. Napahawak siya sa kaniyang sinapupunan at tumingkad ang liwanag na nagmumula rito. Anong nangyayari sa kaniya? Manganganak na kaya siya?Mabilis na inalalayan siya ni Glade at saka binuhat na parang bagong kasal habang nakalutang ang lalaki sa ere. Kinakausap ni Glade ni Almirah ngunit wala kaming panahon para panoorin sila. Naglagay si Glade ng vine barrier sa palibot nila para hindi sila maapektuhan sa anumang atake o spells. Naintindihan naman namin silang dalawa. Kailangan nilang protektahan ang kanilang magiging anak. At gano'n din kami.Ibin
“Unleash the power of zodiacsAwaken the celestial marksUnite our hearts as one…”Sandali kaming napatigil nang bigla kaming hagupitin ng mga nagngangalit na baging. Mas naging agresibo ang mga ito sa pag-atake at tila ba mga galamay ng isang higanteng pusit na walang tigil sa paghampas. Wala kaming nagawa kundi tuluyang mapabitiw sa isa't isa para mailagan ang mga paparating pang atake.Isang baging ang dire-diretso sumugod sa aking direksyon kung kaya't inihanda ko ang celestial weapon. Ngunit, napapitlag ako at namilog ang mga mata nang makita si amang nasa kalunos-lunos na kalagayan. Pitong matutulis na baging ang bumaon sa iba't ibang parte ng kaniyang katawan at tumagos pa ang mga ito sa kaniya. Nakayuko ang kaniyang ulo habang malayang umaagos ang dugo mula sa kaniyang bibig.“Ama!” malakas kong sigaw, at hindi ko na lamang namamalayan ang pagpatak ng mga luha mula sa aking mga mata. Mabilis
Nasusunog ang buong paligid. Nakaririndi ang mga sigawan at tili ng mga tao. Nababalot ng pighati ang buong lugar. Maraming mga bangkay ang nakahandusay sa lupa at may mangilan-ngilang naghihingalo. Napakalupit ang sinapit nilang kapalaran.Halos lahat ng gusali ay gumuho na. Ang mga puno ay unti-unting nagiging abo. Wala ng pag-asa. Naglakad ako sa gitna ng lumalagablab na apoy, ngunit hindi ako nakaramdam ng kahit anong hapdi sa balat. Kanina ko pa ipinagtataka ang bagay na ito. Bakit hindi ako napapaso?Hindi ko alam kung paano ako napunta rito. Wala rin akong kaide-ideya kung paano nagsimula ang ganitong uri ng sakuna. Nakapanlulumo ang aking mga nakikita.Napatingala naman ako sa madilim na kalangitan. Dalawang ilaw ang kanina pa nagtatagisan sa itaas- isang pula at isang itim na liwanag.Nakapaninindig balahibo ang mga pangyayari. Ito ba ang sinasabi sa banal na kasulatan tungkol sa pagkawasak ng mun
Darating din sa tamang panahon ang mga bagay na pinapangarap natin. Sipag, tiyaga at dedikasyon sa ginagawa ang ilan lamang sa mga mahahalagang sangkap upang maabot ang ating mga pangarap.Kumurba ang matamis na ngiti sa aking labi habang pinagmamasdan ang kabuuan ng aking bagong gawang bahay. Ilang taon ko rin itong pinag-ipunan mula sa aking sahod na natatanggap buwan-buwan sa isang restaurant bilang waitress, dishwasher at janitor. All-around ang aking trabaho sa restaurant na iyon. Mahirap man, pero kinakaya para sa pangarap.“Ash, ang ganda talaga ng bahay mo! Galing ng pagkagawa,” pasadang saad ni Louie na nakasakay sa kanyang bisikleta.Bago pa lamang ako rito at kalilipat ko lamang kahapon mula sa apartment na inuupahan ko. Si Louie pa lang ang kilala ko sa subdibisyong ito dahil magkaklase kami no'ng haiskul. Tumulong din siya sa sa paglilipat ng aking mga gamit kahapon.
Hindi ko maiwasang hindi mamangha. Napapatulala na lamang ako dahil sa aking mga nakikita. Lahat na yata ng mga nilalang, na sa fairytales lang mababasa ay naririto at natipon-tipon lang sa iisang lugar.Habang papasok sa napakalaking gintong tarangkahan, marami kaming nakakasalubong na golems, goblins, imps, dwarves, elves, at maging ang mga nagliliparang cute na fairies. Lahat sila ay may kaniya-kaniyang gawaing pinagkakaabalahan. Pamilyar ang mga nilalang na ito sa akin dahil sa mga napapanood kong palabas na sila karaniwan ang mga bida. Napatigil ako sa pagkamangha nang biglang magsalita si Raid. Iyan ang dinig kong pangalan niya kanina mula sa kasama niyang babae.“Angel, pwede bang bigyan mo nang maayos na damit ang kasama natin at baka hindi ako makapagpigil dito,” naiilang na wika niya kay Angel. Halata ang pilit na pag-iiwas niya ng tingin sa akin.Kumulo tu
Napakaraming katanungan ang bumabagabag ngayon sa aking isipan. Napakabilis ng mga pangyayari at hindi magawang ma-rehistro sa aking utak ang lahat ng paliwanag sa akin kanina ni Archmaster Leonard. Hindi pa rin ako makapaniwalang isa ako sa mga Celestial Zodiac- ang labindalawang hinirang ni Empress Lumia. Pinili kami ng Phoenix Empress upang maging tagapangalaga ng kaayusan at kapayapaan sa mundo ng mahika.Ako ang Cancer sa mga Zodiac, na sinisimbolo ng isang alimango. Hindi rin ako basta-basta salamangkero lamang dahil anak ako ng isang Archgoddess- isang katotohanang mahirap paniwalaan para sa akin.Nagkakilala na rin pala kami ni Archmaster, sampung taon nang nakalilipas. Nilagyan nila ng selyo ang aking kapangyarihan upang hindi ako mapahamak kapag hindi ko ito magawang kontrolin. Ngunit, wala naman akong matandaan na nagkita na nga kami dati ni Archmaster. At ang isa pang ipinagtataka ko, bakit hindi nila ako dinala sa paaral
Napakabongga nga naman talaga ang kaganapan ngayon sa Dome. Punong-puno ng mahika ang buong paligid. Napakasarap din sa pandinig ang malamyos na musikang nagmumula sa orchestra.Ang mga fairies at maliliit na wind pixies ay walang tigil sa pagsasaboy ng dust particles sa hangin. Napakasaya! Sa buong buhay ko, ngayon pa lamang ako dumalo sa ganitong klase ng pagdiriwang. Napapawang na lamang ang aking bibig dahil sa pagkamangha. Hindi ko aakalaing sa lugar kong 'to mararamdaman ang magkahalong saya at labis-labis na excitement.“Sam, dalian mo. Mamaya ka na matulala at mamangha riyan,” sita sa akin ni Caya at iginaya sa pinakaharap, kung saan naghihintay ang ilang Celestial Zodiacs sa amin.Ilang minuto pa ang nakalilipas, unti-unti nang nagsara ang malaking bakal na pinto ng Dome Magia. Sandaling tumigil ang orchestra sa pagpapatugtog at lumapag sa entablado ang isang lalaki- si Archmaster Leo
Nagulat ako nang makarinig ng isang malakas na pagsabog. Nang nagpalinga-linga ako sa aking paligid, napagtanto kong nasa isang kagubatan ako. May dalawang tao akong nakikita mula sa aking kinaroroonan- isang babaeng nasa mid-30 na siguro ang edad at isang batang babae.Teka, anong ginagawa ko rito? Hindi ba't nasa Caelum Academy ako at kauuwi lang namin nila Caya galing sa Dome Magia. Nanaginip na naman ba ako?“Isa kang malaking kahihiyan! Hanggang ngayon ay hindi mo pa rin magawang kontrolin ang iyong kapangyarihan, Ash,” sermon ng babae sa bata.Ash? Bakit parang pamilyar sa akin ang eksenang ito? Ngunit, wala naman akong maalala na nangyari na ito sa akin. Ako ba ang batang iyon?Nangunot ang aking noo. Nagtago ako sa likod ng isang puno at pinanood silang dalawa. Napansin ko ang maraming punong natumba at nasusunog ang mga ito.Napadako ang aking tingin sa bat