Share

Kabanata 103

Blair Castro

UMIIRAL ang pagkabugnutin ko ngayong araw dahil sa pagbubuntis ko. Hindi ko alam kung bakit ganito ako sa pagkakataong ito. Hindi naman kasi ako ganito kaselan noon. Sa sobrang selan ko nga ay pinababa ko si Ryu kanina sa sarili niyang kotse dahil ang tapang ng amoy ng pabango niya.

Lihim nalang akong napailing habang katabi si Ryu. Inutusan siya ni Lukas na magpalit ng damit pero naaamoy ko pa rin ang pabango niya kanina. Hindi na lang ako nagrereklamo dahil baka may makapansin at makadagdag pa sa pwedeng ibato sa amin ni Alicia.

Nandito kami sa trial court, hinihintay lang namin ang judge. Nang magsimula ang trial ay nakatitig sa akin si Alicia na para bang siyang-siya siya na nakikita niya ako ngayon.

Unang tinawag si Alicia sa unahan. Nang makaupo siya ay tiningnan niya ako na para bang sigurado siya sa kalalabasan ng trial. Inirapan ko siya sa sobrang pag

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status