Blair Castro
HABANG naghihintay ako sa kotse ni Lukas ay napatingin ako sa dalawang bata na nakaupo sa gilid ng kalsada at nakatingin sa dumaan na bata na may kasamang nanay at kumakain ng ice cream. Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko nang makita ang inggit sa mga mata ng dalawang bata.
Hindi na ako nagdalawang-isip. Bumaba ako sa kotse at agad na pumasok sa isang ice cream parlor. Bumili ako ng dalawang ice cream saka agad na nilapitan ang mga bata. Nag-squat ako sa harapan nila at gulat silang napatingin sa akin.
Ngumiti ako at iniabot ang dalawang ice cream. “Para sa inyo 'to.”
Hindi ako nagdalawang salita. Agad na kinuha at nilantakan ng dalawang bata ang ice cream. Ngumiti ako saka kumuha ng 200 pesos sa wallet ko. Iniabot ko ito sa batang babae na tingin ko'y siyang panganay sa kanilang dalawa. “Bumili kayo ng tubig at pagkain, okay? Para sa inyo it
Blair CastroINIHATID ko sa airport kinabukasan si Cloud gamit ang mismong kotse nito. Ayaw ayaw pa nga niyang umalis dahil nagbago raw ang isip niya pero hindi ko siya pinayagan. Sa huli ay napilitan siyang umalis habang lukot ang mukha. Agad naman akong umuwi pagkahatid ko sa kaniya dahil dadalhin namin ni Lukas ang triplets sa psychologist.Iisa ng doktor ang triplets at habang nasa loob ang mga bata ay nakaupo kami ni Lukas sa bleachers. Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa bigla niyang hawakan ang kamay ko. Napalingon ako sa kaniya. Diretso lamang ang tingin niya kaya hindi na ako nagsalita.Hinayaan ko siyang hawak ang kamay ko habang nakatitig lang ako sa kawalan.“I wanna kiss you.”Kumabog ang dibdib ko sa salitang bigla nalang binitawan ni Lukas. Napalingon ako sa kaniya habang nakaawang ang mga labi ko.Dahan-dahan
Blair CastroKINABUKASAN ay napagbuksan ko si Lukas na may hawak na isang bugkos na bulaklak. Hindi ko inaasahan ang dala niya kaya naman hindi kaagad ako nakapagreact.“Good morning.”Saka pa lamang ako nakabawi sa gulat matapos niyang magsalita. Tumingin siya sa likuran ko. “Ang mga bata?”Nilakihan ko ang bukas ng pinto. “Tulog pa.”Tumango siya at iniabot sa akin ang bulaklak. Tinanggap ko naman ito saka ako ngumiti. “Salamat.”Hindi siya sumagot. Tinitigan niya lamang ako kaya umiwas ako ng tingin. Tumikhim ako. “N-Nag-almusal ka na ba? Nakaluto na ako.”“Hmm! Hindi ako tatanggi riyan.” nakangiti niya pang biro.Ngumiti rin ako saka inilapag sa patungan ang bulaklak. Pumasok ako sa kusina at sinundan naman niya ako. Naupo siya sa
Blair CastroKATULAD noong isang araw ay tanghali na naman ako nagising. Bumangon ako at nahagip ng paningin ko ang isang piraso ng pulang rosas sa bedside table at may nakalagay na note doon. Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi nang bumalik sa alaala ko ang paghalik ni Lukas sa akin kagabi nang damputin ko ang bulaklak.Good morning—iyon lang ang nakalagay sa note pero grabe ang ngiting gumuhit sa labi ko. Napatitig ako sa bulaklak saka tumingin sa paligid. Nang masigurong walang ibang tao ay nangingiti kong inamoy ang pulang rosas.Bakit ganoon? Bakit amoy Lukas?Naipilig ko ang ulo saka tumayo. Nagtali ako ng buhok matapos ilagay sa vase ang rosas kasama ng iba pang bulaklak na ibinigay sa akin ni Lukas.Lumabas ako ng kwarto at naabutan ko ang triplets na nasa sala. Naglalaro ng chess sina Owen at Onyx at nanunuod naman sa kanila si Lira
Blair Castro“TITO Ryu!” tuwang-tuwa na tawag ni Lira kay Ryu nang pumasok ito sa loob ng bahay. Nilapitan niya ang mga bata at naupo siya sa pagitan nina Onyx at Owen.Tiningnan ni Ryu ang dalawang batang katabi. Itinuro niya si Owen. “Sino ka?”Ngumiti si Owen at lumabas ang dimples dito, doon lamang nakilala ni Ryu kung sino si Owen at Onyx sa iisang mukha ng dalawang batang katabi niya.Humalakhak si Ryu. “Pareng Owen, ikaw pala 'yan.”Naghigh-five ang dalawa. Napailing naman ako saka itinuloy ang pagvavacuum ng sahig. Napatigil lang ako nang mag-ring ang cellphone ko sa aparador. Agad ko itong kinuha. Tawag ito mula sa US galing kay Cloud. Sinagot ko ang tawag. “Hello, Cloud.”[Hey! Mangungumusta lang ako.]Napangiti ako saka sinulyapan ang mga bata. &ld
Blair CastroHINDI ko maipaliwanag ang init na nararamdaman ko habang nakakulong sa mga bisig ni Lukas. Halos hubad na ako sa paningin niya habang patuloy niyang pinapaulanan ng halik ang labi, mukha at balikat ko. Mahigpit niya ring hawak ang baywang ko habang ang isa niyang kamay ay nakahawak sa isa kong kamay at magkasiklop ang mga palad namin.“Lukas!” senswal ang tono ng boses ko nang tawagin ko ang pangalan niya. Napaliyad ako kasabay ng pagbaba ng halik niya sa dibdib ko.Mariin akong napapikit at nakagat ang pang-ibaba kong labi. Hinihingal ako nang tumigil siya at tiningnan ako sa mga mata. Dahil nakahiga na ako sa sofa at nasa ibabaw ko siya ay wala akong kawala sa bisig niyang nakatukod sa gilid ko.Pinasadahan niya ng tingin ang buong mukha ko. Bakas ang iba't-ibang emosyon sa kaniyang mukha pero nangingibabaw doon ang pagkasabik.N
Blair Castro NAKATULALA ako sa kisame habang mahigpit na hawak ang kumot na nakabalot sa katawan ko. Tanging panty at t-shirt lang ni Lukas ang suot ko sa ilalim ng kumot. Umaga na pero hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang mga halik at haplos ni Lukas sa katawan ko kagabi. Mariin kong naitiklop ang mga hita ko. Ramdam ko ang hapdi sa pagitan nito dahil sa nangyari kagabi, sa paulit-ulit na nangyari. Napalunok ako saka dahan-dahang bumangon. Tamang-tama naman na bumukas ang pinto kaya napatingin ako sa pumasok. Si Lukas 'yon na may bitbit na tray. Kasunod niya si Owen na may dalang kutsara at tinidor. Sumampa sa kama si Owen at hinalikan ako sa pisngi. “Mama, kain ka na po.” Nginitian ko siya saka ko nilingon si Lukas. Inilapag niya sa bedside table ang tray saka siya naupo paharap sa akin. “Good morning.” nakangiti niyang bati. Na
Blair Castro“HINDI ba kayo nabibigla?” nagdadalawang-isip pang tanong ni Jeanette pagkatapos sabihin ni Lukas ang mga plano namin.Nandito kami sa sala at nasa itaas ang mga bata. Tinawagan ni Lukas ang pinsan niyang Jeanette para sa plano naming paglalantad sa tunay na kulay ni Alicia. Gusto ko nang matapos ang lahat at matatapos lang ito kung tuluyang mapuputol ang ugnayan namin kay Alicia.“Hinaharang ng mga Gonzales ang lahat ng lumalabas na haka-haka tungkol sa biglaang pagkawala ni Alicia. May isa ngang nakakita kay Alicia na pumasok sa mobile kaso binayaran siya kaagad para manahimik. Hindi kaya balikan kayo ng pamilya Gonzales kapag lumabas sa publiko ang tungkol dito?” tanong pa niya ulit.Napatingin ako kay Lukas. Kunot ang noo nitong nakatingin sa pinsan. “Last time I check, gustong-gusto mong ibulgar ang nalalaman mo. Ngayon ayaw
Blair CastroMABILIS kong pinatay ang TV nang bumaba sa hagdan sina Lira kasunod ang mga kuya niya. Naghaharutan sila sa itaas kanina habang nandito ako sa sala at nanuod ng news sa umaga. Lumabas na ang totoo tungkol kay Alicia at pinipiga ngayon ng media ang pamilya Gonzales. Pati si Lukas ay hinahabol ngayon ng media dahil sa pagkabulgar ng katotohanan kaya hindi ito makapunta dito sa amin. Kagabi nga ay sa office na raw siya natulog dahil tiyak raw na susundan siya ng mga reporters.“Mama, bakit di po napunta dito si papa?” tanong ni Owen na kumalong sa akin.Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi. Sinuklay ko ang buhok niya gamit ang daliri ko. “Marami kasing trabaho si papa.”Tumango siya. Muli kong binuksan ang TV at inilagay sa cartoons. “Manuod muna kayo, ha. Dito lang ako sa labas,” paalam ko sa mga bata saka ako lumabas ng bahay.