Share

Kabanata 88

Blair Castro

NAPAHILAMOS ako ng mukha gamit ang mga palad ko habang naghihintay pa rin ng update tungkol sa kondisyon ni Cloud. Gustong-gusto ko nang tawagan ang mga magulang niya para ipaalam ang mga nangyari pero gusto ko munang masiguro na ligtas na si Cloud dahil ayokong pati ang parents niya ay mapahamak. Baka atakehin si dad sa puso kapag nalaman niyang naaksidente ang anak niya.

Habang tahimik akong nakaupo ay mahigpit na hinawakan muli ni Lukas ang kamay ko. Ilang sandali pa ay lumabas ang isang doktor mula sa emergency room.

Agad akong tumayo at lumapit sa kaniya. “Dok, kapatid ko ho ang pasyente. Kumusta ho siya?”

Natigilan ako nang lumabas ang mga nurses at tulak-tulak nila ang stretcher kung saan naroon si Cloud. Halos manlumo ako sa hitsura niya.

“Miss, dadalhin namin sa operating room ang kapatid mo. Kailangang maoperahan an

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status