Lukas de Marco
“ANO kamo? Hindi anak ni Alicia si Lira?” tanong ni Ryu pagkatapos kalkalin ng hinliliit ang tainga niya.
Bumuntong-hininga ako at uminom ng alak. Nagtiim-bagang ako habang inaalala kung paanong halos mabaliw-baliw ako sa paghahanap kay Alicia dahil inakala kong siya ang nakasiping ko noong gabing 'yon. In the end, it was all planned. Hindi ko akalaing malalansi ako ng ganoon ni Alicia.
“Sinasabi mong iba ang babaeng hinabol mo sa babaeng nakasiping mo almost six years ago? It wasn't Alicia but Blair Castro? That chic?”
Nangunot ang noo ko at tiningnan si Ryu. “Chic?”
Ngumisi siya. “Dude, schoolmate natin si Blair Castro dati. Hindi ko lang matandaan kung highschool ba o college. Basta palagi ko siyang nakikita noon. She was darn hot!”
Tiningnan ko siya ng matalim at nagtaas na
Lukas de Marco“YOU tricked me?!” halos hindi makapaniwalang tanong ni Alicia nang matanawan niya ang pagdating nina Blair kasama si Cloud McBride at Jean.Dali-dali siyang nagbihis habang ako ay kalmadong nagsuot ng damit. Kanina habang natutulog siya sa kama ay inalam ko kung nasaan ang mga anak ko. I had to blackmail her one ally so I can get the location of my kids. Tamang-tama na natapos ang pag-uusap namin ng isa sa tauhan ni Alicia ay nagising ito nang bulabugin ng isa pa niyang tauhan at sinabing may dumating.“BEAT HIM!” galit na utos ni Alicia sa mga tauhan niya. Hindi siya nagdalawang salita dahil agad akong sinukmuraan ng isa sa kanila.Sa laki ng katawan ng mga tauhan ni Alicia, hindi ako nakaganti manlang nang pagtulungan nila. Napaluhod nalang ako at napaubo habang patuloy sila sa pagsipa at pagsuntok sa akin.“
Lukas de Marco“MGA anak mo ba 'yang mga 'yan?” pabulong na tanong sa akin ni Ryu habang nakaupo kami pareho sa sofa. Sa malaking kwarto dito sa hospital ay magkakasama ang kama ng mag-iina ko. Pina-confine ko na rin si Lira at Onyx kahit ayaw ng mga ito para lang masiguro ko na ayos ang katawan nila. Next week, kakausap ako ng phychiatrist para sa therapy ng mga bata. Ayokong makaranas sila ng trauma dahil sa nangyari.Nilingon ko si Ryu na panay ang sipat kay Blair. It's been two days pero wala pa rin siyang malay. Ayos naman na si Owen at masigla siya. Kanina nga bago sila nakatulog ay kakwentuhan niya si Lira.“Takte, dude! Parang carbon copy mo 'yung triplets. Lupet mo! Isang gabi, tatlo agad. Kumusta kaya ang bahay-bata ni Blair, 'no? Parang inabot ng ano mo—Aray!”Kung anu-anong sinasabi, tadyakan ko nga sa balakang. Galit siyang tumayo
Blair CastroTHERE'S blood. Hindi ko alam kung kanino. Nagkalat ang dugo sa sahig kung saan nagising ako. Nasapo ko ang ulo ko at muling tumingin sa paligid. Sa muling pag-ikot ng paningin ko ay halos himatayin ako nang makita ko ang katawam ng mga anak ko na naliligo sa sariling dugo. Hindi kalayuan sa kanila ay si Alicia na parang baliw na nakangisi habang hila-hila ang katawan ng isang lalaki. S-Si Lukas!Napaiyak ako. No! No! Hindi! Hindi ganito ang nangyari! Hindi ganito! Hindi mawawala sa akin ang mga anak ko.Sinubukan kong gumalaw pero hindi ko magawa. Para bang may mabigat na pwersang pumipigil sa paggalaw ko at ang tanging nagawa ko lang ay um-ungol.“Hmm!” sinubukan ko muling gumalaw. Nanginginig ang mga katawan na ipinikit ko ang mga mata ko at sa muli kong pagmulat ay puti ang sumalubong sa akin.“Blair!”
Blair CastroMAAGANG nakatulog ang mga bata pagkatapos nilang kumain ng hapunan. Nandito pa rin kami sa hospital pero wala nang IV sa braso ng triplets. Ako nalang talaga ang hinihintay para tuluyan na kaming makauwi.“Mabuti nalang talaga at ligtas ka, Blair. Kung alam mo lang kung gaano kalakas ang hagulhol ni Luke habang inaalis ang bala sa tagiliran mo. He was crying nonstop. Kung hindi pa siya tinurukan ng pampatulog, hindi siya makakapagpahinga.”Natulala ako sa sinabi ni Jeanette. Nakaupo siya sa wheelchair sa tabi ko habang ako ay nasa kama. Nagkukwentuhan kami hanggang sa napag-usapan nga namin ang nangyari.“U-Umiyak si Lukas?” hindi makapaniwalang tanong ko.Ngumiti si Jeanette at tumango. “Mukha lang matigas ang puso ng pinsan ko na 'yon pero ang totoo ay emotional talaga siya. Hindi siya madaling paiyakin, pero on
Blair CastroNAGISING ako sa mahihinang hagikhik ng batang babae. Nang tingnan ko ang pinanggagalingan ng boses ay awtomatiko akong napangiti nang makita si Lira na panay ang tawa habang naglalaro sila ng kuya Owen niya.Dahan-dahan akong bumangon at nilingon si Onyx na tahimik lang na nakaupo sa kama habang umiinom ng isang basong gatas.“Hey!”Napalingon ako sa gilid ko nang lapitan ako ni Lukas. Ngumiti siya. “Nagugutom ka na ba? Anong gusto mong kainin?”Tiningnan ko ang mga pagkain sa mesa.“Nagtake out ako ng spaghetti, gusto mo?” muling tanong ni Lukas.Umiling ako saka ibinaba ang mga paa ko. “Lalapitan ko si Onyx.”Tumango siya at itinulak ang sinasabitan ng IV hose ko. Nginitian ko siya nang makalapit ako kay Onyx. Napatingin sa akin ang bata.
Blair Castro “DITO po tayo titira, mommy?” tanong ni Lira habang nakatayo kami sa harap ng malaking bahay na may dalawang palapag. Hindi naman binanggit sa akin ni Ryu na mansion pala itong bahay na sinasabi niya. Sobrang laki nito para sa aming apat. Kung tutuusin ay kasya ang limang pamilya dito. “Kasama ka po ba namin, daddy?” muling tanong ni Lira na ngayon ay nakatingin na sa ama. Sakay kami ng kotse ni Ryu at inihatid nila kami dito sa Clari Ville. Ang totoo ay nag-away pa sina Cloud at Lukas kung saan kami sasakay ng mga bata papunta dito pero nakiusap ako kay Ryu na siya nalang ang maghatid sa amin. Sa totoo lang ay hindi na ako komportable sa pagpapagalingan ng dalawang 'yon. Alam ko naman kasi ang gusto nilang mangyari, kung ano ang pinagtatalunan nila at ano ang nararamdaman nila. Natatakot nga ako na komprontahin ang dalawa dahil ayokong mamili sa kanila. M
Blair Castro INAAYOS ko ang mga damit ni Owen. Nandito ako sa kwarto niya habang nasa kusina silang magkakapatid at kasama si Cloud. Nagluluto kasi ito ng hapunan habang iniwan ko naman sa sala sina Ryu at Lukas na nag-uusap. Maayos kong tinupi ang huling damit ni Owen saka inilagay sa closet. Napahawak ako sa tagiliran ko nang bahagyang kumirot ang sugat ko pero agad ring nawala. Napabuntong-hininga ako. Sinabi ni Lukas na ipinakulong na niya si Alicia at on-going na ang kaso nito pero gusto ko pa rin siyang makita at ipamukha sa kaniya na natalo ko siya dahil buhay na buhay ako. Sa isang araw ay plano kong pumunta sa hearing niya. Gusto kong makita kung paano siya hahatulan sa mga kasalanang ginawa niya. “Blair.” Napatingin ako sa pinto nang may kumatok at binuksan ito kasabay ng pagtawag sa pangalan ko. Si Lukas 'yon at agad nagtama ang paningin na
Blair CastroYAKAP ko si Lira habang nandito kami sa sala. Pahapon na nang matapos gumawa ng bahay ng kalapati sina Cloud at nanunuod na ng TV ang triplets. Nagpakalong kay Lukas si Owen habang si Onyx ay tahimik at prenteng nakaupo sa pang-isahang sofa. Nakasandal pa siya at parang haring nakatingin ng diretso sa TV.“Papa, bakit pareho kayo ni kuya ng mata tapos 'yung mata ko hindi masyadong green?” biglang tanong ni Owen sa ama.Napalingon ako kay Onyx nang tingnan niya ang kapatid. Akala ko ay magsasalita siya pero ibinalik niya lang ulit sa TV ang atensyon niya.Inayos ni Lukas ang buhok ni Owen. “Kasi, sa akin nagmana ang kuya mo.”“Bugnutin ka din po?” tanong pa ni Owen sa ama.Napatawa ako pero agad ring natigilan nang sabay akong tingnan nina Lukas at Onyx. Humagikhik naman si Lira na nakakalong