Blair Castro
NAPATINGIN ako kay Cloud matapos niyang maglapag ng hiniwang mansanas sa harapan ko. Nandito ako sa kusina habang nakaupo sa stool at tulala. Iniisip ko pa rin ang mga sinabi ni Lukas kagabi sa akin. Sobrang laki ng epekto sa akin ng mga binitawan niyang salita. Iyong banta niya lalo na nang sabihin niya ang mga nalaman niya tungkol sa akin.
“Okay ka lang?” tanong ni Cloud matapos maupo sa harapan ko.
Napatango ako saka tipid na ngumiti. “Oo. May iniisip lang ako.”
“Hmm! About what?”
Tumikhim ako. “Tungkol sa kambal.”
Nunkang sabihin ko sa kaniya na iniisip ko ang ginawa at sinabi ni Lukas kagabi.
“'Wag kang mag-alala. Kumpiyansa ako sa magiging resulta ng test,” aniya saka kumuha ng isang hiwa ng mansanas saka kinain.
Tumango nalang
Blair CastroIBINALIK ko kay Alicia ang paningin ko. Gigil, selos at galit ang nakita ko sa kaniyang mga mata bago niya padaskol na itinapon ang shades niya at sumugod sa akin.“ANG KAPAL TALAGA NG MUKHA MO!” malakas ang sigaw na pinakawalan niya habang pinipilit akong abutin. Hawak na kasi siya ni Lukas at pilit na inilalayo sa akin.Hindi ako nagsalita. Imbes ay nanatili akong nakatingin kay Alicia na mas lalong nanggigil sa panunuod ko sa pagwawala niya.“ANG LANDI LANDI MO TALAGA! MANG-AAGAW! KABIT!”“Alicia, stop!”Iniwan ko ang basura sa gilid ng gate ng bahay ko saka tumalikod na pero nakawala si Alicia kay Lukas at nahila ang buhok ko.“ALICIA!”Wala akong planong patulan siya pero nang makaladkad niya ako at masadsad ang binti ko sa simento ay hindi
Blair CastroMAAGANG umalis si Cloud kinabukasan. Ibibili niya raw ako ng oven para maipagbake ko si Lira. Excited naman ako sa gagawin ko. Sana lang ay tanggapin ni Lira ang ibibigay ko sa kaniya.Habang hinihintay ko si Cloud ay inayos ko ang mga gagamitin ko. Panay ang sulyap ko sa orasan at nang dumating si Cloud ay agad akong nagsimula.“Sige, tingnan natin kung paano magbake ang isang Blair Castro,” ngingiti-ngiting sabi ni Cloud.Natawa ako na sinulyapan siya. “Malalaman mo kung gaano ako kasarap magbake,”“Hmm. Tingnan natin.”Nginitian ko lang siya saka nagpatuloy sa ginagawa. Sinigurado kong tama ang timpla at magiging masarap sa panlasa ni Lira ang ginawa ko. Matapos ko itong ilagay sa oven ay nilingon ko si Cloud. Naupo ako sa harapan niya habang naghihintay kaming maluto ang cookies.
Blair CastroNAKAUWI ako sa bahay na iniisip pa rin ang naging reaksyon ni Dr. Marasigan matapos akong makilala. Hindi ko maintindihan ang dahilan ng ginawa niya pero malakas ang kutob ko na may itinatago siya. Kung tungkol saan ay hindi ako sigurado.Bumuntong-hininga ako saka inayos ang mga cookies na ginawa ko. Inilagay ko ito sa lalagyan—siniguradong maayos at kaaya-kaya ang hitsura bago ko isinara ang lalagyan.Lumabas ako ng kusina bitbit ang lalagyan ng cookies saka sumilip sa katapat ng bahay. Nakabihis na lumabas ng bahay si Lira at hindi ko alam kung sino ang kasama niyang lalabas.Habang wala pa ang kasama niya ay dali-dali akong lumabas para lapitan siya. Agad niya akong nakita.“Lira,” ngumiti ako.Iniangat ko ang hawak ko. “Gumawa ako ng cookies. Pwede mo bang tikman?”Tumingin s
Blair CastroMATIYAGA kong hinintay ang pagdating ng lunes para makita ulit si Lira. Gusto kong hilahin ang oras para mapabilis ito at nang makita ko na ulit ang anak ko. Ang siste ay habang hinihintay mo, parang lalong tumatagal at ayaw dumating.Nasapo ko ang ulo ko nang maalala ang huling pag-uusap namin ni Lukas. Hindi ko pa rin matanggap ang sinabi niyang hihiwalayan niya si Alicia para sa akin. Iba ang dating sa 'kin ng sinabi niya. Nainsulto ako. Kahit pa sabihin niyang may nararamdaman siya para sa akin, hindi pa rin katanggap-tanggap na hihiwalayan niya si Alicia at isasama ako. Pakiramdam ko ay parang mas lalo akong natalo kay Alicia.Marahas kong ginulo ang buhok ko saka tumayo sa kama. Sumilip ako sa bintana para tingnan kung dumating na ba si Alicia. Lunes na kasi at holiday kaya tiyak akong walang pasok si Lira.Dali-dali akong lumabas ng bahay nang makita ko
Blair Castro“NASAAN ang mga anak ko, Blair?”Hindi ko alam kung paano sasagutin ang tanong ni Lukas. Bakas sa mukha niya na naniniwala siya kay Alicia at nasaktan ako ng sobra. Hindi pa niya naririnig ng buo ang paliwanag ko pero hinusgahan na kaagad niya ako.Lumunok ako, kinakabahan. “Maniniwala ka ba sa akin? Maniniwala ka bang hindi ko ipinamigay ang mga anak natin?”Hindi ko maintindihan ang emosyong dumaan sa mga mata niya. Hindi ko maipaliwanag kung ano ang reaksyon niya.“Kung hindi mo ipinamigay, nasaan sila?”“Lukas—”“Ilang beses kitang tinanong!” sumbat niya dahilan para makagat ko ang pang-ibaba kong labi, pinipigilan ang tuluyang pagsabog ng emosyon ko.Humarap siya sa akin. “Ilang beses kitang pinilit na umamin. Kaya ba
Blair CastroHINDI ko alam kung paano sisimulan ang sasabihin ko. Nasa harap ko ngayon si Lukas habang nandito kami sa loob ng bahay ko. Gusto niyang mag-usap kami sa loob ng bahay niya pero tumanggi ako at sinabing dito nalang sa bahay ko.Dalawang araw na ang lumipas mula noong kausapin ko siya sa harap ng bahay niya. Dalawang araw ko na ring iniisip kung paano makikita ang anak ko. Naiinip na ako kahit pa nga sinigurado sa akin ni Lukas na ligtas si Lira.“Gusto kong marinig sa 'yo ang lahat, Blair,” ani Lukas habang nakatitig sa mga mata ko.Humugot ako ng malalim na buntong-hininga. “Maniniwala ka sa akin?”“I don't know. Siguro kung makukumbinsi mo ako,”Napatango ako. “Kay Alicia, naniniwala ka ba?”“She fooled me. Sinabi niyang anak niya si Lira pero hindi naman
Blair CastroINABOT ko sa labas ng bahay si Lukas nang lalabas sana ako para bumili ng almusal. Pabalik-balik siya sa may gate ng bahay niya habang nakapamaywang at nasa tainga ang isang cellphone.Nagulat ako nang hampasin niya ang gate. “Damn it!”Nilapitan ko siya. “Lukas, anong nangyayari?”Tumingin siya sa akin. Marahas ang bawat paghinga niya habang nakatingin sa akin. Bakas sa mukha niya ang frustrasyon para sa isang bagay.Nagtiim-bagang siya. “Alicia is hiding Lira,”Pakiramdam ko'y nayanig ang mundo ko dahil sa narinig ko. Nasapo ko ang bibig ko. Mauulit na naman ba ang nangyari noon? Mawawalan na naman ba ako ng puwang sa buhay ng anak ko? Hindi pwede! Paano kung tuluyan ko nang hindi makasama ang anak ko?Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi saka marahas na umiling-iling. &ldq
Blair Castro“LET'S go, Blair,” seryoso ang boses ni Cloud na tiningnan at inaya ako. Napatitig ako sa kaniya. Gusto ko pang kausapin si Lukas pero ayoko namang magalit sa akin si Cloud.Bumuntong-hininga ako at binawi ang braso ko mula sa kanilang dalawa. Hinarap ko si Lukas. “Uuwi na kami, Lukas.”Bumagsak ang balikat niya habang nakatingin sa akin. Yumuko siya. “I still want to talk to you,”Tipid akong ngumiti. “Next time nalang tayo mag-usap,”Sakay ng kotse ni Cloud ay bumalik kami sa bahay. Nalaman kong napansin niya ang kotse niya kaya bumaba siya ng taxi na sinakyan niya mula sa airport. Nang makarating kami sa bahay ay tahimik si Cloud. Hindi ko naman alam kung paano ko siya kakausapin.“Bakit kasama mo si Lukas? Saan ka dapat pupunta? Bakit sira ang unahan ng kotse niya, nabu