Share

Kabanata 67

Blair Castro

YAKAP ko si Lira habang nandito kami sa sala. Pahapon na nang matapos gumawa ng bahay ng kalapati sina Cloud at nanunuod na ng TV ang triplets. Nagpakalong kay Lukas si Owen habang si Onyx ay tahimik at prenteng nakaupo sa pang-isahang sofa. Nakasandal pa siya at parang haring nakatingin ng diretso sa TV.

“Papa, bakit pareho kayo ni kuya ng mata tapos 'yung mata ko hindi masyadong green?” biglang tanong ni Owen sa ama.

Napalingon ako kay Onyx nang tingnan niya ang kapatid. Akala ko ay magsasalita siya pero ibinalik niya lang ulit sa TV ang atensyon niya.

Inayos ni Lukas ang buhok ni Owen. “Kasi, sa akin nagmana ang kuya mo.”

“Bugnutin ka din po?” tanong pa ni Owen sa ama.

Napatawa ako pero agad ring natigilan nang sabay akong tingnan nina Lukas at Onyx. Humagikhik naman si Lira na nakakalong

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status